Makukulong po ba ako pag hindi ko nabayaran yung salary loan ko sa bangko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Last 2017 po my salary loan ako 20,000 nawalan po ako ng trabaho kaya hindi na ako nakapagbayad. May nagmessage po sakin sa fb messenger na taga law firm na mgfile n sila ng case. Pag di ko po nabayaran agad makukulong po ba ako?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Nag issue po ba kayo ng check sa sa nasabing utang dahil pwede po kayong kasuhan for violation under BP 22 maaring may imprisonment po sa kasong ito. Maari ring estafa depende po if proven beyond reasonable doubt na you have committed fraud may imprisonment po or fine but pwede naman po ninyong maexplain ang lahat ng ito sa korte kung paanong hindi po kayo nakabayad. Mas mabuti namang makignegotiate with the lending company before this case is brought to court. However, pwede po namang doon na rin sa korte makipagnegotiate tungkol dito para madismiss po ito after mabayaran mo ang inyong obligation. Kung kriminal case po ang ipapafile sa inyo at wala naman kayong trabaho or qualified ang income ninyo to avail of PAO free services pwede po kayong pumunta sa opisina nila para magpatulong po.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi po ako nakapag issue ng pdc kasi biglaan pong nauwi ako sa probinsya kasi ngkasakit ang nanay ko walang ibang mag aasikaso s kanya kaya ngresign ako sa trabho. Tapos naging sunod sunod po ang problema yung kapatid ko naman pong special child ang ngkasakit taong 2017 po yun.Tapos d inaasahan po nbuntis po ako at na Cs dami ko pong expenses. Kaya hindi ko na po naasikaso agad yung sa loan ko. Pwede kaya ako makiusap sa bangko na hatihatiin po yung utang ko para lang mabayaran ko po sila at hindi ako mademanda po?
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maari po talagang marestructure or makipagnegotiate sa creditor po ninyo ang importante pumunta lang po kayo personally sa office nila atleast makikita nila na sincere na man po kayong bayarang ang utang ninyo. Maaring pipirma kayo ng panibagong agreement depende na po sa kanila yan. If possible iwasan na mag issue ng check lalo na if hindi ka siguradong mabayaran mo sa date na i impose sa iyo.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.