Makulong po ba kung may salary loan sa banko na di nabayaran?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May salary loan po ang kapatid Nung 2008 pa. Halagang 15k po nakapagbayad po siya mga ilang buwan lang dahil biglang humina ang factory na pinagtrabahoan niya hanggang sa natigil na siya sa trabho...ngpadla ng noticed ang banko nung 2011 pro di nakabayad ang kapatid ko dahil wala na rin siya trabaho hanggang sa ngayon di na nakapagtrabaho dahil nakapagasawa na at may dalawang anak na inalagaan dahilan na hindi na siya makapagtrabaho tapos ang asawa niya on and off din ang pasok sa isang factory. Ngayon lang taon na ito my ngmsg sa kanya na ipaabot na nila sa korte kung di mabayaran ang utang sa banko na umabot na nung una ang sabi 150k. Hanggang bumaba na ng 50k na lang daw ang bayaran. Nung pumunta sila sa aub or asian united bank ang sabi nung una di nila alam ang text itawag daw muna nila sa Manila. Kinabukasan tinawagan ang kapatid ko sa aub bank pinapunta sa banko at sabi dapat na bayaran ang utang niya. Yan ngayon ang problema ng ng kapatid ko paano niya bayaran ang salary loan niya dati...gatas nga ng bata nahihirapan na sila bumili pangbayad pa...tinakot pa siya tru text na dalhin na nila sa korte pag di siya makabayad ngayon buwan na to...iyak ng iyaj ang kapatid ko baka daw siya makulong malilit pa anak niya 2 years at 7 years pa...ano po ba ang dapat gawin? Salamat in advance sa reply..

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi po ba siya nag issue ng check ng umutang siya? Kasi pwede po siyang kasuhan na BP 22 or estafa depende sa ipapafile na kasong criminal ng complainant. Kung criminal case maaring may imprisonment or fine lang depende sa judge po. Usually binibigyan naman po sila ng chance na magcompromise kung paano ito pwedeng bayaran. If ever naman po civil case or collection case lang ang ipapafile walang imprisonment ngunit kung ano-anong mga ari-arian ang pwede ma attach or makukuha bilang kabayaran at ipaauction ay siyang kukunin po kung wala talagang pambayad ang akusado po.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
di po siya ng issue ng check, bale yung form na ngfill up siya ng loan ay galing sa mangement ng factory. tapos pinapunta lang sila sa banko, sa asian united bank para kunin na yung salary loan nila. lagi kasi pananakot sa kausap niya sa phone ay kasuhan at ipakulong siya pagdi siya makabayad. ngtaka lang ako bakit ayaw magbigay ng statement of account ang banko?. para malaman sana paano umabot sa 150k yung 15k?...which is may deduction siya dati sa sahod niya dahil sa salary loan.
laging may tumawag sa kanya hiningan siya ng 20k para initial payment pag mabigay daw niya magiging 50k na lang babayaran niya in one year. ang naibigay lang ng kapatid ko is 5k may resibo naman na binigay yung banko. ngayon pagtawag niya uli ang sabi naman kailangan na daw niya bayaran ang 150k dahil di daw naibigay yung 20k na usapan nila. saan mghanap ng 20k ang kapatid ko in 1wik lang. sa 5k nga nahirapan mangutang. tapos parang useless pa ang pagbayad ng 5k. problema na naman ng kapatid ko paano bayaran yung 5k na hiniram. ang sabi kahapon sa kanya kakasuhan na daw siya. kaya naghanap ng maibigay na initial payment ang kapatid ko kasi ang sabi saka sila magbigay ng agreement at statement of account kung makapagbigay na ng initial. pro walang binigay. ang sabi kakasuhan na daw siya.
ano pa ba dapat hingin na mga documents sa banko para malaman namin paano umabot ng 150k yung 15k na salary loan?
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Normally kapag nangungutang ka sa bank or other lending agencies binigyan kayo ng statement of account kung magkano ang interest na ipapataw nila. Baka mayroon siya nito pwede rin namang pumunta siya at humingi nito uli sa kung papaano lumaki ng ganito ang utang niya. Try nalang po ninyo na makipagnegotiate at humingi ng paumanhin na hindi po ninyo ito nabayaran . Sabihin ang tunay na financial condition baka maawa at i waive nalang nila ang mga interest nito. Dahil kayo ang may utang kailagang makiusap po ng maayos dahil after all obligasyon po ninyo itong bayaran. If sakaling magpafile talaga sa korte doon nalang makipag usap at ipaalam sa judge ang kakayahan po ninyong bayaran ito baka maawa at ireduce pa po niya ang interest na nakasulat sa inyong agreement.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
pwede po ba siya arestuhin agad pag kinasuhan na siya sa utang niya?...yan kasi sabi ng kausap niya sa phone kaya natakot kapatid ko na makulong. maraming salamat talaga sa time at pasensya na po sa abala sanay pagpalain ka ng maykapal.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.