Maling paginom ng tubig: Bakit makakasama sa kalusugan ang hindi tamang pag-inom

Medical Team
is a Medical expert in United States

Gusto natin humaba ang buhay. Maaaring makasama sa kalusugan ang maling paginom ng tubig. Baka di mo namalayan, ang maling paginom mo ng tubig ay nakakapinsala pala.

Narito ang 4 maling nakasanayan sa paginom ng tubig na importanteng malaman para di magkaproblema sa kalusugan.
 
1.     Paginom ng isang buong basong tubig ng dire-diretso. Kapag linagok natin ang basong tubig ng diretso, napupuno ng tubig ang ating katawan, dahil di masipsip kaagad ng ating katawan ang maraming tubig. At kelangan nating iihi ang sobrang tubig. Pag nangyari ito, lumalabas din ang body salt o sodium, na importante sa ating katawan.
Isa pa, lumalabnaw ang laway kapag maraming nainom na tubig, at importante ang laway sa pagtunaw ng pagkain.
Ano dapat gawin? Una, higupin unti-unti habang umiinom tubig. Pangalawa, mas mabuting hatiin ang iinumin ng paunti-unti sa loob ng buong araw. Halimbawa, maaaring uminom ng mga one-fourth na baso bawat beses. Siguraduhin lang na makainom ng mga 8 basong tubig sa isang araw.
2.     Uminom ng maraming tubig habang kumain – Habang kumakain, may nilalabas na gastric juices ang ating tiyan, o likido na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. Kapag uminom kaagad ng tubig pagkatapos kumain, lumalabnaw ang gastric juices at makaapekto sa pagtunaw ng pagkain. Pwedeng uminom ng pakonti-konting tubig habang kumakain, pero wag ubusin kaagad ang buong baso. Mag-antay ng kalahating oras pagkatapos kumain bago uminom ng maraming tubig. Isa pa, pwedeng sikmurain kapag uminom kaagad ng maraming tubig.
3.     Uminom ng malamig na tubig – Masarap uminom ng malamig na tubig, lalo na kapag mainit ang panahon. Ngunit ayon sa Ayurvedic medicine ng India at traditional Chinese medicine, ang paginom ng malamig na tubig ay maaaring makasanhi ng pagbagal ng pagtunaw ng pagkain. Ayon sa iba, nakakaliit rin ng daluyan ng dugo ang malamig na tubig, kaya’t nahihirapan pumasok mga nutrisyon sa parte ng katawan. Ngunit ayon sa siyensiya, walang sapat na ebidensiya tungkol dito.
4.     Di uminom ng tubig pagkagising sa umaga – Maraming kumakain kaagad paggising sa umaga, nang wala pang naiinom na tubig. Ang iba naman ay nag-eeheresisyo ng walang nainom na tubig. Maaaring makasanhi ito ng hematuria, o dugo sa ihi. Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga ng walang laman na tiyan ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa kalusugan. Halimbawa, inirerekumenda ng mga manggagamot ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga. Ito raw ay nagdudulot ng paghihigpit ng mga bituka, na nakatutulong sa panunaw at sa paggalaw ng bituka.
 
 
Narito pa ang iilang paalala:
I-check ang kulay ng iyong ihi. Kapag kulay apple juice, malamang dehydrated o kulang ka sa tubig. Kapag kulay lemon o calamansi juice, malamang hydrated ka o di kulang sa tubig.
2.    Kapag kulang sa tubig ang katawan, hindi magandang kapalit ang mga softdrinks o fruit juices. Kabaligtaran dito, ang mga matatamis na inumin ay nakakauhaw at nakaka-dehydratre.
3.    Uminom ng mga 8 to 12 baso ng tubig bawat araw. At kapag nageeheysisyo, damihan ang paginom ng tubig.  Sa 8-12 na basong tubig, dapat di bababa sa 5 baso ang purong tubig.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.