Mapwe-pwersa po ba ako ng law firm para sabihin ang contact details ng nanay ko? paano po nahulog na Estafa case ang utang sa banko?

Cathy Ajero
is in the Philippines

Nagkautang po kasi ang nanay ko sa bangko, nagpadala po sila ng letter sa bahay ng lola ko in which doon po ako tumutuloy. Nung nagdeliver yung sulat sa amin sabi ng lalake kailangna daw pirma, pangalan at contact number for thier record.
Ako in good faith thinking na for record purposes lang nagsulat ng number. then yung mga sumunod na araw tumatawag na saking yung law office daw na hinahanap mama ko. at that time di kami nag-uusap ni mama so sabi ko irerelay ko lang sa kanila (mga kasama ko sa bahay) para masabihan si mama. Pero dalawang araw walang puknat tawag ng tawag text ng text -
naharass ako kasi di na ako nakakatulog ng maayos galing sa trabaho ( pang gabi work ko) kasi tumatawag. nung minsan sinagot ko, pinilit akong magbigay ng details ni mama.
then biglang huminto after two days. then all of sudden this year me tumawag at nag text ulit. di ko nasagot yung call. pero yung text ang sabi me estafa case si mama.
paano po umakyat sa estafa yung kaso? diba po estafa is fraud?
ang sabi po doon "willfully ignore" - can they harass and force me to say the details of my mother and use it against her?mapwe-pwersa po ba ako ng law firm para sabihin ang contact details ng nanay ko? paano po nahulog na Estafa case ang utang sa banko?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
You are not forced to give information but kung gusto pwede kang magbigay ng information dahil may obligation naman din kayong bayaran ito. Now, magiging estafa yan lalo na if nakapag issue ng check ang nanay mo or talagang may intensyon siyang takasan ang utang na ito. Mas mabuti nalang na bayaran or isettle po ninyo ito dahil it will affect her credit history. Maaring handlang na ito para makapag apply ng loan sa bank or ibang institution dahil sa bad credit record niya.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.