Masama ba Maligo ang Puyat? Pwede bang Mag-Basa o Mag-Shower ang Walang Tulog o Kulang sa Tulog o Inaantok?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang pagligo araw-araw ay gawain na natin upang maiwasan na mapinsala ng dumi ang ating katawan. Ito ay ginagawa 2 beses o higit pa sa isang araw o kapag madumi ang ating katawan. Ito din ay mabuti sa ating katawan sapagkat pinupuksa nito ang dumi o bacteria na nagiging sanhi ng sakit.
 
Marami ang nagsasabi na ang pagligo ng kulang sa tulog ay nagiging sanhi ng pagkabulag. Ito ang pinaka-nakakabaliw na bagay na lagging sinasabi ng iba o sa mdaling salita ito ay kalokohan lamang. Hindi ito nagiging dahilan ng pagkabulag.
 
Iba’t iba ang nagiging epekto ng pagligo sa bawat isa. Ito ay mas nagpapagising pa sa iyo at ang iba naman ay nagiging dahilan ng lalong pagkapagod. Kailangan mong isipin kung ano ang magiging reaksyon ng iyong katawan at kung ano ang plano mong gawin pagkatapos. Maaaring ito ay magbibigay ng lalong pagkapagod kaysa dati. Kung ikaw ay lalabas at mananatiling gising buong araw, ang epekto nito ay makakramdam ka ng labis na kalungkutan, pisikal na hirap sa katawan, at sisira sa iyong immune system. At magiging dahilan ng iyong sakit. Subukang mas matulog ng mahaba.
 
Laging tandaan, ang katawan ng tao ay hindi lamang ginawa upang magtrabaho sapagkat kailangan din nito ng pahinga. Lalo na sa gabi, ang katawan natin ay kailangan ng pahinga dahil sa mahabang araw. Ngunit karamihan, ang pagpapahinga sa gabi ay hindi ginagawa ang dapat sapat na tulog. Ang palagiang gawaing ito ay nagdudulot ng maraming dahilan tulad ng insomnia o minsan ang pagtapos ng trabaho kahit na hatinggabi na.
 
Gayunpaman, hindi dapat ginagawa ang pagpupuyat, ngunit ang katawan natin ay patuloy pa din sa paggawa ng mga gawain. Ang kailangang gawin natin sa gabi ay magbigay ng sapat na oras sa katawan upang magpahinga.
 
Kung palaging naligo kahit na puyat, makakaranas tayo ng init sa katawan. Ano ang mangyayari kung ang temperatura ng katawan ay mainit at bubuhusan ng malamig na tubig?
 
Kapag iniligo ang mainit na katawan, mas lalaong iigting ang init na nararamdaman sa katawan. Ang katawan ng tao ay biglang nagbabago ng temperatura. May matalinhagang salita                       sa kasong ito na “babasaging baso na may lamang mainit na tubig”. Isipin mo na ang babasaging baso nilagyan ng mainit na tubig pagtapos ay pinalitan ng tubig na may lamang yelo. Ang resulta nito ay mabibiyak at mababasagang baso. Ganun din ang ating ating kataawan. Dahil sa pagod at kulang sa tulog, ang temperature ng ating katawan ay mainit. Oras na maligo tayo, ang mainit na katawan ay biglang binuhusan ng malamig na tubig na magdudulot sa atin ng pagkasakit.
 
Pagkatapos ng gabing walang tulog, mas maganda na unang ipahinga ang sarili bago maligo. Ang pagligo ng walang tulog ay masama at dapat iwasan.
 
Dapat Gawin Bago Maligo:
-          Iwasang maligo pagkatapos ng pagpupuyat o kakulangan sa pagtulog
-          Alamin ang iyong temperatura. Kung ang iyong katawan ay nakakaramdam ng init, mas makabubuti na ipahinga muna ito.
 
Ang pagpupuyat ay masamang gawain na kailangang baguhin. Delikado ito kung patuloy na gagawin. Hindi lamang magkaroon ng pisikal na problema, kundi pati sa emosyonal dahil makakaramdam ng pananamlay na ikasanhi ng lungkot. Maraming magiging posibleng epekto ang pagpupuyat mabilis na pagkapagod at kalaunan makaramdam ng hirap sa pagtulog o insomnia.
 
Ano ang mga Epekto ng Puyat?
1. Paglitaw ng eye bag/panda eyes
 Ang panda eye o eye bag ay madalas nakikita sa mga mahilig magpuyat. Ang eye bag mismo ang isa sa pisikal na katangian ng mga taong mahilig magpuyat. Ang mukha ay hindi maaliwalas at ang mata ay mukhang maputla. Bukod pa rito, ang pagpupuyat rin ay sanhi ng mga kulubot sa mukha na mabilis lumabas lalo na sa palibot ng mata. Sa kasong ito, malinaw na ang pagpupuyat ay nakakabawas sa natural na ganda.
 
2. Pagbaba ng immune system
Kung sasanayin mo ang iyong katawan sa pagpupuyat, ang pangalawang epekto nito ay ang kabawasan ng lakas ng iyong katawan.  Sa mga tao na sobra kung magpuyat, mas mabilis na dapuan ng sakit ang katawan kumpara sa taong sapat ang tulog. Mayroong iba’t-ibang klase ng sakit na pwedeng tumama ano mang oras tulad ng trangkaso, sakit sa ulo, panginginig at iba pa.
Ito ay madaling aatake sa oras na bumaba ang iyong immune system dahil sa sakit dulot ng kakulangan sa tulog.
 
Ang ibang posibleng sakit ay aatake, tulad ng mga malalalang sakit gaya ng senyales ng stroke, problema sa baga at problema sa atay. Sa karagdagan, mayroon ding malaking panganib ng obese hypertensive na magmumula sa katawan kung ikaw ay madalas magpuyat. Kapag natutulog, ang cells ay gagalaw upang alisin ang toxins sa iyong katawan. Kung babawasan mo ang oras ng iyong pagtulog, ang sistema ng iyong katawan ay hindi gagalaw ng maayos.
 
3. Pagkawala ng Konsentrasyon
Ang ibang kulang sa tulog ay nakikipagsapalaran sa epekto nito. Isa na dito ang kawalan ng konsentrasyon sa ginagawa, makalimutin, at lagging haggard. Kung ikaw ay natulog ng mas mababa sa 6 na oras, at nagising, ito ay walang rin kwenta o maituturing na kulang sa tulog.
 
Mas maganda kung mahimbing at sapat ang tulog. Makakaramdam ka ng kaginhawaan at komportable sa trabaho. Ito ay nakakatulong sa pangmatagalang memorya upang mapabuti.
 
4. Irregular na pagkain
Ang kawalan ng gana sa pagkain ay nagiging madalas dahil sa laging puyat. Kapag pinagkaitan mo ang iyong katawan ng pahinga o tulog, malamang na hahaba ang iyong tulog at tanghali na magigising. Nang dahil dito, hindi ka na makakakain ng iyong agahan. Katunayan, ang agahan o breakfast ang pinaka-importante para sa malusog na pangangatawan at nagbibigay sa iyo ng enerhiya sa pangaraw-araw.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)