MASAMA BA MALIGO PAG PUYAT? MASAMA BA MALIGO PAG GABI? BAWAL BA ANO EPEKTO

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Masama bang walang tulog o pahinga tapos maliligo sa gabi?
Ang paliligo ay isang gawaing pang araw-araw na kadalasang ginagawa ng isa o dalawang beses. Layunin nitong tanggalin ang anumang dumi sa ating pangangatawan.

Nakakapagpaganda din ito ng tekstura ng balat, ayon sa National Sleep Foundation ang paglilinis ng mukha at buong katawan ay makakatulong maiwasan ang pagkakaroon ng pimples o acne at anumang rashes. Tunay ngang nakakatanggal ng pagtuyot at nakakapagpalambot ng katawan.

Ngunit malaki ang kaibahan nito sa paliligo ng walang tulog. Sinasabing ito ay nakakasama sa ating kalusugan. Ang iba't ibang parte ng ating katawan ay may kanya kanyang tungkulin para umayos ang sistema ng ating pangangatawan. Ang mga ito ay kailangan din ng pahinga upang mabawi ang nawalang lakas at magamit muli ng maayos.

Imbes na ang iyong sistemang pangangatawan ay naghahanda sa muling paggamit nito, ito ay gising at tuloy tuloy ang paggamit. Dahil walang tulog at pahinga ang temperatura ng katawan ay tumataas, ayon sa isang pagaaral, ang mainit na baso ay ang iyong katawan at ang baso na ito ay nilagyan ng malamig na tubig, bilang resulta ang baso ay pwedeng mabitak o mabasag.

Ano ang mga masasamang epekto ng paliligo sa gabi?
1. Ang paliligo sa gabi ay pwedeng magdulot ng rayuma - ang rayuma ay isang autoimmune na sakit na ang sintomas ay pananakit at pamamaga ng kasukasuan. At kung ikaw ay may ganitong karamdaman, maaari nitong mapalala ang pananakit dahil sa malamig na tubig na iyong ipinampapaligo.
2. Ang paliligo sa gabi ay nagdudulot ng mabilis na pagtanda - ang katawan ay nahihirapang tanggapin ang lamig kapag ikaw ay naliligo sa gabi. Bumabagal ang iyong metabolismo at kakailanganin ng katawan ng maraming supply ng calories at oxygen para maibalik sa normal ang temperatura ng katawan.
3. Ang paliligo sa gabi ay pwedeng magtrigger sa iyong sakit na gout - ang sakit na ito ay dahil sa paggamit ng purine sa katawan upang tumaas ang uric acid. Dahil dito, ang kidney ay nahihirapang tanggalin o itapon ang mga laman na hindi naman kailangan ng katawan.
4. Ang paliligo sa gabi ay nakakasira sa iyong metabolismo - sa gabi, ang temperatura ng katawan ay mababa at nagsisimula na itong manghina dahil sa buong araw na paggamit kaya naman nangangailangan ito ng pahinga upang maibalik ang nawalang enerhiya, lakas o laman na kailangan ng katawan. Kapag naligo sa gabi ang butas ng balat ay bukas at madaling pasukin ng tubig na maaaring makapinsala sa hormon ng katawan.
5. Ang paliligo sa gabi ay pwedeng magdulot ng sipon o lagnat - dahil sa mababa at mainit na temperatura mas madaling tamaan ng sipon at lagnat.
6. Ang paliligo sa gabi ay nagdudulot ng pananakit ng masel - sa kadahilang ang tubig ay malamig at bukas ang pores ng katawan.
7. Maaring maaksidente sa banyo - ang normal na reaksyon o kondisyon ng katawan ay nanghihina at nananamlay at dahil dito nagiging walang ingat. Ang banyo ay isang delikadong lugar dahil madulas at basa maaring ikaw ay madulas o maaksidente.
8. Pwedeng mapaso o masunog ang balat - ang iba ay napapaso o nasusunog ang balat dahil sa mainit na sensasyon na katawan at hindi namamalayang mainit na pala ang ipinampapaligo.
 
Marahil ikaw ay napapagalitan ng iyong lolo at lola o ng mga matatanda, dahil ang paliligo daw sa gabi ay sinasabing nakakabulag. Magandang balita, ang paliligo sa gabi ay hindi nakakabulag at kailanman hindi makakaapekto sa iyong mga mata. Ang pagkabulag ay sanhi ng aksidente, komplikasyon sa problemang pangkalusugan, congenital blindness o inborn. Pag ikaw ay inaantok, iwasan lang na malagyan ng sabon o shampoo ang mga mata para hindi ito mairitate o mangati.Ang pangungulubot at ang posibilidad ng impeksyon sa mata ay pwede ring maiwasan sa pamamagitan ng paliligo.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)