Masama ba pigilan and utot? Nakakamatay ba ang pagpigil ng utot?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Sa artikulong ito, nais namin ibahagi ang aming natuklasan tungkol sa pagpigil ng utot ayon na din sa mga eksperto.

Masasabing lima hanggang dalawamput tatlong beses na umuutot ang isang tao sa loob ng isang araw. Huwag tayo mag-panic dahil ito ay normal lamang.
Masama ba pigilan and utot? Nakakamatay ba ang pagpigil ng utot?
Masama bang pigilan ang utot? Ang sagot ay, oo. Pero bakit??? Yan ang katanungan ng lahat.
Masama ba pigilan and utot? Nakakamatay ba ang pagpigil ng utot?
Alam niyo kasi guys, natuklasan ng mga eksperto na ang palaging pagpigil ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng diverticulitis. Ibig sabihin nito, ay ang pamamaga ng daluyan ng digestive tract. Maaaring lumala ang diverticulitis kung ito ay hindi bibigyan pansin na magiging sanhi ng impeksyon sa bituka.
Kapag ikaw ay umutot, ang gas ay pupunta sa iyong bituka hanggang sa tumbong, at lalabas sa iyong pwet. Ngunit kung hihigpitan mo ang iyong muscles bandang pwet, mag-uumpisang mamuo ang pressure sa iyong tiyan na dulot ng gas na hindi mo mailabas.
Mayroong pag-aaral na nakakapagsabi na may tyansang makakaramdam ng mga sumusunod:
●      Pananakit ng tiyan
●      Pagkabalisa
●      Bloated o puno ng hangin ang tiyan
●      Hindi matunawan
●      Pananakit ng dibdib
Nakakamatay ba ang pagpigil sa utot?
Walang ebidensya na makapagpapatunay na nakamamatay ito, ngunit ang sakit at hindi pagiging komportable ay maaaring tumindi.
Paano maiiwasang Utot ng utot?
Hindi mo naman kailangang pigilang mabuo ang utot, dahil normal lang ito. Hello … ano gusto mo making abnormal?
Ngunit, isa sa mga dahilan ng madalas na pag-utot ay hindi natunawan, makakatulong ang pagbabawas ng timbang.
 
Kapag madalas kang nauutot o kinakabag, maaaring subukan na iwasan paisa-isa ang mga pagkain na babanggitin, para makita kung alin sa mga pagkain ang maaaring sanhi ng palagiang paguutot:
· Dairy
· Beans at munggo
. Mani
· Camote
· Lettuce
· Cauliflower
· Sugar-free foods (na naglalaman ng sorbitol, mannitol at xylitol)
· Repolyo
· Sibuyas
· Broccoli
· Mushrooms
· Beer
· Carbonated drinks
 
Tamang Diet
Bawasan ang pagkain na mataas sa protina at taba, kung saan matagal ito bago matunaw at nagiging sanhi ng mas madaming gas sa katawan.
Mabuti sa kalusugan ang pagkaing may fiber. Ngunit ang mga pagkaing mayaman sa fiber, katulad ng whole wheat bread at mani ay maaari ring magdulot ng hangin. Bawasan rin ang pagkaing may fiber. Kapag madalas kang umuutot, subukang bawasan panamantala ang pagkain ng fiber. Kapag um-ok na pakiramdam mo, atsaka mo patuloy ang pagkain ng fiber.
Iwasan din ang mga matitigas na candy at chewing gum.
 
Ano ang tamang gawin para di madalas na mautot:
· Dahan-dahan sa pagkain at pag-inom upang kaunti lamang ang hangin na malunok.
· Palaging mag-ehersisyo, makatutulong ito upang mailabas ang gas sa iyong digestive system.
· Huwag manigarilyo
· Kung nakapustiso, siguraduhing tama ang sukat nito
· Madalas na pagkain ngunit kaunti lamang upang maiwasang ma-stress ang digestive system.
Ilan sa atin ay nahihiya o kaya’y hindi kaaya-aya ang pakiramdam kapag madalas na umuutot o nautot lalo na sa pampublikong lugar at mayroon itong hindi magandang amoy. Ang ilan naman sa atin ay sinusubukang pigilan hanggang sa makahanap ng lugar na maaari na itong ilabas, ngunit minsan ay hindi pa rin natin ito makontrol.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.