MASAMANG PANGITAIN: Ano Kahulugan ng Pugot ang Ulo, Asong umaalulong, Pusang nagaaway, Amoy kandila?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Totoo ba ang mga pangitain? Ikaw ba ay naniniwala dito? May iilan sa atin, hindi lang tayong mga pinoy kundi iba’t ibang lahi din ang naniniwala sa mga pangitain. Ito ay nanggaling pa sa ating mga kanunu-nunuan. Alam naman natin na tayong lahat ay mamamatay, subalit hindi lang natin alam kung kelan nga ba ito. May iilang naniniwala na sa pamamagitan ng mga pangitain, nakikita kung oras na ng isang tao o nasa panganib ang kanyang buhay.  
Narito ang 10 masamang pangitain na pinapaniwalaan ng iilan:
 
1.     Nagaaway na pusa – Ayon sa kasabihan ng mga matatanda, kapag ang pusa ay nag-aaway ng gabi o madaling araw sa loob ng bahay, nangangahulugan daw ito na may mangyayaring masama. Upang maputol ang malas, dapat daw awatin ang dalawang pusang nag-aaway.
 
2.     Pugot ang ulo - Ayon sa mga ninuno, oras na may makita kang tao na walang ulo, ito ay nangangahulugan na siya ay mamamatay. Huwag mabahala, dahil maaari itong kontrahin. Kumuha ng importanteng gamit ng taong nakitang pugot ang ulo, at ito ay sunugin, upang maudlot ang masamang mangyayari.
Samantala, sa ibang probinsya naman, kapag may makitang taong pugot ang ulo, dapat daw sukluban ng panyo o sumbrero at batiin o tanungin ang tao ng “Asan ang ulo mo?” Upang makontra ang malas na mangyayari sa taong iyon.
 
3. Nabasag na salamin - Ayon sa mga matatanda, ang nabasag na salamin sa bahay ay magdadala ng pitong taon na malas sa taong nakatira sa bahay. Maiging palitan o itapon na lamang daw ang nabasag o may lamat na salamin upang maalis ang malas.
 
4. Itim na paru-paro - Ang mga paru paro ay matatagpuan saang bahagi man ng mundo. May mga pamahiin na ang paru paro ay sumisimbolo ng pagbabago at muling pagkabuhay. Ngunit sa ibang relihiyon ng bansang China at Central Amerika, ang itim na paru-paro ay sumisimbolo ng masamang pangitain o ito ay simbolo ng kamatayan. Maigi daw na palabasin sa loob ng bahay at huwag hayaang manatili sa loob, upang maudlot ang masamang mangyayari.
 
5. Doppelgaenger  o taong kamukhang-kamukha mo- Ang salitang “Doppelgaenger” ay nagmula sa wikang German. May ibang mga kultura na naniniwala, na kapag may nakita kang tao na kamukhang-kamukha mo, nangangahulugan ng kamatayan o mamamatay ang taong iyon. Samantala, naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang Doppelgaenger ay totoo. Ngunit ito ay dahil sa kadugo o kamag-anak kaya masabing magkamukha, hindi dahil sa alamat o kasabihan.

6. Pangangamoy ng Kandila o bulaklak - Ayon sa mga ninuno, oras na makaamoy ng kandila, na wala ka naman nakikitang kandila sa paligid, maaaring nangangahulugan na may dumadalaw na pamilyang namatay. Ganoon din kapag may naamoy kang bulaklak para sa patay, ngunit wala ka naman nakikitang bulaklak sa iyong paligid.
May ibang paniniwala naman na kung makaamoy ng kandila o bulaklak, isa sa inyo ay sinusundo na ni kamatayan. Maiging mag-ingat na lamang.
 
7. Itim na pusa- Ayon sa paniniwala ng mga matatanda, kung may pusang itim na dumaan sa iyong harapan, ito ay nagbibigay ng babala na may mangyayaring aksidente sa iyong lakad. Sabi nila, mas maiging huwag ituloy ang lakad upang makaiwas sa aksidente.

8. Asong kahol ng kahol- Sabi ng mga matatanda, kapag ang aso ay kahol ng kahol na wala naman tao, ibig sabihin may nakikita ito espiritu. Lalo na daw kung ang aso ay umaalulong, ito ay takot dahil sa nakitang masamang espiritu.

9. Pagbahing- Ayon sa paniniwala ng iba, kung ikaw ay bumahing, iwasang maligo dahil baka ikaw ay magkasakit.
May paniniwala din na ang biglang pagbahing ay nagbibigay ng babala na huwag ng ituloy ang lakad, dahil maaaring maaksidente sa daan.
 
10.  Biglang pagkabasag ng baso, picture frame, o anumang babasagin- Ayon sa paniniwala, kapag may biglang nabasag na gamit sa bahay, ito ay masamang pangitain. Ibig sabihin, may masamang mangya Doppelgaenger0020yari isa sa inyo. Payo ng matatanda, mas maiging pumirme sa bahay o kaya naman ay doble ingat sa pupuntahan.
 
Walang masama sa pagalam ng mga pangitain na ipinasa sa atin mula sa ating mga ninuno. May matutunan rin tayong kultura at kasaysayan tungkol sa mga pinagmulan ng paniniwala noong dating panahon. Masama lamang ito kung inaasa natin ang ating kapalaran at buhay dito. Nasa ating mga kamay kung paano umasenso sa ating buhay. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng ating kapalaran.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.