Matagal na regla?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Magtattanong po sana ako. Naging irregular po kasi yung mens ko.
November 8-15 nagkaroon ako ng spotting, instead po na dapat is malakas po na regla.
Then ngka regla po ako ng December 12 hanggang 21.  Then after po nun ng karegla po ako noong December 30 hanggang January13.  Tumagal po kasi yung araw ng regla ko, dati inaabot lang ako ng 7 days.
Sana po matulungan niyo po ako. 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mary Josephine Amit
is a Reproductive Health Nurse in the Philippines
Ilang taon na po kayo? nagpapasuso po ba? may ginagamit na contraceptive? kailangan po malaman ang mga impormasyon na yan para matukoy kung ano ang dahilan ng hindi ninyo pagreregla.
Mitchel  Elanre
is in Australia Medical History
32 years old na po ako, wala po ako ginagamit na contraceptive at hindi rin po ako nagpapasuso
Mitchel  Elanre
is in Australia Medical History
Ano po ang mga pwede dahilan kung bakit tumatagal ang menstruation na umaabot ng 2 weeks.
Mary Josephine Amit
is a Reproductive Health Nurse in the Philippines
Maaring nagbabago bago po ang hormones ninyo sa katawan kaya po nag iiba iba ang inyong regla, maaring ang nararanasan ninyo po ay dahil din sa stress. Kung ayaw po ninyo mabuntis maari po kayong gumamit ng pills, ito po ay para mapigilan ang pagbubuntis at maregular din ang inyong regla