Any suggestions po? Thank you in advance
May alam po ba kayong home remedies sa baby na may sipon. 8 weeks palang po si baby.

Medical History
Kung si baby ay 8 weeks pa lamang at iyong napapansin na siya ay sinisipon, mas mabuti na siya ay personal na maipasuri sa isang doktor o pediatrician. Habang hindi pa pumupunta sa dokto, siguraduhin na si baby ay napapasuso o breastfeed ng maayos at panatilihing siya ay warm o hindi nilalamig lalo sa gabi. Ang tubig na ipinapaligo kay baby ay dapat na tama ang temperatura o maligamgam at siguraduhin na siya hindi lalamigin pagtapos. Tignan din ang kapaligiran o environmental factors na maaring nagdudulot ng sipoin ni baby. Ang mga alikabok sa paligid o sa hangin, sa mga electricfan o ano mang gamit sa bahay ay dapat mawala o linisin .

Medical History
Hi. Maraming salamat po. Sa ngayon po ok na si baby..