May dugo sa Dumi?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ako po ay humihingi ng tulong, ilang beses ko na pong naranasang may dugo ang aking dumi minsan masakit ang pwet ko minsan ay hindi naman po pero may dugo pa din. Nararanasan ko din po ang pagsakit ng gitnang bahagi ng aking tiyan sa itaas at tagiliran kapag ako ay nagugutom o kakatapos lang po kumain. Diabetic din po ako at hindi na dinadatnan

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Ang pagdurugo sa tuwing dudumi ang kadalasan na senyales ng almuranas. Ang labis na pag-ire sa tuwing maglalabas ng dumi o ang matinding pwersa sa pagbubuntis at panganganak ay ilan sa nagiging dahilan ng nito. Ang pinakamabisang paraan para ito ay maiwasan ay ang panatilihin na hindi matigas ang dumi para hindi ito mahirapan na lumabas.
· Kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber tulad ng mga gulay at prutas. Ang pagkain nito ay makakatulong para hindi mahirapan na dumumi. Huwag biglain ang pagkain ng maraming fiber upang hindi sumama ang tiyan.
· Uminom ng maraming tubig. Inirerekomenda na uminom ng 6-8 na baso ng tubig sa loob ng isang araw.
· Maari ding uminom ng mga produkto na may fiber para maging sapat ang fiber na kailangan ng katawan.
· Huwag pigilin ang pagdumi. Sa oras na ito ay maramdaman kinakailangan na pumunta agad ng banyo. An pagpigil dito ay pwedeng maging dahilan na ang dumi ay matuyo at tumigas,
· Ugaliin din na mag-ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay ay makakatulong upang mabawasan ang timbang na maari din maging sanhi ng almoranas.
· Iwasan ang matagal na pag-upo lalo na sa inidoro para maiwasan ang labis na pwersa sa mga ugat sa puwitan.

Importante na magpatingin agad sa doktor para malaman ang sanhi ng pagdurugo o pananakit sa tuwing dudumi. Ang dugo sa dumi ay maari din dahil sa ibang mas malalang karamdaman
Recommend Report abuse

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco