May laban ba kami or wala po?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Gusto ko po sana idulog sa inyo yung lupa,kung saan nakatayo yung bahay namin dito sa pinom cauayan city. As per sa tatay ko po nakatira na sila 1972 po.Ayon sa salaysay ng tatay ko po is ang may ari neto is si Dionisio Mauricio (aleady deceased). sabi ng tatay ko ang lupang ito ay ginamit pangbayad ni diioniso mauricio sa aking lolo para sa pagtraktor(gamit ang traktor namin noon kasi wal sila pambayad) sa kanilang sakahan. Ayon pa kay tatay ko na for closed na daw itong lupang ito mga 90's po. then one time may nagsukat po na taga Landbank Cauayan, Isabela at ayun napangalan ito sa pangalan nga tatay ko na si Edgar "Mariano" Mauricio. So ilang years walang naging isyu ang lupang ito..so kamakailan mga 2012 po may nagsukat na naman ng mga lupa ulit.nalaman ng tatay ko na hindi na daw nakapangalan ito sa kanya. itoy nakapangalan sa apo ni dinisio mauricio na si socsoc(deceased na rin) ang tatay ni socsoc ay isang judge..so ngayon po si judge ay nagsasabi ngayon po sa amin na we have only 3months na lang para umalis.pinapaalis na kami sa lupang ito. at pinapasira na ang bahay namin na matagal nang nakatyo.Sir Raffy sana matulunguna niyo po kami.may karapatan po ba kami sa lupang ito kasi ilsng years na kami nakatira dito. Maraming Maraming Salamat po
Awaiting for your reply and feedback po. or email me at [email protected]

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
May katibayan mo ba kayo katulad ng deed of sale/donation sa kung paanong ang lupang ito ay naging pambayad ni Mang Dionisio sa lolo mo. Nabangnit mo rin na ito ay dati na naforeclosed meaning maaring naibinta na ito ng bangko sa ibang tao after the auction sale. Kung ganun wala na talaga kayong karapatan nito kahit na matagal na kayong nakatira. Ang tunay na nagmamay ari has 1 year period lang to redeem from foreclosure sale after that the buyer in the sale ay magiging absolute owner na nito.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.