May laban po ba ang hawak naming documents?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.


Nakabili po kami ng bahagi ng lupa almost 3 decades na po kaming nakatira. With deed of sale ang other docs po Orig po lahat ang hawak namin. Sa amin din po naka pangalan ang tax declaration na taon taon binabayaran. Ang wala lang po sa amin ay ang titulo na hawak ng kabilang partido. Patay na po ang tatay na nagbenta sa amin. Ngayon po ay kinukuha at pinababayarab ng mga anak ang lupa at sinasabi ng peke daw po ang aming hawak na documents. Notarized po ang deed of sale kaso patay na po ang nag notaryo. Sabi po sa munisipyo ay hindi nila ito makukuha dahil matagal na po nakapitaw ang bahagi ng lupa. May laban po ba ang mga hawak naming documents?nawa po ay masagot. Maraming salamat po!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mayroon po naman yung sinasabi po ninyong Deed of sale ipo po ba ay nakaannotate sa title ng nasabing property? Kailangan po kasing ipaannotate ang nasabing deed of sale para naman po registered ang inyong rights over the said property. Sinasabi rin po ninyong matagal na kayong naninirahan sa nabili ninyong lupa malaking tulong po ito para maestablish ang inyong adverse claim sa lupaing yan. Pwede po kayong kumuha ng certified true copy sa deed of sale sa notarial division ng court kung saan ang notary public ay rehistrado every deed of sale kasi may copy isusubmit sa court and lawyer na siyang nagnotaryo ng nasabing document to prove na hindi po ito fake. Kung kaya po ninyo maghire ng isang private lawyer ay mas mabuti po para matulungan po kayong mag establish ng inyong rights. Pwede rin po kayong magpatulong sa PAO office na malapit sa inyo baka maaring qualified po kayo sa free legal service po nila para naman po makasave.
AC Del Mundo
is a Secretary in the Philippines
Kasi ponag tanong kami sa QC para sa copy nasunog daw po before at baka napasama yung record po..Sobrang tagal na din po kasi at patay na yung abogado na naka pirma..Sabi sa QC mag update sila pag nakita but until now wala sila update po.

Ask ko na din po..Gaano po ba katagal bago ma release ang Approve Plan? At nasa magkano po ang aabutin?Yung lupa po kasi is di tataasng 220 sqm

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.