May Nakabili po sa amin ng 2nd hand jeep at meron po kami kasulatan na may "AS IS WHERE IS UNIT" may laban po ba ang kasulatan na hawak namin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May sira daw po kasi yung jeep kaya gusto nila ibalik na lang ang jeep..Maaari po ba iyon kahit na may kasulatan kami? Mag dedemanda daw po sila. May laban po ba ang kasulatan na hawak namin kung sakaling magdemanda nga sila?Sana po masagot..Maraming Salamat po!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Opo yung agreement or deed of sale na hawak ninyo stating na "as is where is" ay magiging defense ninyo lalo na if the buyer bago pa lang po sila bumili ay binigyan naman po ninyo ng pagkakataon na macheck po niya ito unless may mga warranty pa kayo binigay sa kanila na hindi po ninyo tinupad. Incase po magfile sila ng complaint ipakita po ninyo yan as evidence na yan ang pinagkasunduan at in good faith po kayo sa pagbibinta ng nasabing sasakyan.
AC Del Mundo
is a Secretary in the Philippines
Salamat po sa pag sagot Ma'am picture lang po ng kasulatan ang meron kami st nasa kanila po ang original...Nag test drive naman po bago sila mag decide at nag overall check din po yung buyer..kung hindi daw po namin ibabalik yung nagastos sa pinagawa nila at yung binayad nila sa jeep ay magdedemanda daw po sila..Isa ko pa pong tanong saan po sila dapat mag file ng demanda?Sa lugar po ba kung saan nabili yung jeep or sa lugar pong buyer?Maraming salamat po ulit sa pag sagot..Godbless po
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Medyo mahirap kung picture lang dapat pa ninyong ipa identify yang mga signature at kailangan ng mga witness na naganap ang pirmahan ng contract. However if notarized yung document ok na yan kung hindi notarized you need witnesses during the signing pati na yung pagdrive test nila. Depende sa convenience ng buyer maaring sa inyong lugar magpapafile or sa kanila lalo na if collection cases ito.
AC Del Mundo
is a Secretary in the Philippines
Daretso demanda na po ba or may pag haharap pa po sa barangay?Thank you po
AC Del Mundo
is a Secretary in the Philippines
Apat po yung witnesses ma'am..sa isang half paper lang po yung pirmahan nila na katunayan na nagbayad po sila ng amount and nakalagay po sa ilalim yung AS IS WHERE IS po..After po nun may pirma po ng buyer at seller..Inamin naman po ng buyer na meron nga po kasulatan. Yung buyer po ang nag test drive at sila po ang nag padeliver ng jeep sa lugar nila. Hinatid po yung jeep kinabukas kasi yun po yung gusto nila kahit coding po. Maayos naman po nakarating yung unit sa kanila.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Dadaan muna po ito sa barangay. Kailangan po ninyong dalhin ang inyong mga ebidensya at testigo para baka sakaling maayos kayo sa barangay level lang at hindi na aabot sa korte pa.
Recommend Reply Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.