May paraan po ba upang mabawi po namin ang lupain na minana ng nanay namin na kinukuha ng ibang tao?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May lupa pong naiwan ang aking lolo sa nanay ko at tito ko. Sa nanay ko po ibinilin ang lupa pero nang makapag asawa ay iniwan sa tito ko at nag usap sila na ang mga tanim lang ang pakikinabangan ng tito ko. Dumating ang araw na umalis din doon ang tito ko at pamilya niya, isinanla daw po ng 700 pesos ang tanim na kape sa isang tao(namayapa na sa kasalukuyan). May ibang tao na nagdeklara daw pong binili niya ang lupa sa tito ko dahil nagpadagdag daw po ang tito ko ng 3000. Binalak po nila ni nanay ko na pumunta ngunit bigla pong namatay ang tito ko. Ngayon po ay nais ibenta ng ibang tao na nagclaim na nabili na niya ang lupain sa tito ko. wala po silang kasulatan at idineklara daw po niya ang lupa na kanya. wala po kaming kasulatan na hawak pero ayon sa nanay ko, may declaration daw po na binigay noon ang gobyerno sa lolo ko at binabayaran daw po niya ang tax sa opisina ng munisipyo. Ano po ang dapat naming gawin para mabawi ang lupain? saan po namin hahanapin ang titulo ng lupa ba bigay ng gobyerno? Kanino po kami dudulog? sana matulungan niyo po kami. salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede po ninyong macheck ang title nito sa Register of Deeds where said property belongs. You may check for the tax declaration sa Municipal Assesor sabihin po ninyo ang original owner nito atleast matrace if naibenta talaga ito sa ibang tao. Pagkatapos na makuha po ninyo ang mga nasabing document ipakita at komunsulta sa private lawyer or PAO office para sa libreng serbisyo po nila.
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
sige po maraming salamat po
Recommend Reply Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.