May piyansa po ba kapag nahuli at nakitaan ng baril without papers?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May naghamon kasi ng away..Wala naman ginagawa yung taong nakaupo, karga niya yung 1 year old na anak niya nang siya e pagmumurahin at duruduruin nung naghamon. Sa sobrang galit pinaputukan niya ng baril yung naghamon pero hindi naman tinamaan. Tumawag ng swat ang naghamon. Wala naman nakitang baril ang swat bukod doon sa tama ng bala sa pader. Possible po ba na mag issue pa din ng Search Warrant ang pulis kahit 3 days na ang nakalipas?Valid pa din po ba yun kahit ilan araw na lumipas ang insidente? Wala na po ang baril sa bahay. Maraming salamat po.. sana po ay masagot ang aking katanungan...Godbless po..

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Yung pag issue ng search warrant possible lang yon if yung complainant ay nag apply sa court tungkol nito in relation sa kasong naifile niya laban sa iyo. Ang korte na po mismo ang mag evaluate sa mga supporting documents, evidence, affidavit ng mga witness na magpapatunay na may probable cause na ang baril na ginamit mo ay nakatago sa specific place to be searched po or sa lugar under your control. The policemen that will conduct the search ay kailangan dala2x nila ang nasabing search warrant bago po makapasok sa bahay ninyo. Kailangang may kasama din silang mga witnesses para gawin ito usually mga barangay official ang sinasama nila or media para siya rin namang witness para sa inventory in case may makukuha po. Kapag sa tingin ng korte na walang basihan/probable cause madedeny po ang application nito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May piyansa po ba para sa gantong kaso?
Maraming salamat po and God bless po..
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Unang2x depende sa kaso mo kapag siguro ito lang attempted homicide maari po kayong magbail po ito lalo na if wala kang ibang pending case sa ibang korte na mas malaki pa sa kasong ito na na which is punishable by death, reclusion perpetua or life imprisonment, and the evidence of guilt is strong. Sa information pa lang mababasa muna if your case if bailable or not so better check your case either sa Fiscal office or sa court kung saan po ito nakapending pwede naman po ibang tao ang utusan para magcheck nito if sakaling natatakot po kayo or kaya tawagan ninyo ang office po nila.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.