Breast Cancer o kanser sa suso o dede: Ano Sintomas, Gamot, Lunas?, Symptoms, medication, cure

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga Katotohanan Ukol sa Breast Cancer / Mga Kamatuuran Bahin sa Kanser sa Totoy
Ang breast cancer ay ang kanser na nabubuo sa mga cells ng breast o dibdib. Matapos ang kanser sa balat, ang breast cancer ang pangalawa sa dahilan ng kanser sa isang kilalang bansa. Sinasabing 1 sa bawat 8 kababaihan ay magkakaroon ng breast cancer sa kanyang buong buhay. Ang nagpapataas sa tsansa na makakuha ng breast cancer ay ang pagiging babae at ang pagkakaroon ng edad. Siya rin ang pangalawa sa kanser na kumikitil ng buhay ng kababaihan sa Amerika. May isang kaso ng breast cancer ang natutukoy sa kada dalawang minuto at isang babae ang namamatay kada 13 minuto buhat ng breast cancer sa Amerika. Ang suporta ng publiko upang mapalalim ang pag-unawa sa breast cancer at ang pagtatabi ng pinansyal na suporta para sa mga pananaliksik ay tumutulong na mapaigi ang pagtukoy at paglunas sa breast cancer. Tumaas ang nabubuhay matapos magka-breast cancer at bumababa rin ang bilang ng namamatay, salamat sa mga kadahilanan tulad ng maaagang pagtukoy ng kanser, bagong mga gamot at mas pagkakakilanlan sa sakit.


Ano Sanhi? / Hinungdan, causes
Hindi pa malinaw kung ano ang mga posibleng sanhi ng breast cancer. Alam lamang ng mga doktor na ang breast cancer ay nangyayari kapag ang ilan sa mga “breast cells” ay nagsisimulang tumubo nang hindi normal. Ang mga cells na ito ay nahahati nang mas mabilis kaysa sa malusog na cells at patuloy na dumarami, na nakakabuo ng kumpol o umbok. Ang mga cells ay kumakalat mula sa dibdib patungo sa mga “lymph nodes” o iba pang parte ng katawan. Karaniwang nagsisimula ang breast cancer sa cells ng dibdib na gumagawa ng gatas at maaari ring magsimula sa “glandular tissue” o sa ibang mga bahagi ng dibdib. Ang mga mananaliksik ay nagawang matukoy ang mga bagay na nagpapataas sa tsansa na makakuha ka ng breast cancer. Subalit hindi pa rin malinaw kung bakit ang ibang mga taong walang “risk factors” ay nagkakaroon ng kanser at ang taong merong “risk factors” ay hindi tuluyang nagkaka-kanser. Ang natitiyak lang nila ay ang breast cancer ay isang komplikadong interaksyon ng mga namamana nating “characteristics” at ang relasyon nito sa ating kapaligiran.

Ano ang mga Sintomas ng Breast cancer o kanser sa suso? Symptoms
Ang breast cancer ay maaaring walang pinapakitang sintomas hanggang ang sakit ay lumaganap nang lubos sa katawan. Kung may sintomas man na mararamdaman, ang pinaka-karaniwan ay ang pagtubo ng hindi naman masakit na kumpol sa dibdib. Ang iba pang sintomas ay ang paglabas ng dugo mula sa “nipple”, pag-iiba ng laki o hugis ng dibdib, pag-iiba ng balat sa dibdib tulad ng pagkakaroon ng parang butas, pumapalikod na nipples, pangmamanas, pangangaliskis ng nipple o balat sa dibdib, pamumula ng balat ng dibdib o parang nagiging kahel. Kung nararamdaman na may kumpol sa dibdib, agad na kumunsulta sa doktor – kahit pa negatibo ang resulta ng pinakabagong mammogram.


Ano Gamot o Lunas sa breast cancer? Tambal, Cure, medication, treatment, remedy

Ang iyong doktor ang siyang magtitiyak kung anong klaseng gamutan sa kanser ang angkop para sa iyo base sa klase ng iyong breast cancer, anong estado at grado na ito, kung sensitibo ba ang cancer cells sa hormones, at ang iyong kabuuang kalusugan. Marami sa mga kababihan ay sumasailalim sa operasyon sa dibdib at tumatanggap rin ng iba pang lunas tulad ng chemotherapy, hormone therapy, o radiation. Ang mga operasyon para sa breast cancer ay kasama na ang pagtanggal sa kumpol (lumpectomy), pagtanggal sa buong dibdib (mastectomy), pagtanggal sa mga “lymph nodes”, pagtanggal sa dalawang dibdib. Ang radiation therapy naman ay ang paggamit ng “high-powered beams” tulad ng X-rays upang mapatay ang cancer cells. Ang chemotherapy naman ay ang paggamit ng mga gamot upang sirain ang cancer cells. Kapag ang iyong kanser ay mataas ang tsansa na kumalat sa ibang parte ng katawan, ang iyong doktor ay maaaring mag-rekomenda ng chemotherapy upang mabawasan ang tsansa na bumalik ang kanser.


Natural Cures, Home Remedies at Prevention o Paano maiwasan/ Unsaon Paglikay sa Breast Cancer

Ang pagsasagawa ng pagbabago sa klase ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay ay nakakatulong na mabawasan ang iyong tsansa na magka-breast cancer. Subukang:

· Magtanong sa iyong doktor ukol sa breast cancer screening.

· Maging familiar sa iyong dibdib sa pamamagitan ng “breast self exams”. Sa pamamagitan nito, madali mong mapapansin ang mga kumpol sa dibdib.

· Bawasan ang pag-inom ng alak – o tama-tama lang ang inumin.

· Mag-ehersisyo nang madalas sa isang linggo.

· Panatilihing malusog ang iyong timbang.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pinayuhan po ako na magpa-lumpectomy – ano ang kakailanganin para dito?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang lumpectomy ay isang operasyon para alisin ang bukol na kanser sa iyong dibdib at ilang tisyu sa paligid nito. Susubukan ng doktor na panatilihin ang dating hitsura ng iyong dibdib.
Kapag meron kang bukol na kanser sa iyong dibdib, o may duda kung ang bukol ay kanser o hindi, maaari kang payuhan ng doktor na magpa-lumpectomy. Ang paraang ito ay tinatawag din na “wide local excision”, o “breast conserving” o “breast preserving” na operasyon dahil nilalayon nitong panatilihin ang mga malulusog na tisyu hangga’t maari. Ikinukompara ito sa mastectomy kung saan ang buong dibdib ay tinatanggal.
Maaaring gawin ang lumpectomy sa ilalim ng lokal o general anesthesia depende sa ilang mga bagay tulad ng laki ng bukol sa dibdib. Tatanggalin ng doktor ang kanser pati na ang ilang tisyu sa paligid nito. Ito ay para paliitin ang panganib na bumalik o maiwan ang anumang kanser cell. Maaari ring tanggalin ang ilang lymph nodes sa iyong kilikili. Ito ay kung nababahala ang doktor na baka kumalat na ang kanser sa mga ito o may tsansa itong mangyari.
Maaaring mahugis ng panibago o muling buuin ng doktor ang iyong dibdib sa panahon ng operasyon para mapanatili ang dati nitong hitsura. Depende ito sa laki ng iyong dibdib, ang lugar na tinanggalan ng bukol at nakapaligid na tisyu.
Ang tinanggal na tisyu ay ipapadala sa laboratoryo para masuri. Ito ay para malaman na mayroong malulusog na cells sa paligid ng kanser – kilala ito sa tawag na “clear margin”. Kapag nakita sa pagsusuri na walang kanser cells, marahil ay hindi mo na kakailanganin ang karagdagang operasyon, pero kapag hindi malinaw ang “margin”, baka kailanganin mo ng karagdagang operasyon.
Ang isa pang paraan na hindi karaniwang isinasagawa ay ang quadrantectomy, kung saan tinatanggal ang halos sangkapat na bahagi ng iyong dibdib. Ang pagbabago sa hitsura ng iyong dibdib pagkatapos sumailalim sa quadrantectomy ay mas halata. Subalit, maaaring muling buuin ng doktor ang iyong dibdib kasabay ng operasyon para maayos ang hitsura nito.
Kapag ang iyong bukol ay isang kanser, papayuhan ka na sumailalim sa radiotherapy pagkatapos magpa-lumpectomy o quadrantectomy. Ito ay para maiwasan ang pagtubo ng panibagong kanser sa natitirang tisyu sa iyong dibdib. May ebidensiya na kapag mayoon kang maagang kanser sa dibdib, ang lumpectomy na sinusundan ng radiotherapy ay pareho ka-mabisa sa mastectomy.
Anumang uri ng operasyon para tanggalin ang bukol sa dibdib ay mag-iiwan ng peklat na makakaapekto sa hitsura ng iyong dibdib. Marahil ay maliit lamang ang peklat kapag lumpectomy. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa dapat asahan na itsura ng dibdib pagkatapos ng kahit na anong klase ng operasyon. Pwede kang mamili sa pagitan ng operasyon kung saan buuuin ulit ang dibdib o kaya’y paliitin ang kabilang dibdib.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Paano ko po masusuri ang aking dibdib para sa sinyales ng kanser sa dibdib?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Simple lang. Regular na tingnan at kapkapin ang iyong dibdib. Kapag nakakita o nakaramdam ka ng anumang bagay na hindi pangkaraniwan, puntahan ang iyong doktor.
Ang ibig sabihin ng pagiging “breast aware” ay ang pag-uugali na palaging sinusuri ang hitsura at pakiramdam ng iyong dibdib. Kung alam mo ang hitsura at pakiramdam ng iyong dibdib, agad mong mapapansin ang anumang pagbabago o senyales.
Suriin ang sarili sa paraan na komportable at madali para sayo. Matatanto mo na pinakamadaling suriin ang iyong dibdib habang ikaw ay naliligo o nagbibihis sa umaga. Ang paggamit ng salamin ay nakakatulong para makita ang iyong dibdib sa iba’t ibang angulo. Importante ring siguraduhin na suriin ang lahat ng parte ng iyong dibdib kabilang ang ilalim ng iyong braso at ibabaw na bahagi ng dibdib.
Puntahan ang iyong doktor kapag nakaramdam o nakakita ng anumang pagbabago tulad ng:
• Hindi pangkaraniwang pananakit ng dibdib o kilikili
• Bukol sa dibdib o kilikili
• Pagbabago sa nakapaligid na balat sa dibdib, gaya ng paglubog nito
• Pagbabago sa hugis ng utong, gaya ng pagpasok nito sa loob
• Mga pantal sa paligid ng iyong utong
• Pagbabago sa laki at hugis ng dibdib
Tandaan, ang dibdib ay naaapektuhan ng pagbabago sa antas ng iyong “hormones”. Halimbawa, parang may bukul-bukol at masakit ang iyong dibdib bago ang iyong regla. Kapag nakaramdam ng bukol o nakakita ng anumang pagbabago, huwag kaagad mataranta. Makipag-usap sa doktor tungkol sa iyong mga sintomas.
Kung hindi ka komportable o kaya’y nababahala sa pagsuri ng iyong dibdib, maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa doktor o nurse.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po ang TNM staging para sa kanser sa suso?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang TNM staging na sistema ay isang paraan para malaman ng mga doktor kung hanggang saan na kumalat ang kanser. Ang staging ay mahalaga para malaman ang gagawing gamutan.
Gagamitin ng doktor ang impormasyon galing sa iyong mga pagsusuri tulad ng ultrasound at biopsies, para ma-stage ang iyong kanser sa dibdib. Ito ay tinatawag na TNM staging. Ang ibig sabihin ng TNM ay “tumor, nodes, metastasis”. Makakatulong ang sistemang ito para maunawaan ng doktor kung gaano na kalaki ang iyong tumor, kung kumalat na ba ito sa iyong mga lymph nodes pati na sa ibang parte ng iyong katawan. Maaaring gamitin ang mga bilang (mula 0 hanggang 3 o 4) at mga letra (mula A hanggang C) sa bawat kategorya para i-stage ng mas tiyak ang iyong kanser.
Halimbawa, maaaring i-stage ang iyong kanser ng T2N1M0. Ang code na ito ay simpleng paraan para maibahagi ang detalyadong impormasyon ng iyong kanser sa ibang espesiyalista.
• Ang “T” ng staging ay tumutukoy sa laki ng kanser – nasa pagitan ito ng 1 at 4, kung saan ang 1 ay maliit at 4 ay malaki.
• Ang “N” ng staging ay tumutukoy sa pagkalat ng kanser sa lymph nodes – nasa pagitan ito ang 0 at 3 – ang 0 ay nangangahulugan na hindi kumalat ang kanser sa lymph nodes habang ang ibig sabihin ng 3 ay marami ng mga lymph nodes ang apektado.
• Ang “M” ng staging ay tumutukoy sa pagkalat ng kanser sa ibang parte ng katawan – maaari itong 0 (hindi kumalat ang kanser) o 1 (kumalat na ang kanser).
Ang code ay nakasulat sa iyong “test form” at “medical records”. Makakatulong ito sa iyong mga espesiyalista para malaman kung paano uunlad ang kanser at maplano ang nararapat na gamutan.
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa stage ng iyong kanser o ang ibig sabihin nito, tanungin ang iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nanggaling po ako sa pagpapagamot ng kanser sa dibdib at ngayon ay may pamamaga sa mga braso ko. Bakit po ito nangyari? Gagaling po ba ito?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang pamamaga ng iyong braso ay tinatawag na “lymphoedema”. Nangyari ito dahil ang lymph nodes malapit sa kilikili ay hindi nadadaluyan ng maayos. Ang pamamagang ito ay maaaring manatili ng matagal. Wala itong lunas pero may mga gamot na makakatulong maibsan ang iyong mga sintomas.
Ang lymph nodes ay mga glandula sa iyong katawan na bahagi ng “immune system”. Ang pangunahing tungkulin nito ay labanan ang mga impeksyon at salain ang mga “lymphatic” na lusaw. Ang pagpapaopera o pagpapa-radiotherapy sa mga lymph nodes malapit sa kilikili ay maaaring makaharang sa mga lagusang sumasala sa mga lusaw. Nagsisimulang maimbak ang mga lusaw na ito na nagdudulot ng pamamaga.
Mahigit-kumulang dalawa sa sampung tao na nagpapagamot ng kanser sa dibdib ay makakaranas ng pamamaga ng braso malapit sa apektadong dibdib. Ang “lymphoedema” ay maaaring lumitaw pagkatapos ng ilang buwan o taon ng pagpapagamot ng kanser sa dibdib.
May ilang mga bagay na nagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng lymphoedema. Kabilang dito ang maliliit na impeksyon sa balat, mga kagat ng insekto, sunburn o pagkabinat ng mga braso pagkatapos magpagamot. Maaari mong mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng lymphoedema sa pamamagitan ng:
• Regular na ehersisyo sa braso at balikat na ipapagawa sayo pagkatapos ng pagpapagamot
• Pagpapanatiling nakataas ng apektadong braso gamit ang unan sa tuwing nagpapahinga
• Pag-iwas mula sa sugat, daplis, sunburn at kagat ng insekto – halimbawa, magsuot ng damit na mahaba ang manggas, gumamit ng sunscreen at insect repellent at magsuot ng guwantes kapag naghahardin
• Hindi basta-bastang pagpapahintulot sa sinuman na kumuha ng dugo, mag-iniksyon, o kumuha ng blood pressure sa apektadong braso, maliban kung wala ng ibang paraan
Hindi nalulunasan ang lymphoedema pero may mga paraan para maibsan ang mga sintomas. Ang pagpapanatili sa braso na nakataas, pagbebenda sa braso, pag-eehersisyo at pagmamasahe ay nakakatulong para mabawasan ang pamamaga. Kapag napabayaan ito, maaaring lumubha ang pamamaga, manakit, at humirap ang pagkilos. Maapektuhan din ang iyong balat na magiging tuyo at banat. Kapag matagal mo itong pinabayaan, mas mahirap ng maibsan ang iyong mga sintomas. Kaya, kapag napansin mo ang anumang sinyales ng pamamaga, gaya ng pakiramdam mo na sumikip ang iyong singsing o relo, kausapin ang iyong doktor.
1 person likes this
Arziel Joy  Bejemino
is in the Philippines
hi doc.. my nkapa akong bukol s sa breast ko ito ay malapit sa kili-kili,minsan nkakapa ko cya, minsan hind,im using althea pills for my oral contraceptive 1 yr n po ako s pill ko,last month ko lng nakapa ang buko ko..minsan mbigat po ang susu ko lalo n if im taking my pills but if nka tablet free ako nbalik nmn cya sa normal..
Mhary Manalo
is in the Philippines
Namamaga ang dibdib q.nangyari po to nung maglinis ako ng kwarto medyo nagbuhat ako ng mabigat 2 day after naramadaman q na masakit at namamaga na cya.almost 2 months na rin po cya.at nagpacheck-up na rin ako.sabi ng doctor tendinitis daw ito.ano po ba dapat ko gawin.
May Gablinez
is in United States
kung tendinitis, you just have to rest it pero huwag ka na magbuhat ng mabigat ulit.
Mhary Manalo
is in the Philippines
Thank you!! Kinakabahan pa rin aq eh.kc until now medyo paga pa rin cya pero less na ung sakit.masakit pa rin ung armpit q.tapos ung leeg q sumasakit din.hanggang braso at likod..pero wala naman na q iba nararamdaman...yun lang talaga.ilang doctor na q nagpacheck-up eh.
Mhary Manalo
is in the Philippines
Sabi nila iniisip q na lang daw un..huhuhu di q na alam eh.kinakabahan pa rin aq lalo na kpag naiisip q ung dalawa kung anak..
Richie Aquino
is in Saudi Arabia
Nakirot pa kanan suso ko ano po ba ito? kinakapa q namn wla nmn bukol
May Gablinez
is in United States
pa-check-up ka muna sa doctor tapos update us.
Jovelyn Fernandez
is in the Philippines
Doc Im 20yrs old from pasig. Natatakot po kase aq may nkapa po kase akong bukol sa right breast ko and next week po ay medical ko na mag aabroad po kase aq malalan po nila un pag nag pa medical ako? Isang bukol lang po sya sa right breast ko po natatakot po tlgadoc please advice po.. ano po kya un???
Jame Diego
is in the Philippines
Doc may tendency po ba na magka breast cancer ang tao pag nag pa inject sa dede ng collagen?
Jessica Leviste
is in the Philippines
3 days na pong namamaga ang utong ko pero la nman po bukol..ung utong lng nman po ang masakit at namamaga
Joan Pugeda
is in the Philippines
hi Doc! nakakaramdam po ako ng kirot sa left breast ko 3araw kona itong nararamdaman kinakapa ko nman po hndi ko ma sure if bukol nga yung maliit kong nkakapa,possible po bang magka breast cancer ang 26yrs old na walang asawa?
sana po masagot nyo yung tanong ko..salamat po.
LYn ESpaldon
is in the Philippines
Hi po doc ask ko lang po kung delikado ung my pasa after operahan sa dede? Nagkapasa po kasi sya e di ko alam kung bakit .
Arcy Sedanto
is in the Philippines
Doc madalas po masakit ang kaliwang dibdib ko makirot ko po sya at pag ako po ay nahinga ng malalim or nahikab,natawa makirot din po sya. Natural lang po ba ito?
Arcy Sedanto
is in the Philippines
Doc madalas ko makirot ang aking kaliwang dibdib at pag ako po ay nahinga ng malalim,natawa or nahikab nararamdaman ko po na makirot ang kaliwa ko na dibdib ntural lang po ba ito.salamat po.
Anonymous Anonymous
is in the Philippines
ang kapatid ko po ay nagpa tangal ng isang breast sa kanan dahil may stage 1 cancer po siya after one weeks ago naoperahan uli para tanggalin yung kulani sa parte ng kanyang kili kili ang sabi po ng doktor ay negative po daw ang resulta pero pinayuhan po siya na magpa chemotheraphy. ang tanong ko po ok lang po ba na wag na siya magpachemotheraphy kung negative naman po yung resulta ng test na lumabas sa kanya.
Atheen DINGLE
is in United States
my bukol aq sa kanang dibdib at kpag hinahawakan angutong ko masakit sintomas n ba un ng breast cancer?naun ko lng nkita to kc baka dahilan lng to ng regla ko at migraine
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc palagi nlang sumasakit ang dede ko poh..my hstory kasi po ito tinamaan po ang ang suso ko sa isang handle ng puso...hyskul pa aq noon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano PO ang ibig Sabihin ng pagkakatas ng kaliwa Kong suso 3days ago ng napansin kong my kulai gatas na lumabas s kaliwa g suso ko d Naman ako buntis at d na magkakabuntis dahil tinanggal na ang aking utirus ano PO dapat Kong Gawin possibli PO bang magkakabreast canser ako? Ano PO ggawin ko salamat poh dok sana mareplyan mo PO ako NASA Bahrain PO ako ngaun 1 year ago last July 21 naopera ako s utirus ko tinanggal din ang right ovary ko ang naiwan lift ovary ko nlng and now I found out na my panibagong bukol nadin tumubo s kaliwang ovary ko possibli bang koniktado ang bukol s kaliwang ovary ko s kaliwa Kong suso na ngaun parang may gatas na lumalabas??
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hi Po do may itatanong Po sna Ako .. ung left side Po ng aking dibdib ay sumasakit Po at ung mlapit Po sa kilikili ko ay msakit din Po .. pg knakapa ko Po Sila msakit Po pra Po may maliit Po Na bilog doc .. ano Po kaya yon doc ..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gud morning ask q lang poh bkit kpag nagbuhat aq ng mabigat para pong may sinaksak sa Suso q na sobrang skit ang pkiramdam ano po kaya ito minsan poh khit mag squeeze lang aq ng lemon tapos lahat ng pwersa q nsa kamay tumutugon poh xa sa Suso qoh biglaang sumasakit puro kanang bahagi lang poh...Sana may makasagot poh salamat
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po,ask ko lng po sana kng ano po ang ibig sabihin ng
1."Bilateral Fibrocystic change (category 2)
2.Non specific axillary lymp nodes
Maraming Salamat po sa sagot!
Alizza Santos
is in the Philippines
hi poh doc may kontak number poh ba akyo o san poh yung clicnic ninyo?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Hi po nasakit po ang gilid ng dede ko sa may ilalim ng kilikili hangang sa my ribs papuntang likod sa kanan bahagi po at parang maga ang sakit po lalo kapag naubo ako.. at parang di n pantay dede ko.. mag 2 weeks ko na po to nararamdaman. Pero wala naman po bukol o masakit sa dede ko.. natatakot na po ako. Sana po akoy iniung matulungan slamat po
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.