Takot magpacheckup sa ibang bansa, may bukol dibdib kulani breast cancer

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

I need your opinion. Takot ako mag pacheckup dito sa Ibang bansa. May bukol sa dibdib ko na tumutubo parang kulani na maliit, ngayon ehh mapula ang paligid...senyales kaya ito ng breastcancer?


Translation: I am afraid of going to doctor here abroad. I have a lump, like a swollen lymph node, that is growing on my chest. It is reddish on the edges/sides. Could this be sign of breast cancer?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

Naiintindihan kita na medyo nag-aalangan sa pagpapatingin sa duktor na hindi mo kalahi. Madami kasing kwento kwento ng iba na nagkaroon ng hindi magandang karanasan. Ngunit iba ang,pagpapatingin sa duktor at iba din naman ang pag-undergo ng procedure o operasyon sa isang duktor. Sa ngayon base sa iyong sinabi, madami akong gustong tanungin at itetest sa'yo. Bagay na magagawa kapag ikaw ay magpatingin. Sa kabilang banda, ilang taon k na ba? Mabilis ba ang paglaki ng bukol? kumikirot ba ito? Madaming dahilan ang pagkakaroon ng bukol, karamihan sa mga kababaihan sa mga edad na 16-30 y.o ay nakakaramdam ng bukol na hindi delikado. Pero kung ikaw ay may lahing kanser sa iyong pamilya, (minsan wala ito sa lahi) wag dapat ipagwalang bahala ang ga bukol.

Magtanong ka sa mga kapwa natin Pinoy tungkol sa mga kakilala nilang duktor, banyaga man sila o kalahi natin. Sigurado ako madami namang magagaling at mabubuting duktor. Hwag mo yan pabayaan, mainam nang panatag ka sa iyong sarili.
Balitaan mo ako.

/docrands
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
30yrs old po Ako.ngayun po ung bukol Oo lumalaki at my lumalabas na mabahong likido pagpinipisil ko uminom po Ako ng Ibrupan pangtangal ng kirot namumula ang paligid sa kakapisil ko cguro Hindi nmn sa loob ng Suso ko tumobo sa gilid po siya dibdib salamat
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

mukhang infected wound ang nakikita ko dito. lalot sa kakapisil mo eh mas lalong napalala ang kundisyon. Antibiotic treatment at drainage ng sugat ang dapat gawin sa iyo. Yan ay isasagawa sa pamamagitan ng pagpapatingin sa iyomg duktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Abscess daw sabi ng doctor po pero d ko LNG maintindihan but nagkaroon Ako ng ganoon at sa dibdib pa thanku po at nagkaroon Ako ng lakas ng loob magpatingin sa doctor d ko na rin makapaya ang pamamaga Godbless u

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.