Pwede po ba magka kanser pag may peptic ulcers? Peptic ulcer becoming cancer

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwede po ba magka kanser pag may peptic ulcers?


Topic: Can peptic ulcer become cancer?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang kanser ay nakakabuo ng bukol o sugat sa “wall” o dingding ng iyong tiyan. Subalit ang mga “cancerous ulcers” ay naiiba sa peptic ulcers at hindi naman pinapaniwalaang nagiging cancer ang peptic ulcers. Subalit may pagkaka-pareho sila ng “risk factors”. Ang sanhi ng peptic ulcer, tulad ng pagbalik ng acid sa iyong lalamunan o ang impeksyon mula sa H. pylori, ay maaaring magdulot ng abnormalidad sa “cells” ng lalamunan at tiyan. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring maging kanser. Importanteng kumuha ng sample o “biopsy” sa kahit anong ulcer sa tiyan upang masiguradong hindi ito kanser.
Ang “acid reflux” o kapag bumabalik ang acid mula sa tiyan sa lalamunan, ay nakakadulot ng pamamaga. Sa paglipas ng panahon, ang “cells” sa “lining” ng lalamunan ay maaaring magbago at masira. Ito ay maaaring maging kondisyon na tinatawag na “Barrett’s Esophagus”, isang “risk factor” o sanhi ng kanser sa lalamunan.
Kung ikaw ay may impeksyon mula sa H. pylori nang mahabang panahon, ang iyong tsansa na magka-kanser sa tiyan ay tumataas. Ang mga taong “infected” ng H. pylori sa mahabang panahon ay apat hanggang anim na beses mas mataas ang tsansang makakuha ng stomach cancer. Kung ikaw ay may impeksyon, maaaring wala kang sintomas, o maaari rin namang ikaw ay na-impatso – mayroon ka mang peptic ulcer o wala. Ang mga taong meron ring H. pylori ay may tsansang makakuha ng bihirang “B-cell tumor” na tinatawag na “MALT lymphoma”.
Subalit, dapat ring tandaan na milyon-milyong tao sa mundo ang infected ng H. pylori ngunit hindi sila nagkaka-stomach cancer. May iba pang mga sanhi na dapat tukuyin upang masabing ikaw ay may tsansang magka-kanser sa tiyan. Halimbawa ay maaaring ang impeksyon ay may karagdagang problema tulad ng paninigarilyo at pagkain ng hindi masustansya.
May mga nagsasabi pa nga na ang H. pylori ay nagpro-protekta raw sa atin mula sa ibang klase ng kanser tulad ng “esophageal cancer”, pero wala naman matibay na ebidensya o patunay tungkol dito.
Bagamat wala pang konkretong siyentipikong ebidensya na ang paggamot sa H. pylori infection ay nakakabawas sa tsansang magkaroon ng stomach cancer, ipapayo malamang ng iyong doctor na magpaggamot ka dahil nagdadala rin ito ng ibang sintomas tulad ng impatso. Ang impeksyon ay karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng kombinasyon ng “proton-pump inhibitor” at dalawang klase ng antibiotics sa loob ng pito hanggang labing-apat na araw. Matapos ang apat na linggo, gagawa ulit ng pagsusuri ang iyong doktor upang masiguradong tuluyan nang nawala ang impeksyon.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.