Si Angelina Jolie at Breast Cancer
By Dr. Elvie Victonette B. Razon-Gonzalez
Kamakailan ay lumabas ang balita na sumailalim ng double mastectomy o pagtanggal ng dalawang suso ang sikat na Hollywood actress na si Angelina Jolie. Namatay nang maaga ang kanyang ina at tiya sa breast cancer. Lumabas sa mga pagsusuri na positibo siya sa depektibong gene, ang BRCA gene o isang marker na inuugnay sa breast cancer. Dahil dito, iniwasan niya magkaroon ng breast cancer sa pamamagitan ng pagtanggal ng parehong suso.
Ayon sa ulat, isa sa labing-tatlong Pilipina ang mayroong breast cancer. Sa buong mundo, ito ang nangungunang cancer sa mga babae. Ang masaklap pa ay isa sa apat na pasyente ay namamatay dito.
Ang breast cancer ay isang tumor nagmumula sa suso. Karaniwan ito sa mga babae ngunit puwede rin magkaroon ang mga lalaki. Early detection by checking the breasts regularly and recognizing the symptoms of breast cancer are effective ways to increase the chances of survival. Through this, prompt management and treatment can be immediately given during the early stage of the disease.
Ang mga taong mataas ang tsansa na magkaroon ng breast cancer ay ang mga sumusunod: mga babaeng may edad na, pagkakaroon ng kamag-anak na may breast cancer, pagkakaroon ng cancer sa isang suso, pagkakaroon ng benign tumor sa suso, pagkakaroon ng regla years old o menopause >55 years old, pagkakaroon ng dense breast tissue sa mammogram, walang anak o pagkakaroon ng unang anak >30 years old, pagiging overweight, paggamit ng oral contraceptives nang mas matagal sa sampung taon, hormone therapy pagkatapos mag-menopause at pag-inom ng alak.
Ang kadalasang simtomas ay bukol sa suso. Ang iba pang mga simtomas ay pagkakaroon ng discharge galing sa utong at pananakit o pamumula ng utong.
Datapwa’t nakamamatay ang breast cancer, masasabing ito ay naaagapan at nagagamot sa pamamagitan ng regular na screening o pagsusuri ng suso habang maaga. Sa pamamagitan ng mammogram ay maaring madetect ang mga bukol na napakaliit, bago pa man lumaki at magsanhi ng simtomas. Kapag ang babae ay 40 years old na, kailangan niyang sumailalim ng mammogram bawat taon. Para naman sa mga babaeng nasa 20s o 30s, nirerekomendang sumailalim ng clinical breast exam (CBE) every 3 years. Ang isa pang alternatibo ay buwanang breast self-exam (BSE) simula 20 years old.
Maraming treatment options para sa mga pasyenteng may breast cancer, depende sa stage nito. Maaaring ito ay surgery, radiation therapy, chemotherapy, hormone therapy o targeted therapies.
Para sa mga babae, ugaliin ang pagsuri ng suso bawat buwan, isang lingo matapos ang huling araw ng regla. Ang sabi nga nila, “Defense is the best offense.”