Ano ang Coronary Artery Disease? Bara ugat puso, kolesterol, Symptoms, Cure, Medicine, Treatment

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang Coronary Artery Disease (CAD), tinatawag ring “heart disease”, ay ang pagkipot ng mga ugat ng puso partikular na ang “arteries” nang dahil sa “atherosclerosis” o pagkakaroon ng bara ng taba sa loob ng ugat. Ang mga “coronary artery” ang mga pinakamalalaking ugat na daanan ng dugo, “oxygen”, at nutrisyon sa puso. Ang mga naimbak na kolesterol sa ugat ay nagdudulot ng pamamaga ng ugat at siyang nagiging sanhi ng CAD. Kapag namuo kasi ang “plaques” kung tawagin, kumikipot ang coronary arteries, at nababawasan ang dugong pumupunta sa puso. Pagdating ng panahon, ang kakulangan sa daloy ng dugo ay nagiging sanhi ng pagsakit ng puso o “angina”, hirap sa paghinga, at iba pang sintomas. Nangunguna ang CAD sa pinaka-karaniwang sakit na pumapatay sa mga tao sa United States. Mga 1 milyong katao kada taon ay magkakaroon nito at 25 porsyento ang namamatay bago pa lamang sila dumating sa ospital o sa malapatan ng pang-emerhensyang lunas. Kaya naman, prevention ang susi sa pag-iwas sa CAD.

Ano ang Sanhi ng Coronary Artery Disease? Causes
Ang Coronary Artery Disease ay sinasabing nagsisimula sa pagkasira o pagka-pinsala ng loob na ugat ng coronary artery. Ang pagkasira ay maaaring dahil sa mga kadahilanan na ito: paninigarilyo, mataas na blood pressure, mataas na kolesterol, diabetes, “radiation therapy” sa dibdib para sa ilang may cancer, “sedentary lifestyle” o iyong pamumuhay na walang ginagawa upang makagalaw-galaw ang katawan. Sa oras na ang loob ng artery ay napinsala, ang mga taba o “fatty deposits” na gawa sa kolesterol at iba pang “cellular waste products” o basura sa katawan, ay nabubuo sa lugar na may pinsala at tinatawag na “atherosclerosis”. Kapag ang ilan sa mga taba na ito ay nakawala o pumutok, ang parte ng dugo na tinatawag na “platelets” ay nagkukumpol-kumpol sa lugar at sinusubukan nitong ayusin ang artery. Ang kumpol na ito ay maaaring magbara sa artery at maging sanhi ng atake sa puso.

Coronary artery disease occurs when the inner layer of the coronary artery becomes damaged and allows fatty deposits (plaques) made of cholesterol and other cellular waste products to accumulate at the site of injury in a process called atherosclerosis. If the surface of these plaques breaks or ruptures, blood cells called platelets will clump at the site to try to repair the artery. This clump can block the artery, leading to a heart attack. The damage to the coronary artery is attributed to several factors such as smoking, high blood pressure, high cholesterol, diabetes or insulin resistance, radiation therapy to the chest, as used for certain types of cancer and sedentary lifestyle.

Ano ang mga Sintomas? Symptoms, signs
Kapag ang iyong coronary arteries ay kumipot, hindi na nito masu-supplyan pa ng sapat na “oxygen-rich” na dugo ang puso lalo na kapag ito ay tumitibok nang malakas katulad ng sa pag-eehersisyo. Sa simula, ang kabawasan sa supply ng dugo sa puso ay wala pang sintomas. Habang nagpapatuloy ang pagkabuo ng “plaques” sa artery, maaaring magkaroon ng mga sintomas na ito:
· Sumasakit na puso o “angina” – maaari kang makaramdam ng pressure o pagsikip ng dibdib, na para bang may tumatayo sa iyong dibdib. Karaniwan itong buhat ng “physical o emotional stress”. Nawawala rin naman ito matapos ang ilang minuto matapos itigil ang nakaka-stress na gawain.
· Hirap sa paghinga – Kapag ang iyong puso ay hindi na maka-pagpalabas ng sapat na dugo upang makamit ng katawan ang kanyang kailangan, maaari kang makaranas ng hirap sa paghinga o agarang panghihina matapos ng mga gawain.
· “Heart attack” – Ang isang artery na kompletong natabunan ng “plaques” ay nakakasanhi ng heart attack. Ang klasiko nitong sintomas ay ang “crushing pressure” sa dibdib, pananakit ng balikat at braso, na may kasamang hirap sa paghinga at pagpapawis nang sobra-sobra.

Coronary artery disease (CAD) is a serious medical condition which needs immediate attention and prompt management. Hence, to make this possible, it is necessary for us to be aware of the initial signs and symptoms associated with CAD.

Angina pectoris, commonly referred to as chest pain, is the most common symptom of CAD which is sometimes mistaken as a sign of indigestion or heartburn. Angina is described as chest discomfort, heaviness, tightness, pressure, aching, burning, numbness, fullness, or squeezing usually felt in the chest, but may also be felt in the left shoulder, arms, neck, back or jaw. However, if prompt treatment is not given, symptoms may progress and may be indicative of a life-threatening condition known as myocardial infarction. Aside from the aforementioned signs and symptoms, the patient may experience difficulty breathing or shortness of breath, sweating or “cold sweat”, fullness, indigestion, or choking feeling (may feel like “heartburn”), nausea or vomiting, light-headedness, dizziness, extreme weakness or anxiety and rapid or irregular heartbeats.

Ano ang Gamot at Lunas?
Maraming mga gamot ang angkop sa Coronary Artery Disease. Ito ay ang sumusunod:
· “Cholesterol-modifying medications”. Pinapababa nito ang lebel ng kolesterol sa dugo, lalo na ang “bad cholesterol” kung tawagin.
· Aspirin. Maaaring magrekomenda ang doktor ng pang-araw-araw na pag-inom ng aspirin o ng ibang “blood thinners”. Ito ay upang lumiit ang tsansa ng pagkakaroon ng “blood clot” na nakakabara sa artery. Kung ikaw ay may “bleeding disorders”, kumunsulta muna sa iyong doktor kung ano ang dapat inumin.
· Beta-blockers. Ang mga gamot na ito ay nagpapabagal sa pagtibok ng iyong puso at nagpapababa ng blood pressure, kaya naman nababawasan rin ang pangangailangan ng puso ng oxygen.
· Nitroglycerin. Ang nitroglycerine na tabletas, sprays, at “patches” ay kumokontrol sa sakit ng puso sa pamamagitan ng pagpapabuka sa coronary arteries at pagbawas sa pangangailangan ng puso ng oxygen.
· Angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitors at angiotensin II receptor Blockers (ARBs). Ito ay nagpapababa din ng blood pressure.

Maaari ring magsagawa ng operasyon para sa puso. Ito ay ang “angioplasty and stent placement” o kaya naman ay “coronary artery bypass surgery”.

Treatment of coronary artery disease requires a multidisciplinary approach. Its management begins with lifestyle changes to help reduce the risk of heart attack. This includes smoking cessation, eating a balanced diet and doing regular exercise. In addition to this, medicines are also prescribed to reduce blood pressure and to widen the arteries to promote adequate oxygenation. Lastly, if medicines do not give optimum results, surgeries to open up or bypass blocked arteries may be needed.

Natural cures, Lifestyle Changes, Home Remedies at Prevention o paano maiwasan
Ang pagbabago sa pamumuhay ay makakatulong sa iyo upang maiwasan o mapigilan ang mga hinaharap pang pag-atake ng CAD. Ang mga dapat gawin ay ang pagtigil sa paninigarilyo, pagkontrol sa blood pressure, pag-check sa iyong cholesterol level at pag-iwas sa matatabang pagkain, kontrolin ang diabetes, mag-ehersisyo, kumain ng masusustansyang pagkain, panatilihing wasto ang timbang, at huwag magpapa-apekto sa stress.

References/Sources:
Regmi, M., & Siccardi, M. A. (2021). Coronary Artery Disease Prevention. In StatPearls. StatPearls Publishing.

Malakar, A. K., Choudhury, D., Halder, B., Paul, P., Uddin, A., & Chakraborty, S. (2019). A review on coronary artery disease, its risk factors, and therapeutics. Journal of cellular physiology234(10), 16812–16823. https://doi.org/10.1002/jcp.28350

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Paano po malalaman ng doctor na may tsansa magkaroon ako ng coronary heart disease?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Gagamitin ng doktor ang impormasyon sa iyong kalusugan, medikal na kasaysayan ng iyong pamilya at paraan ng pamumuhay para malaman ang tsansa ng pagkakaroon ng coronary heart disease.
Pagkatapos ng maraming taon ng pag-aaral, ang mga doktor ngayon ay marami ng alam tungkol sa mga nakakaapekto sa tsansa ng pagkakaroon ng coronary heart disease. Kung mas marami ang iyong “risk factors” (kondisyon o gawi na nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng sakit), mas malaki ang tsansa mo na magkaroon ng coronary heart disease.
Kung ikaw ay lampas sa 40 na taong gulang, papayuhan ka ng doktor na sumailalim sa isang tsek-ap na tinatawag na “cardiovascular risk assessment”. Tatanungin ka niya tungkol sa iyong medikal na kasaysayan, medikal na kasaysayan ng iyong pamilya, at paraan ng pamumuhay. Maaaring pakinggan ng doktor ang iyong puso at baga at kunin ang iyong blood pressure. Pwede ka ring payuhan na magpa-blood test para sukatin ang iyong kolesterol at minsan pati na ang iyong blood glucose (asukal) – ito ay pagsusuri para sa diabetes.
Pagsasama-samahin ng iyong doktor ang lahat ng impormasyon na ito at pwede din siyang gumamit ng espesyal na idinesenyong tsart o isang online na risk calculator. Magbibigay ito ng palatandaan kung gaano kalaki ang tsansa ng pagkakaroon ng coronary heart disease. Maraming mga doktor ang gumagamit ng calculator para malaman ito – maaaring maging kapaki-pakinabang ang pagtingin dito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede ba akong makipagtalik kahit meron akong coronary heart disease?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, karamihan ng mga tao ay nakakapagpatuloy pa rin sa kanilang healthy sex life pagkatapos nilang matignan at malamang mayroon silang coronary heart disease.
May ilang mga tao na nababahala na hindi na sila pwedeng makipagtalik kapag meron silang coronary heart disease, subalit hindi ganito ang karaniwang sitwasyon. Ang pakikipagtalik ay pareho din sa ibang ehersisyo.
Pagkatapos magkaroon ng atake sa puso, maaari kang makipagtalik ulit kapag alam mong handa ka na. Kung hindi ka nagkaroon ng anumang problema sa iyong pagpapagaling, ito ay marahil pagkatapos ng humigit kumulang apat na linggo, pero antayin ang panahong handa ka na. Kapag nakakaramdam ka ng pananakit sa dibdib o paghabol sa hininga dahil sa pakikipagtalik o ibang paraan ng pag-eehersisyo, ipaalam ito sa iyong doktor.
Maaari mong maramdaman na bumaba ang iyong sekswal na gana pagkatapos ng atake sa puso o operasyon, pero ito ay karaniwang bumabalik pagkatapos ng mahabang pahinga. Posible ring makaramdam ka ng pagkalumbay pagkatapos mong magkaroon ng atake sa puso na maaari ring makaapekto sa iyong gana. Pero, mawawala din ito sa pagdaan ng panahon.
Kung ikaw ay lalaki na mayroong coronary heart disease, mas malaki ang tsansa mong dumanas ng “erectile dysfunction” kumpara sa mga lalaking walang parehong sakit. Kapag ang atherosclerosis (pangangapal at pagbabara ng loob ng ugat na arteryo) ay nagdulot ng pagkitid ng ugat sa iyong ari, mahihirapan kang magkaroon ng “erection”. Bihira naman ang mga gamot para sa coronary heart disease na iyong iniinom, gaya ng beta-blockers o diuretics, na nakakaapekto sa iyong gana. Kung meron kang anumang problema, kausapin ang iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede po ba akong mag maneho ng sasakyan kahit meron coronary heart disease?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ito ay depende sa iyong mga sintomas at klase ng imamanehong sasakyan. Mapapayuhan ka ng doktor ukol dito.
Ang Land Transportation Office (LTO) ay mayroong mga alituntunin kung pwede ka bang pagayan na magmaneho kahit na meron kang ilang medikal na kondisyon. Kung meron kang coronary heart disease, maaaring delikado para sayo ang magmaneho. Ang angina (pananakit ng dibdib) o atake sa puso ay pwedeng maging dahilan para mawalan ka ng kontrol sa sasakyan. Kabilang sa alituntunin ng LTO ang paglilimita ng pagmamaneho kapag meron kang angina, nakaranas na ng atake sa puso, o nagkaroon na ng kahit na anong operasyon sa puso. Halimbawa, kung meron kang angina, dapat kang tumigil sa pagmamaneho hanggang sa umayos ang iyong kondisyon. Kung naranasan mo na ang atakihin sa puso, dapat kang huminto sa pagmamaneho ng di bababa sa apat na linggo. Maaaring iba-iba ang mga alituntunin depende sa kung ang iyong minamaneho ay kotse, sasakyan na mabibigat ang karga, o pampasaherong sasakyan gaya ng bus. Posible rin na kailanganin mong ipaalam sa LTO ang tungkol sa iyong kondisyon.
Mapapayuhan ka ng doktor tungkol sa pagmamaneho kung meron kang coronary heart disease. Maaari mo ring i-kontak ang LTO o tingnan ang mga alituntunin sa kanilang website.
Kung ikaw ay nagdadalawang-isip na magmaneho, i-kontak ang insurer ng iyong sasakyan para malaman mo ang kanilang rekomendasyon, at laging sundin ang payo ng iyong doktor.
Ivy Perez
is in the Philippines
Hi po . Tanong ko lang po kung ang madalas na paghihirap sa paghinga ay isang sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa puso ?
Jessa Guiao
is in the Philippines
Doc. Araw arw ko pong nararamdaman na parang nakukuryente ang aking puso na parang nanginginig, yung piling po na malikot ang aking puso at kapag nag pa pump po siya ng dugo humihinto po ng 2seconds.. kumikislot din po ito
Doc, pwede q po ba malaman bkit naging ganun ung nrrmdman q past few days. Isa po aqng caregiver.d nmn maiiwasan n buhatin ung alaga q coz bumababa cia s kama nia. Now yung tym n bglang my kkirot s gwi s puso q plibot n2 mnsan o minsan po nsa isng gilid lng. Tz mhrapan po aq gno makahinga saglit at after po nun biglang madami akong dighay.paulit ulit po cia. Mnsan s likod q nmn po ang ang mgging masakit.may posibilidad po b s puso ang takbo nun or ano po kaya dhilan n2.
CHRISTAN ALBERTO
is in the Philippines
DOK. PWEDE PO BA AKO UMINOM NG GAMOT HIGHBLOOD KAHIT 30 YEARS OLD PALANG AKO MATAAS NA KSE BP KO TAPOS MAY PANIC ATTACK PA AKO PLS REPLY POST?
CHRISTAN ALBERTO
is in the Philippines
dok.. ask ko lang po pwede ba ako uminom ng gamot sa highblood kahit 30years old palang ako mataas kse BP ko eh tapos may panic attack pa ako at severe stress?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.