Ang pagkontrol sa level ng blood sugar (glucose) ang siyang major goal sa paglunas ng diabetes.
Ang type diabetes (T1D) ay nalulunasan ng:
· Insulin,
· Ehersisyo, at
· Diabetic diet
Ang type 2 diabetes (T2D) ay nalulunasan ng:
· Pagbabawas ng timbang, diabetic diet, at Ehersisyo
· Ang oral medications ay pini-prescribe kapag hindi nako-kontrol ng mga hakbang sa itaas ang mataas na blood sugars ng type 2 diabetes.
· Kapag hindi epektibo ang oral medications, sisimulan ang pagamutan sa pamamagitan ng insulin.
Diabetic Diet
Ang pagsunod sa diabetic diet ay kritikal na aspeto sa pagkontrol ng blood sugar sa mga taong may diabetes. Ang mga guidelines para sa diabetic diet ay:
· Balanse
· Masustansya, at
· Mabababa sa taba, cholesterol, at simple sugars.
Ang kabuuang daily calories ay nahahating mabuti sa tatlong meals (may snacks para sa mga kabataang may type 1 diabetes). Sa nakalipas na dalawang taon, ipinag-utos ng ADA ang kumpletong pagbawal sa paggamit ng simple sugars para sa mga taong may diabetes. Pinahihintulutan na ang kunting amounts ng simple sugar kapag kino-consume kasama ng complex meal.
Pagbawas ng timbang at ehersisyo
Epektibong lunas ang pagbawas ng timbang at ehersisyo para sa type 2 diabetes. Pinapataas nito ang pagiging sensitibo ng katawan sa insulin, kaya nakakatulong ito sa pagkontrol ng pagtaas ng blood sugar.
Ano ang Diabetes Mellitus at paano ito nakukuha?
Palaging nauuhaw, diabetes ba?
Ano ang Diabetic Retinopathy? Sanhi at sintomas
Ano sintomas, senyales, palatandaan ng Diabetes?
Maaari bang magka-baby pag may Diabetes?
Ano ang ibat-ibang klase ng insulin?