Anorexia o pagkawala ng gana kumain at sobrang pagpapapayat: lunas, gamot, sanhi, treatment, remedy

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang anorexia o tinatawag na anorexia nervosa ay isang klaseng karamdaman o eating disorder kung saan sobrang iniisip ng taong apektado ang kanilang timbang at ang kanilang kinakain. Sinusubukang panatilihin ng taong may anorexia ang timbang na masyadong mababa sa tamang timbang para sa kanilang edad at tangkad. Para hindi magdagdag ng timbang o para tuluyang magbawas ng timbang, ginugutom ng mga taong may anorexia ang kanilang sarili o kaya ay nage-ehersisyo ng matindi.


Bakit walang gana kumain ang may anorexia?

Sa katunayan, walang kinalaman sa pagkain ang anorexia kundi isa itong paraan ng mga may anorexia para harapin ang kanilang mga emotional problems. Halimbawa, kapag ang tao ay may anorexia, maganda ang tingin nito sa sarili kapag payat ang kanyang katawan. Mahirap malagpasan ang anorexia ngunit may mga lunas na tumutulong para maibalik ang healthy eating habits at malunasan ang mga komplikasyon ng karamdamang ito.


Ano mga Sintomas ng Anorexia? Symptoms

Pumapayat ang mga taong may anorexia dahil sa matinding pagbabawas sa dami ng kanilang kinakain at dahil sa matinding page-ehersisyo. Ang iba naman ay nagbabawas ng calorie intake ng kanilang katawan sa pamamagitan ng pagsuka matapos kumain o sa pag-abuso ng mga laxative, diuretic o enema.


Ito ang mga sumusunod na pisikal na sintomas ng anorexa:

· Matinding pangangayayat o pagbawas ng timbang

· Payat na itsura

· Walang ganang kumain

· Abnormal na blood count

· Fatigue o pagkapagod

· Insomnia o hindi makatulog

· Pagkahilo o nahihimatay

· Bluish na kulay ng mga daliri

· Numinipis na buhok

· Hindi pagkaranas ng regla

· Constipation (hirap o hindi makadumi)

· Dry Skin

· Lamigin o ginawin

· Irregular na heart rhythm

· Mababang presyon ng dugo

· Dehydration

· Osteoporosis

· Pamamaga ng braso at binti


Ang mga sumusunod naman ay ang mga emotional at behavioral na sintomas ng anorexia:

· Pagtangging o pagkawala ng gana kumain

· Pagsawalang bahala sa gutom

· Takot tumaba o takot magdagdag ng timbang

· Pagsisinungaling tungkol sa dami ng kanilang kinain

· Matinding pag-ehersisyo

· Flat mood o kawalan ng emosyon

· Social withdrawal o umiiwas sa tao

· Pagka-irita

· Nabawasan interes sa pakikipagtalik

· Depressed na mood

· Paggamit ng laxatives, pampurga, diet aids o herbal na produkto


Ang mga sumusunod ang iba pang behavior ng taong may anorexia:

· Paghati sa pagkain sa maliliit na piraso o paglipat lipat nito sa plato imbes na kainin ito

· Pagluluto para sa iba ngunit tumatangging kumain

· Paulit-ulit na pagtimbang sa sarili

· Madalas na pagtingin sa sarili sa salamin

· Pagrereklamo ng pagiging matab

· Pagiwas na kumain sa publiko


Anong Sanhi ng Anorexia? Causes

Hindi pa nalalaman ang eksaktong sanhi ng anorexia. Maraming kasali ang genes, hormones at social attitudes na nagtutulak sa pagkakaroon ng payat na pangangatawan. Ang mga sumusunod ay mga risk factors sa pagkakaroon ng anorexia:


· Masyadong paga-alala o pagbibigay ng atensyon sa timbang at hugis ng katawan

· Pagkakaroon ng anxiety disorder sa pagkabata

· Pagkakaroon ng negatibong self-image

· Pagkakaroon ng eating problem sa pagiging sanggol at bata

· Pagkakaroon ng ibang pananaw tungkol sa kalusugan at kagandahan

· Pagsubok na maging perpekto


Kadalasang nagsisimula ang anorexia sa pagbibinata/pagdadalaga, pre-teen o teen years o young adulthood ng mga tao. Kababaihan ang karaniwang naaapektuhan ng karamdamang ito ngunit nakikita din sa mga kalalakihan.


Lunas sa Anorexia, Treatment, Remedy, Cure

Ang pinakamalaking pagsubok sa paggamot ng anorexia ay ang pagtulong sa naaapektuhan na malaman niyang siya ay may karamdaman. Kadalasan sa mga taong may anorexia ay tinatangging may eating disorder sila. Nagpapagamot na lamang sila kapag lumalala na ang kondisyon ng kanilang katawan. Ang layunin ng lunas sa anorexia ay maibalik sa normal ang timbang at maibalik ang normal na eating habits. Kung minsan, nababawi ang normal na timbang kapag dinadagdagan ang social activity, binabawasan ang physical activity at gumagamit ng schedule sa pagkain ng taong may anorexia.


Kung minsan, kailangang ma-ospital ng taong may anorexia kapag ang kanilang timbang ay mababa pa sa 70% ng kanilang ideal weight, kapag may delikadong malnutrition, kapag tuloy-tuloy ang pagbawas ng timbang kahit sinusubukan na itong malunasan, kapag may mga komplikason kagaya ng sakit sa puso, confusion, mababang lebel ng potassium sa katawan at iba pa, o kapag may malalang depresyon o kapag nagbabalak magpakamatay.


Walang gamot para sa anorexia ngunit binibigay ang antidepressant at iba pang psychiatric drugs para makatulong sa depresiyon at iba pang mental disorder. May mga talk therapy din para tumulong sa mga may anorexia. May behavioral therapy, group therapy at family therapy na talagang nakakatulong agapan ang anorexia. Ang layunin ng mga therapy ay baguhin ang pag-iisip o pag-uugali ng pasyente para ma-enganyong kumain sa mas malusog na paraan.


Home Remedies at paggamot


Maliban sa propesiyonal na lunas sa anorexia, makatutulong na sundan ang mga sumusunod na hakbang:


· Huwag magpalipas ng gutom


· Kausapin ang doktor para sa pwedeng inumin na vitamins at mineral supplement dahil kapag hindi kumakain ng maigi, hindi rin nakukuha ng katawan ang sapat na sustansya.


· Huwag ihiwalay ang sarili sa mga nagmamahal na pamilya at kaibigan. Gusto lamang nilang makatulong at nais na gumaling ka.


· Iwasang magtimbang at tignan ang sarili sa salamin ng madalas dahil hindi ito nakakatulong sa iyong paggaling.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Iana Rabulan
is in Singapore
ito ho ba ay orihinal na isinulat ng doctor na ibinanggit sa itaas? maaari ko bang gamitin ito bilang reference sa gagawin kong panukalang papel, ito ay aming proyekto ngayong semester. Iana Rabulan, 1st year in Assumption college makati.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.