Kahit na mataas ang taglay na calcium ng spinach kompara sa ibang mga pagkain, ang calcium nito ay nakapaloob sa isang bagay na tinatawag na “oxalate”, kaya hindi ito naa-absorb ng katawan. Kaya kahit na mabuting source ng ibang bitamina at mineral ang spinach, hindi ito magandang source ng calcium. Ang taglay na calcium ng spinach ay mas mataas kompara sa ibang mga pagkain. Halimbawa, ang 100 g ng nilagang spinach ay nagtataglay ng 160 mg na calcium habang 75 mg lamang sa nilagang spring greens ng parehong timbang. Subalit, hindi tinuturing ang spinach bilang magandang source ng calcium dahil nakapaloob ang calcium nito sa bagay na tinatawag na “oxalate”, na pumipigil sa katawan para iabsorb ang calcium. Kung sinusubukan mong dagdagan ang dami ng calcium sa iyong diet, mayroon pang ibang mga pagkain na mataas ang taglay na calcium, tulad ng:
• Gatas at dairy products
• Isdang nakalata gaya ng sardinas
• Fortified breakfast cereal
• Soya beans na produkto gaya ng tofu
• Ibang berde at madahon na gulay
• Dried fruit o pinatuyong prutas