ANO MGA BAWAL KAININ NG BUNTIS? Ano di pwede pagkain sa nagdadalang tao pag nagbubuntis? luya, kape, yakult, softdrinks, salabat, foods to avoid

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang wastong nutrisyon habang nagbubuntis ay napakahalaga upang ang bata ay lumaki at magdevelop. Pregnancy is what most couples are waiting for. They wanted to become parents as soon as they get married and have a healthy baby. With this, nutrition plays a significant role to achieve a good health for both the mom and the baby. Dapat kang umubos ng 300 o higit pang calories bawat araw na karagdagan sa iyong kinakian buhat noong ikaw ay hindi pa nagbuntis. Datapuwat ang pagsusuka at pakiramdam na nasusuka sa mga unang buwan ng pagbubuntis ay nakakapagpahirap sa buntis kumain, marapat na kumain ng well-balanced na diet at uminom ng vitamins kahit pa wala masyadong gana upang maiwasang magkasakit. Narito ang ilang mga rekomendasyon na dapat kainin at hindi dapat kainin habang nagbubuntis upang ikaw at ang iyong baby ay maging healthy:

First time parents may not be aware of what food should a pregnant woman avoid. Sometimes, they have this misconception that a pregnant woman is supposed to eat for two and she can eat everything that she wants and what seems nutritious. However, the truth is, pregnant women should be cautious of whatever goes into her body because this may not only affect her health but also her baby's.

Ano Mga Pagkain na dapat kainin:
Kumain ng ibat-ibang klase ng pagkain upang makuha ang lahat ng nutrients na kinakailangan. Ang rekomendadong pang-araw-araw na serving ng kanin at grains ay 6 to 11, 2 to 4 na servings ng prutas, 4 or higit pang servings ng gulay, 4 na servings ng dairy products, 3 servings ng protina (karne, manok, isda, itlog o mga mani).

Pumili ng high fiber na pagkain at mataas ang fiber content tulad ng whole-grain na tinapay, cereals, pasta, kanin, prutas, at gulay.

Siguraduhing nakakakuha ng sapat na vitamins at minerals araw-araw sa iyong diet habang nagbubuntis. Ang doctor ay maaaring magrekomenda sa iyo ng wastong vitamins.

Kumain at uminom ng hindi kukulangin sa apat na servings ng dairy products at calcium-rich foods araw-araw upang siguraduhing makakakuha ka ng 1000 hanggang 1300 mg ng calcium upang hindi manghina ang iyong mga buto at ngipin.

Kumain rin ng hindi bababa sa 3 servings ng iron-rich na pagkain araw-araw upang siguraduhing nakakakuha ka ng 27 mg ng iron kada araw. Ito ay upang hindi magkaroon ng anemia at magkaroon ng maraming oxygen sa dugo. At ito ay panlaban rin sa kinakatakutang mangyari na magka-blood loss sa panganganak.

Marapat na kumain ng pagkain na marami ang vitain C araw-araw tulad ng oranges, grapes, strawberries, papaya, broccoli, cauliflower, kamatis at marami pang iba. Ang mga buntis ay kailangan ang 70 mg na Vitamin C araw-araw.

Pumili rin ng hindi bababa sa isang source ng folic acid araw-araw tulad ng dark green leafy vegetables, mga legumes tulad ng black beans at green peas. Ang buntis ay kailangan ang 0.4 mg na folic acid kada araw upang maiwasan ang problema sa pagdevelop ng “neural tubes” ng bata.

Pumili rin ng mapagkukunan ng vitamin A kada sa susunod na araw. Ang mga mapagkukunan ng vitamin A ay carrots, kamote, kalabasa, singkamas, cantaloupe at marami pang iba.

Ano Mga Pagkain na Bawal o Dapat Iwasan ng mga Buntis? Ano mga pagkain at gamot na bawal sa nagbubuntis?
Tunay na hindi biro ang pagbubuntis ng isang ina, sila ay nakararanas ng mga paglilihi, pagtaas ng timbang, pamamanas ng binti, pananakit ng likod at tiyan na kailangan dalhin sa loob ng 9 na buwan. Marami din silang pag-aalala o mga katanungan sa pagbubuntis. Kabilang dito ang dapat at hindi dapat kainin habang buntis.

Para maging ligtas ang sanggol at ang kanyang ina, magandang alamin ang mga bawal o hindi dapat kainin tulad ng mga sumusunod:

1.     Mga Isdang Naglalaman ng Mataas na Mercury (High-Mercury fish) - ang mercury ay may nakakalason na elemento at madalas makikita ang mga isdang ito sa mga maruruming tubig. Ito ay nakakasira sa sistemang nerbiyos (nervous system), immune system at bato. Ito ay ipinagbabawal sa mga babaeng nagdadalang-tao dahil sa epekto nitong makasira sa tamang paglaki ng bata sa sinapupunan. Kailangang limitahan ang pagkain nito sa isa o dalawang beses lng sa isang buwan. Ang mga isdang mataas sa mercury ay ang:

Ø  pating (shark)

Ø  isdang-ispada (swordfish)

Ø  Galunggong  (King mackerel/Round scad)

Ø  Tuna gaya ng albakora (tuna albacore)

2.     Hilaw na Isda (Uncooked or Raw Fish) - ang mga hilaw na isda tulad ng molusko (shellfish) ay pwedeng magdulot ng bakterya, virus o parasites sa katawan tulad ng novovirus, vibrio, salmonella at listeria. Ang nagiging epekto nito ay ang pagkahina at pagkatuyot, ang impeksyon na mkukuha sa mga hilaw na pagkain na ito ay pwedeng ikamatay o maipasa sa bata sa loob ng sinapupunan. Ang listeria ay pwedeng dumaan sa inunan (placenta) at maipasa ito sa hindi pa naisilang na sanggol. Wala itong sintomas sa nagdadalang tao, ngunit ang sanhi nito ay panganganak ng wala pa sa sapat na kabuwanan, pagkakunan, pagkamatay ng bata pagkapanganak o malubhang karamdaman.

3.     Caffeine - ito ay matatagpuan sa mga inuming kape, tsaa, softdrinks at cocoa. Pinapayuan ang mga buntis na wag uminom ng mga inumin na may caffeine o limitahan lamang ng 200mg isang araw o katumbas ng dalawa o tatlong baso sa isang araw sa kadahilanang madali itong dumaan sa inunan at mapunta sa sanggol. Sila ay walang sapat na ensaym (enzyme) para tunawin ang mga ito. Pinipigilan din nito ang normal na paglaki ng bata at malaki ang tiyansang maipanganak ng wala sa tamang timbang ang sanggol.

4.     Hindi Luto, Hilaw na Karne at mga prosesong pagkain - ang mga halimbawa nito ay karne ng baboy, manok, baka at maraming pang iba na hindi niluto ng mabuti. Ang hotdog, luncheon meat at karne ng deli ay hindi ligtas sa buntis dahil sa pagkakaroon nito ng bakterya habang prinoproseso. Malaki ang tiyansang magkaroon ng bakterya at parasitiko ang mga hindi lutong pagkain at maaring makunan o magkaroon ang problemang neurolohiya (neurological problems) ang bata sa sinapupunan tulad ng pagkabulag, sakit sa pagiisip at epilepsy.

5.     Hilaw na Itlog - ang pagkakaroon ng lagnat, pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng tyan at pagtatae ay mga senyales na natamaan ka ng bakteryang salmonella na makukuha sa mga hilaw na itlog. Ang impeksyon na ito ay ngdudulot ng kontraksyon, panganganak ng wala sa tamang panahon o pagkakunan.

6.     Luya (Ginger) - ang ugat ng luya ay ginagamit pampalasa ng pagkain, ngunit ito ay pinagbabawal sa mga buntis dahil ang labis na pagkain nito ay nagdudulot ng pagdurugo at pagkakunan. Sinasabing ang tamang sukat ng pagkain ng luya ay 1500mg pababa at mas mainam na kumunsulta sa doktor.

Ang mga buntis ay kinakailangan ding uminom ng mga gamot o mga suplemento habang sila’y nagbubuntis . Ngunit ang mga  sangol ay naapektuhan din dahil ang kanilang  mga atay at bato (kidneys) ay hindi pa lubos na buo, kaya nahihirapan silang maproseso  ang mga gamot na iniinom ng kanilang ina. Ano nga bang mga gamot ang di ligtas habang nagbubuntis?

A.         Aspirin, Ibuprofen, at Naproxen -  madalas gamitin ang mga ito pantanggal ng sakit sa ulo at katawan.   Ang hindi alam ng nakararami ay malaking pinsala ang maaring maidulot nito sa isang nagbubuntis.  Pinipigilan nito ang prostaglandin ng ating katawan. At sa nagbubuntis, napakahalaga nito dahil naaapektuhan ang pagresponda ng  matres sa pagsuplay ng dugo sa sanggol.

B.         Ribavarin o mga antiviral drugs -   ito ay kadalasang ibinibigay sa may mga sakit na hepatitis C. Ipinagbabawal ito sa mga buntis dahil direktang naapektuhan ng gamot ang lumalaking sanggol, na maaring ikamatay nito.

C.         Tetracycline – isang antibiotic na gamot na madalas nirereseta sa mga may UTI (urinary tract infection), gonorrhea, chlamydia, at acne.  Ito ay ipinagbabawal sa nagbubuntis at nagpapasuso. Maaring maapektuhan ang  paglaki ng mga buto at ipin ng sangol.

D.         Laxapro – isang anti-anxiety and antidepressant na gamot.  Maaaring  magdulot ito ng problema  sa sanggol lalo na sa kanyang  puso (heart defects), sa gulugod  (spine), at maging depormasyon ng paa (clubfoot).

E.         Depakote – ito ay mga gamot para sa epilepsy. Maaaring magdulot ito ng birth defects at problema sa pagiisip (cognitive function) ng sanggol.

F.         Dalmane -  mga gamot na pangpatulog o gamot sa may mga insomnia. Pwede itong magdulot ng problema sa pagiisip, ADHD (attention deficit hyperactivity disorder), birth defects,  at maging pagkamatay ng sanggol.

G.         Chlorpheniramine  at phenylephrine  (decongentants) -  ito ay mga gamot sa sipon. Ipinagbabawal ito sa unang 3 buwan ng pagbubuntis .  Dahil ito ay ang panahon kung saan binubuo ang mahahalagang parte ng katawan  ng sanggol.

Para sa mga buntis o nagbabalak magbuntis, mahalagang tandaan na ang iyong sanggol ay umaasa sa iyo para sa suplay ng pagkain, inumin, dugo at hangin. Kaya anuman ang iyong kinakakain at iniinom ay tiyak na makakaapekto sa kanya.

Maaaring kumain ng kaunitng keso ngunit huwag nang dagdagan pa ng cheese dip ang iyong kinakain. Ang mga soft na cheese ay gawa sa “unpasteurized milk” o hindi pinakuluang gatas na maaaring may dalang listeria bacteria na maaaring makapaminsala sa iyo at sa iyong baby. Maaaring iwasan muna ang mga blue cheese, queso blanco at iba pa – pwera na lamang kung ang label nito ay nagsasabing pasteurized.

Iwasan rin ang mga hindi masyadong naluto na mga karne. Ang hilaw o undercooked na mga karne ay maaaring may dalang toxoplasma na bacteria na hindi maganda ang epekto kapag nakapasok sa katawan.

Iwasan rin ang hilaw na isda tulad ng sushi. Datapuwat maigi ang isda para sa buntis, ang hilaw ay maaaring may dalang parasites at bacteria na mapinsala sa kaulusugan.

Iwasan ring kumain ng hilaw na itlog dahil maaaring may dala itong salmonella.

Iwasan rin ang alcohol kaya mangyari lamang na iwasan muna ang lahat ng klase ng alcohol habang nagbubuntis,

Kung ating susumahin, napakaraming dapat iwasang kainin habang nagbubuntis ngunit ang sekreto ay nasa pagpili natin ng ating dapat kainin. Huwag ring isipin na kainin lahat-lahat ng nirerekomenda. Dapat maliliit na servings lamang ngunit parati ang pagkain o “small, frequent feedings”. Kung paminsan-minsan, pwede mo ring i-treat ang sarili sa pagkain ng matatamis upang matugunan ang hinahanap-hanap na dessert. Ngunit huwag lamang pasobrahan ang pagkain.

Bawal sa buntis ang mga pagkain na mataas sa mercury. Bagamat mayaman sa protina at omega-3 fatty acids ang mga isda at pagkaing dagat, ang iilang isda at molusko/ shellfish ay medyo mataas ang laman ng mercury. Nakakasama sa pagbuo ng nervous system o utak ng sanggol ang mercury. Tandaan na lalong malaki ang isda, lalong mataas ang laman ng mercury. Kasama na dito ang mga swordfish, shark, king mackerel at tilefish. 

Kailangan din iwasan ng mga buntsi ang kumain ng mga keso na gawa sa unpasteurized milk. Bukod dito, pinapayuhan ang mga buntsi na iwasan ang mga hilaw na pagkain o karne. Ito ay dahil maaaring may mga bacteria ito na mayroong mga sakit na makakasama sa ina at baby. 

At panghuli, bawal sa mga buntis ang mga alak, mga bagong freshly squeezed juices at uminom ng lumalagpas sa 200 mg ng caffeine kada araw. Mas malaki ang tsansa na makunan ang nanay (o stillbirth) kapag umiinom siya ng alak. Sa mga malalang kaso, posibleng magdulot ng tinatawag na fetal alcohol syndrome, na makakasanhi ng pinsala sa mukha, puso o utak ng sanggol. Kahit ang kaunting paginom ng alak ay maaaring makakasama sa baby.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Angi Abes
is in the Philippines
hello po dra ask ko lang po kc march 29-april 2 nagkaperiod po aq expected ko po dis april 29 magkakaroon pako pero may na po pero wla pa ..normal po ba un o pregnant po ako? nagkapag talik po kmi ng asawa ko nung april pro widrawal nman po
Medical Team
is a Medical expert in United States
Maaaring na-delay ka lang, at ilang araw pa lang naman. Maraming dahilan kung bakit nade-delay, tulad ng pagbabago ng oras ng tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), stress, medication, illness, excessive exercise, sexual activity (lalo na kapag first time), at iba pa.
Maaari ring makaapekto ang sexual activity sa menstrual cycle, dahil siguro sa hormones na inilalabas habang nakikipagtalik. O maaaring dahil sa stress, takot at pagkabahala na baka mabuntis at pagalal. Pero kadalasan temporary lang at nakaka-delay lang ng mensturation ng ilang araw.
Kapag wala ka parin regla after 1-2 weeks, may mga nabibiling pregnancy test kits sa mga pharmacy at hindi naman ito kamahalan. O magpatingin sa ob-gyn.
Angi Abes
is in the Philippines
salamat po dra.. diba po march 29-april2 po aq nagkaroon so hindi na po aq magkakaroon ng april sa halip naun may na po gnun po ba? ung pakiramdam ko po kc pra aqng rereglahahin pero wla nman po lumalabas humihilab dn po ung tyan ko at mdjo nanlalambot..akala ko nga po magkakaperiod aq pero may na wla pa din.
Angi Abes
is in the Philippines
ok po ba ang provera para magtuloy po ang mens ko
Julie Yana
is a non-Filipino member from the Philippines
Hi Doc,6 weeks na po akong buntis natural lang po ba masakit po ang bandang hita ko at may mararamdaman na po akong morning sickness natural po ba yun sa 6 weeks pregnancy?


Thanks
Julie Yana
is a non-Filipino member from the Philippines
Doc last na tanong ko po natural lang po ba na may lumalabas na mabaho sa pwerta ko ngayong buntis po ako?

Advice naman po doc Slamat po
Ashley Samillano
is in United Arab Emirates
Hi po dra tnong lng po pg after 1day or 2days po ng sex ay magkakaregla posible po bang mbuntis pa rin? Kc po wala p po 1wek kmi n ngsex ng bf q iba n po ung nararamdaman q kahit my period po aq. Pls pksagot po dra...tnx po
ASK KO LANG PO DOC., BASTA PO BA ANG PT., TRUE YUN., 4 NA PT PO NAGAMIT KO ., 2 LAHAT ANG GUHIT., DI KO PO MASABI SA PARENTS KO.,

AT PANU PO BA MALALAMAN KUNG ILANG MONTHS O WEEKS NA., NID PO BA MAGPACHECK UP AGAD? OR PWEDE DIN MALAMAN KAHIT DI PA NAGPAPACHECK UP
Ella Jane Patalot
is in the Philippines
hello po doc..ask ko lang po last dec 13to dec 19 2014 po nagka period po ako pero nagtatali po kami ng asawa ko dalawang araw pagkatapos nag regla ko po... tapos hangang ngayon po february 22 na po ng 2015 pero hindi pa po ako nagkaka period natural pa po ba ito kasi hindi po ako nagsusuka kong buntis po ako pero may pinipili po akong gustong kainin..salamat po..asahan ko po yong reply nyo po.god bless
Jenny Espinili
is in the Philippines
Gud pm buntis po ako anim na bwan at my uti pede po ba ako uminom ng pinakuluang banaba?
Meemah Antiquerra
is a None in the Philippines
DRA.nakakabili po back ng Provera kahit walang reseta ng Dr.?tnx
Rose Brazal
is in the Philippines
hello po!Ask ko lang po risk po ba pag nabuntis ka ulit 4 months after mong ma miscarriage sa unang pagbubuntis?salamat po!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello po dra, ask ko lang po dra buntis po ako ng 6 buwan pwede ba ako uminom ng gamot na pang asthma my asthma po kc ako,at pwede po ba akong kumain na herbal na guto kola? alam mo ba ang herbal na iyan nababasa ko kc sa internet doc?

i need your response doc.
1 person likes this
Hazelanne Francisco
is in the Philippines
may nararamdaman po ako maari ko po ba tong e open sa inyo pra malaman ko kung butis ako o hindi?
Racel Alaban
is in the Philippines
hi po...kumain po ako ng shellfish na may lemongrass..masama daw po un...2 months pregnant po ako ngayon....
Vic Cayubit
is in the Philippines
pwede po ba kumain ang buntis ng lanzones at rambutan?
Joanna Tigolo
is in the Philippines
Hi doc bawal pu ba ang pine apple or papaya during pregnant sabe kase nila cause lf miscarge
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello Joanna! Isa lamang myth ang sinasabi nilang nakaka cause ng miscarriage ang pagkain ng pineapple at papaya. Walang sapat na pag-aaral para sumuporta na dahilan nga ito ng miscarriage. Sinasabi ng iba na ang pagkain ng hilaw na papaya ay nakaka trigger ng paghilab, ngunit ang hinog naman ay mayaman sa vitamins at nutrients na mainam sa mga nagbubuntis. Dapat kainin in moderation ang mga prutas na ito habang nagbubuntis. Personally kumain ako ng mga prutas na ito habang nagbubuntis ako at malusog ko naman nailuwal ang anak ko ng due date ko.
Nalyn Cao
is in the Philippines
hi ask ko lang kung nagkakaroon ba ng epekto ang pag inom ng bioflue habang buntis hindi ko kase po alam na buntis ako nung panahon na yun kaya uminom ako..nakakasama po ba ito sa magiging baby ko.salamat sana mapansin
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi Doc,

Magandang araw, tanong ko lang po.. di ko po kasi alam na buntis ako. nalaman ko lang po nung na-ER ako March 25. but before that nag-take po kasi ako ng diet capsule. nag start po ako uminom ng February 12 tapos dinatnan po ako ng February 20. tapos po continues po ang pag-inom ko ng diet capsule hanggang March 17. natigil lang po kasi na hospital yung anak ko ng March 18 at in-X-RAY po siya na nandon ako.. kasi po ako ang humahawak sa kanya.. may effect po ba yun sa ipinagbubuntis ko?
kasi kung tutuusin almost 5 weeks na po pala akong buntis.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.