BIGATIN ba NUTRISYON ang Plato Mo? Recommended diet and nutrition

Princess Dianne Legacion
is a Medical expert in the Philippines

Laging inirerekomenda ng mga Dietitian na magkaroon ng tamang diet sa pamamagitan ng pagkakaroon ng balanse, tamang dami at iba’t-ibang klase ng pagkain. Pero paano nga ba ito makakamit sa pinaka-praktikal na paraan? Nasa plato mo ang kasagutan.


Platito o Bandehado?

Gaano kalaki ang plato mo? Ang sukat ng iyong plato ay malaking factor upang makontrol mo ang iyong pagkain. Karaniwang mas marami ang iyong makakain kung mas malaki ang iyong plato. Ang nararapat na lapad ng plato ay siyam (9) na pulgada lamang. Ang pinakaangkop na halimbawa ay ang breakfast plate. Ang platong ito ay masasabing makapagbibigay ng tamang dami ng pagkain, hindi labis at hindi kulang.


Makatutulong din kung iiwasan ang paglalagay ng bandehado sa hapag-kainan. Aabutin ng mga bente minuto bago makaramdam ng pagkabusog ang isang tao kaya’t mas maigi ng kumuha na lamang ng sapat na pagkain na kasya lamang sa iyong plato at medyo malayo ang bandehado o kaldero sa hapag-kainan upang maiwasan ang paglalagay muli ng pagkain sa plato.


Ano ang Dapat na Laman ng Plato Mo?

Masasabing balanse ang iyong diet kung ang iyong plato ay naglalaman ng iba’t-ibang uri ng pagkain – may kanin, karne, gulay, prutas at gatas.


Ang kanin o iba pang butil ay nagbibigay ng enerhiya para sa pang-araw-araw na gawain. Ang karne naman ay makatutulong upang mabuo ang mga kalamnan o muscles at magkaroon ng malakas na katawan. Ang mga prutas at gulay ay mayaman naman sa mga bitamina at mineral na nakatutulong para mapanatili ang normal na mga proseso ng katawan gayundin bilang proteksyon laban sa mga sakit. Ang gatas ay mayaman sa Calcium para sa malusog na mga buto at ngipin.


Hatiin lamang sa dalawa ang plato. Ang unang hati ay para sa gulay at prutas, samantalang ang ikalawang hati ay para sa kanin at karne. Siguraduhin lamang na may isa hanggang 2 baso ng gatas sa isang araw.


Iba’t-ibang Plato Araw-araw

May mga taong sa iisang plato lamang gustong kumain, okay lang ito basta’t iba-iba ang laman ng plato araw-araw o kada kain. Walang iisang pagkain na makapagbibigay ng lahat ng sustansyang kailangan ng isang tao kaya’t nararapat lamang na kumain ng iba’t-ibang klase ng pagkain.


Kapalit ng kanin, maaari kang kumain ng tinapay, mais, kamote, patatas at mga cereals o mga butil. Maaari ding kumain ng iba’t-ibang karne tulad ng manok, baboy, baka, tupa at isda. Mayaman din sa protina ang itlog at mga gulay na buto tulad ng munggo, paayap at sitaw. Marami naming mapagpipilian na gulay at prutas. Nandyan ang mga madadahong kangkong, kamote at malunggay maging ang mga bunga na ampalaya, upo at kamatis. Sa prutas naman ay pangkaraniwan ang saging, mansanas, mangga at kahel. Kapalit ng gatas ay maaari ding kumonsumo ng keso at yogurt.

Achieving an ideal weight is everybody's goal. It doesn't merely help us boost our confidence but more than this, it helps us maintain a normal health status and minimize the risk of developing various diseases. However, though you hear several positive feedbacks about a specific type of diet, whether that diet helps a person to lose pounds or obtain that waistline and a curvy look of a top model, that doesn't mean that it is also applicable to you. Sometimes, you just need to follow basic routines to lose weight. Here are some helpful tips to guide you:

<!--[if !supportLists]-->1. Start your day and every meal with a glass of water. As soon as you wake up, gulp down a glass of cool water. A glass of water lets out all your digestive juices and sort of lubricates the insides of your body. It also helps in flushing out the toxins in your body and in decreasing the amount of your food intake as it occupies space in your stomach and make you feel fuller.

2. Avoid sweetened bottle drinks, especially sodas because they contain sugar and sugar means calories. The more you can cut out on these sweetened bottle drinks, the better for you. If you really want to drink sodas, then stick to diet sodas.

3. Choose fresh fruit to processed fruits. Processed and canned fruits do not have as much fiber as fresh fruit and processed and canned fruits are nearly always sweetened.

4. Eat just what you need. Do not let yourself indulge in food that you just want. Keep an eye on everything that goes in your body. As the saying goes, eat to live, don't live to eat.

5. Eat high protein meal in the morning.

6. Chew food thoroughly for better digestion and assimilation

7. Do not eat for at least 3 hours before bed. Avoid night time snacks.

8. Get used to small frequent feeding.

9. Include all the food groups.

10. Three meals and 2 snacks per day are encouraged.


Kung ang laman ng iyong plato ay balanse, may tamang dami at iba’t-ibang klaseng pagkain araw-araw, BIGATIN sa NUTRISYON ang plato mo!:)


1 person likes this

About the author

Princess Dianne Legacion

Nutritionist-Dietitian at Army General Hospital Trained Diabetes Educator
Profession: Healthcare Professional
Army General Hospital
Office Address: Tamsui Avenue, Bayan Luma, Imus, Cavite
Philippines , Manila , Taguig City

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)