Bulate sa tiyan, tapeworm: Symptoms, causes, cure, medication

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

A. Sintomas / symptoms

Ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan ay isang uri ng 'parasitism'. Ang parasitism ay nangangahulugang may naninirahang organismo, gaya ng bulate, sa loob ng katawan ng isang tao na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanyang kalusugan tulad na lamang ng kakulangan sa nutrisyon o malnutrisyon.

Ang mga bulateng maaaring maging parasites kapag nakapasok sa katawan ng tao ay mayroong iba't ibang hugis at anyo. Ang ilan sa mga ito ay ang roundworm, tapeworm, pinworm, whipworm at hookworm. Kapag nakapasok ang mga bulateng ito sa ating katawan, ilang sintomas ang maaari nating maranasan. Kabilang dito ay ang sintomas na maaaring maiugnay sa irritable bowel syndrome (IBS) gaya ng pagtatae (diarrhea), tibi (constipation) o kabag (gas pain), pagbabago sa pagtunaw ng pagkain (digestion), hirap sa pagtulog, pangangati ng balat, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pakiramdam na laging pagod o malungkot, iron-deficiency anemia at pakiramdam na hindi ka pa rin nabubusog sa kabila ng pagkonsumo ng sapat na pagkain.


B. Dahilan o Causes

Sapagkat iba't ibang uri ng bulate ang maaaring makapasok sa ating katawan, iba't iba rin ang tinutukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng impeksyon ang isang tao. Halimbawa, ang Ascaris lumbricoides, isang uri ng roundworm, ay sinasabing maaaring makuha kapag kumain ang isang tao ng pagkaing hindi luto na maaaring nakontamina ng itlog ng organismong ito. Ang itlog nito ay maaaring manatili sa loob ng tiyan at doon mapisa na siyang kakalat sa bituka ng pasyente. Subalit ang Ascariasis ay hindi nakakahawa kung hindi makakakain ng pagkaing nagtataglay ng itlog nito.

Sa kabilang dako, ang hookworm naman na naninirahan sa mainit at basang lupa ay maaaring makapasok sa ating balat kaya't ang paglalakad ng walang sapin sa paa ay maaaring maging dahilan. Bukod dito, maaari namang magkaroon ng tapeworm ang isang tao kapag siya ay nakakain ng kontaminado at hilaw na karne o isda. Ang kontaminasyon ay maaaring dulot ng maruming kapaligiran.

C. Solusyon, cure, treatment, remedy, medication


Ang mga bulate loob ng katawan ng isang tao ay nararapat na mabigyan ng agarang gamutan upang mapigilan ang malubha nitong epekto sa kalusugan. Bukod sa pagbibigay ng gamot (anti-helminthics) na siyang makapagtatanggal ng mga bulate sa ating katawan, may ilang natural na paraan ding maaaring subukan. Ang sinasabing pinakamabisa sa mga ito ay ang paggamit ng laman at langis ng niyog. Upang maging epektibo, kinakailangang kumain ng isang kutsarang kinayod na laman ng niyog bilang bahagi ng almusal. Matapos ang tatlong oras, uminom ng isang basong maligamgam na gatas na hinaluan ng dalawang kutsarang castor oil. Araw-araw lamang itong gawin hanggang sa mawala ang mga bulate. Maliban dito, maaari ring uminom ng apat hanggang anim na kutsarang extra virgin coconut oil sapagkat ito ay nagtataglay ng medium-chain triglycerides na siyang makatutulong upang mailabas ang mga parasites at upang mapalakas ang resistensya ng ating katawan.


Related: Gamot pampurga sa bulate



About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
ano kaya twag sa medyo bilog ang ktawan ng bulate tapos yung dulo medyo matulis?ano kaya yun twag don?delikado po ba ito
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.