Ulcer, fatty liver, hyperacidity, stomach cramps, medications lower abdomen

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Dok, lagi pong sumasakit tiyan ko. Nakailanan na check ups na din po ako. Ulcer or hyper acidity daw. Reseta ng gamot, tapos bumabalik din po. Nakapag pa-ultrasound na din po ako at ok naman daw yung liver. Medyo fatty lang daw po.

Ngayon po parang ang nararamdaman ko pagkagising sa umaga naninigas ang tiyan ko pati sa tagiliran. Tapos umaabot na din po yung sakit minsan sa puson. Ulcer pa rin po ba ito isa o dahil na rin sa taba?


Translation: I often have stomach pain. I've gone to the doctor several times already, and I was told that I have ulcer or hyperacidity. I was prescribed some medications for it, and I went back for follow up check-up. I also underwent ultrasound, and my liver seems to be ok, according to the results, except that it was quite fatty.

Now I feel that my stomach is cramping or hardens in the morning when I wake up, including my sides. And the pain has now reached the lower abdomen. Is this still ulcer, or could this be because of fatty liver?


The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Randolf  Gucyam
is a Medical expert in Singapore
Hello,
Una, importanteng malaman kung female or male ang pasyente. Pero dahil anonimo ang ating pagpapakilala eh magpapayo ako batay sa kung anong meron na impormasyon.

Ang hyperacidity induced ulcer ay may dalawang klase, ang duodenal at gastric ulcer. Nawawala ang sakit ng duodenal ulcer pagkatapos kumain. Ang pagkain ay nagsisilbing blanket o proteksyon sa lining ng bituka. Nawawala ang sakit ng gastric ulcer kapag tumitigil tayo sa pagkain ng matatabang ulam. At ang pagkain ng sebo naman ay nakakapag-trigger ng sakit. Kadalasan sa umaga nararamdaman ang sakit sa duodenal ulcer kapag walang laman ang tyan. Mahaba haba rin ang gamutan sa duodenal ulcer. Ang binigay na gamot sayo ng iyong duktor ay maaring H2 agonist o iyong gamot na lumalaban sa paggawa ng mas madami pang asido sa tyan.

Hindi ko masisigurado kung ulcer pa rin ang iyong nararamdaman sa ngayon. Pero kapag nangangasim ang iyong tyan at may lasang parang suka ang bibig at nadidighay, ito ay kumpirmadong hypderacidity na sanhi ng gastric o duodenal ulcer. Ngunit kapag ang nararamdaman ay taliwas sa nabanggit, maari kang magpatingin sa isang gastroentorologist.

Ang fatty liver ay malayong sanhi ng sakit ng iyong tyan. Pero ang fatty liver ay sanhi ng pagkain mg maxadong madaming taba at karne at higit sa lahat, pag inom ng alak. Alam mo ba na ang alak at karne ay nakakapagpalala ng iyong hyperacidity/ulcer?

Maganda man ang gamot na bigay ng duktor subalit hindi naman natin tinutulungan ang ating mga sarili. Wala ring kuwenta ang bisa ng gamot kapag hindi natin inaalagasn ang ating katawan. Isang hakbang rito ang pag-iwas sa mga pagkain at gawa na nakakasama sa ating kalusugan.

Sana ay nakatulong ako sa iyo. Balitaan mo ako.

/doc rands
Lani Tariman
is a teacher in the Philippines
Thanks sa reply doc.. Female po aq, and isang teacher.kya isa din cguro ito sa dahilan ng pagsakit ng tiyan. Ngpipills din po aq, may epekto din po ba sa tiyan un? Thanks
Jay Garcia
is a Pizza maker in Saudi Arabia
Doc gaano po katagal gamutin ang gastroduodenitis?
Pat Valderama
is a Teacher in the Philippines Medical History
Hi doc tanong ko lang po na diagnosed ako peptic ulcer dighay at utot frequently tapos mainit pakiramdam sa tiyan sumasakit tiyan ko tuwing madling araw nagigising ako apektado rin po ba ang changing of stool ko? Madalas po soft minsan lusaw minsan mushy pero once minsam twice a day lang po ganyan den po nag pa fecal test po ako no blood and parasites and also ultrasound all cleared thank you po :)

About the author

Dr. Randolf Gucyam

Call me a medical doctor, an anthropologist, a writer, a video gamer. I say, you can call me anything as much as anyone can call himself a rock star. Currently struggling with my MA degree in Public Health while risking to pursue other things I love doing which I usually get doomed for. Writing in the top list but video gaming duels a good fight for first place. I love my music fast and loud.I work hard except when working out. My day job is big in the fat factor like an hour sleep after straight duties and rock and roll. I smile like there is no tomorrow. Don't get me wrong, I just get wrong impressions most of the time but I don't care. Atleast I smiled. =))
Profession: Family and Community Medicine
World Health Organization
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Singapore , Upper Kent Road , Singapore