Mga Impormasyon Ukol sa Gout
Ang “gout” ay isang klase ng arthritis na nakakasanhi ng pamamaga ng kasu-kasuan na biglaan na lamang umaatake. Ito ay dulot ng pagka-imbak ng kristals ng “uric acid” sa kasu-kasuan. Ang gout ay nagdudulot rin ng pagkabuo ng bukol o “nodules” sa ilalim ng balat at ang mga “nodules” na ito aay tinatawag na “tophi”. Ang pinakamaaasahang pamamaraan upang matiyak na may gout ang isang pasyente ay ang pagkuha ng tubig o “fluid” mula sa namamagang kasu-kasuan at i-examine sa ilalim ng “microscope” para sa presensya ng uric acid crystals. Kapag pinabayaan ang gout, ito ay nakakadulot ng hindi na malulunasan pang pagkasira ng kasu-kasuan, problema sa kidney, at pagkakaroon ng “tophi.” Nilalarawan ang gout bilang pag-atake ng biglaang sakit, pamumula at masakit hawakang mga joints na karaniwang nangyayari sa hinlalaki ng paa.
Ano Sanhi ng Gout?
Ang gout ay nangyayari kapag merong naiimbak na “urate crystals” sa kasu-kasuan na nagdudulot ng pamamaga nito. Ang “urate crystals” ay nabubuo kapag ang lebel ng “uric acid” sa dugo ay mataas. Ang katawan ay nakakagawa ng “uric acid” dahil sa pag-proseso nito sa “purines” – ito ang mga bagay na karaniwang nakikita sa katawan, at pati na rin sa mga pagkain tulad ng laman-loob ng mga hayop, dilis, asparagus, mga kabuti at marami pang iba. Sa normal na sitwasyon, ang “uric acid” ay nalulusaw sa dugo at dumadaan sa “kidneys” at lumalabas kasama ng ihi. Subalit kung minsan, ang iyong katawan ay gumagawa ng sobra-sobrang “uric acid” o kaya naman ay ang “kidneys” ay naglalabas ng sobrang liit na “uric acid”. Kapag ito ay nangyayari, ang “uric acid” ay natitipon, at nahuhubog bilang matulis at parang karayom na “urate crystals” sa mga “joints” at sa nakapalibot na mga tisyu at nagdudulot ng pananakit at pamamaga.
Ano Sintomas ng Gout?
Ang sintomas ng gout ay karaniwang biglaan – nangyayari pangkaraniwan sa gabi – at walang pasabi. Ang sumusunod ay ang mga sintomas: napakasakit na pakiramdam sa kasu-kasuan na umaapekto sa “joint” ng malaking daliri ng paa, tuhod, kamay, bukong-bukong, at “wrist” o galanggalangan. Ang sakit ay mas gumagrabe sa unang 12 hanggang 24 na oras matapos itong magsimula. Ang iba pang sintomas ay ang hindi mawala-walang pagkabalisa. Kahit pa nawala na ang pinamataas ng antas ng sakit ay nandyan pa rin at nanatili ang sakit sa kasu-kasuan ng ilan pang araw. At ang isa pang sintomas ay ang pamamaga at pamumula. Ang apektadong mga “joints” ay nagiging maga, masakit hawakan at namumula.
Layunin ng mga gamot para sa gout ang maiwasan ang pag-atake ng sintomas at mga nagbabadyang mga atake at komplikasyon. Ang mga gamot na ito ay ang “Non-steroidal Anti-inflammatory Drugs” o NSAIDs na tumutulong sa pagkontrol ng pamamaga at pananakit. Ang mga NSAIDs ay ang ibuprofen (Advil), at naproxen (Aleve), at pati na rin ang mas malakas na klase nito na indomethacin (Indocin). Ang NSAIDs nga lang ay nagdudulot ng mga tsansa na ikaw ay magkasakit sa tiyan, pagdurugo, at ulcers. Isa pang gamot ay ang colchicine. Kapag hindi ka maaaring uminom ng NSAIDs, ang doktor ay maaaring bigyan ka ng colchicine, isang klase ng “pain reliever” na karaniwang ginagamit upang bumaba ang dulot na sakit ng gout. Madaling umeepekto ang gamot na ito ngunit merong mga “side effects” tulad ng nasusukang pakiramdam, pagsusuka at diarrhea. Isa pang gamot ay ang “corticosteroids”. Ang “corticosteroids” tulad ng prednisone, ay maaaring mag-kontrol sa pamamaga at pananakit. Ito ay maaaring ibigay bilang tabletas o sa pamamgitan ng “injection”. Ang gamot na ito ay espesyal na ginagamit lamang para sa mga taong hindi pwedeng uminom ng NSAIDs o colchicine.
Home Remedies, Natural cures at Prevention o paano maiwasan
Hindi maikakailang ang mga gamot ang pinaka-epektibong lunas para sa gout. Subalit ang pagbabago sa iyong diet ay napaka-importante. Isang asosasyon sa Amerika ang nagrerekomenda na tuwing may pag-atake ng gout ay uminom ng 8 hanggang 16 na tasa ng tubig sa loob ng isang araw, iwasan o tigilan ang pag-inom ng alak o mga alkohol, kumain ng sapat na protina, at kung maaari ay galing sa masustansyang pagkain tulad ng low-fat/fat free dairy products, tofu, itlog.