HUWAG MAGING BIKTIMA: Kilalanin ang Fad Diets

Abigail Rose Labaddan-Princesa
is a Medical expert in the Philippines

Marahil ay nasubukan mo na ang ilan sa kung anu-anong lumalabas na mga diet o mga produkto para pampapayat subalit nabigo ka lamang ng mga ito. Malamang ay nabiktima ka ng tinatawag na fad diets. Ito ay mga paraan ng pagpapapayat na nangangako ng super fast results. Pero, sa kasamaang palad ay hindi naman epektibo ang mga ito at ang iba nga'y maaaring mapanganib pa sa ating kalusugan. Narito ang 5 clue sa pagtukoy ng fad diets ayon sa nutrition experts:


Fad Diet #1: Starvation Diet o Pagpapagutom

Facts: * 1-2 Pounds per week lang ang bawas sa

timbang kung talagang taba ang mawawala at hindi

tubig lamang.

* Mas nagpapagutom, mas lumalakas ang kain.


Ang pagpapagutom ay mabilis ngang nakakapayat subalit ang totoo'y imposibleng mabawasan ng taba ang ating katawan nang sobra-sobra sa 1-2 pounds per week sa pag-da-diet. Natural na magtatapon ng tubig ang ating katawan kapag tayo'y nagugutom kaya bababa rin talaga ang ating timbang. Pero tubig lang ang nawawala kaya biglang bawi rin ito kaagad kapag kumain na muli. Tignan mo si Manny Pacqiao. Sa tingin mo, paano siya nakakapagbawas ng malaki-laking timbang bago mag-weigh-in at biglang bawi rin sa mismong gabi ng laban? Kaya kung mahigit 2 pounds ang ipinayat mo sa loob lamang ng isang linggo, malamang ay hindi talagang taba ang nawala sa iyo bagkus ay tubig lang. Kapag kumain ka na muli nang normal, para kang sponge na babalik din sa dati mong timbang.


Isa pa, kapag nagpapagutom tayo, nagugutom din ang ating cells. Kaya, ang tendency, sa susunod mong kain, mas matindi ang appetite mo. Napaparami ang kain kung baga. At dagdag pa rito, mas marami ka ring naso-store kumpara sa karaniwang gawi ng iyong katawan. Mas mabilis na ginagawang taba ang iyong mga kinakain dahil isip ng cells mo, "Matagal-tagal pa uli bago ako makakain, kaya mag-iimbak na ako ngayon."


Kaya, hindi talagang magandang paraan ng pagpapapayat ang pagpapagutom. Mainam na kumain ng regular sa tamang oras at sapat na dami.


Fad Diet #2: Maaring mag-take ng special pills, powder o herbs

at papayat ka na.

Fact: Ang mga produktong ito ay karaniwang hindi

epektibo at pawang kay mamahal. Tunay ngang

nakakapayat... ng wallet.


Maraming kung anu-anong lumalabas na mga produkto na kesyo nakakapayat daw. Payo ko sa'yo kabayan, mag-ingat ka. Mag-isip-isip bago bumili. Karamihan sa mga ito ay may mga sangkap na pampaihi (diuretic) o pampadumi (laxatives). Kaya, kagaya rin ng sa pagpapagutom, tubig lang din ang nababawas sa katawan at hindi mismong taba.


Ang iba naman sa mga produktong ito ay nagsasabing ito raw ay may mga sangkap na nagpapabilis ng metabolism; pumipigil ng appetite; o humahadlang na ma-absorb ng katawan ang taba, sugar o carbohydrates. Tandaang marami sa mga ito ay hindi pa naidadaan sa mga mapagkakatiwalaang scientific research para patunayan ang kanilang sisasabi. Ang iba sa mga ito'y maaari pang maging sanhi ng panganib para sa ating kalusugan.


Kaya pag-isipang mabuti bago gumastos ng salaping pinaghirapan. Ang ligtas na pagpapapayat ay ang masusing pagbabalanse ng kinakain at ginagamit na enerhiya sa araw-araw.


Fad Diet #3: Kumain lamag ng partikular na pagkain o

kombinasyon ng pagkain.

Fact: Mainam kumain ng iba't-bang uri ng pagkain

araw-araw.


May mga diet na pakakainin ka ng partikular na pagkain lamang. Kagaya halimbawa ng carrots. Carrots lang kakainin mo sa umaga, tanghali at gabi. O kaya shake. Shake lang nang shake. Meron din papakainin ka ng partikular na kombinasyon lamang. Ang totoo'y walang ebidensyang nagsasabing ang partikular na kombinasyon ng pagkain ay nakakapagpapayat. At kapag din limitado lang ang uri ng pagkaing iyong kinakain, limitado lang din ang sustanyang nakukuha mo. Ang mga sustanyang ito ay mahalaga sa normal na takbo ng ating katawan.


Number 1 sa listahan ng Mga Gabay sa Wastong Nutrisyon na inilabas ng National Nutrisyon Council (NNC) ang "Kumain ng iba't-ibang uri ng pagkain araw-araw." Ito ay dahil walang isang pagkain ang nakapagbibigay ng lahat ng sustansyang kailangan ng ating katawan.


Kaya, importanteng kumain ng mga pagkaing mula sa tatlong pangkat - Go, Glow at Grow. Hindi susi sa pagpapapayat ang pagkain ng mula lamang sa isang pangkat.


Fad Diet #4: Bawal ang taba, asukal o carbohydrates kagaya ng

kanin.

Fact: Importante sa matagumpay na pag-da-diet ang

balanseng pagkain.


[Paglilinaw: Ang pinag-uusapan natin ay ang pag-da-diet para pumayat. Ibang usapan na kapag may iba pang medical condition o sakit kagaya ng diabetes o mataas na cholesterol. Mainam na kumonsulta sa doctor at nutritionist-dietitian kapag may mga ganitong karamdaman. May karampatang diet para dito.]


Patungkol sa balanseng pagkain, kagaya ng nasabi ko kanina, inererekomendang kumain ng pagkaing mula sa lahat ng 3 pangkat ng pagkain. Hindi magandang pag-da-diet ang pagkaitan ang katawan ng mga pagkain ito. Ang taba, asukal, kanin, tinapay at iba pang "GO Foods" ay mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Importante ito para sa normal na takbo ng ating katawan.


Ang sikreto ay ang tamang portion o dami ng kain ng mga ito. Kumain ng mas madalas sa mas maliliit na portion o dami. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang panirang "cravings" o yung biglaang napaparami ng kain. Ito ay natural lang na mangyari kapag na-de-deprive ang iyong katawan ng pagkaing kailangan nito.


Fad Diet #5: Mag-skip ng meals o palitan ito ng special drinks o

food bars.

Facts: Hindi maganda ang nalilipasan ng gutom.


Hindi epektibo ang pagliban ng agahan, tanghalian o maging hapunan dahil ang tendency ay mas lalo lamang dumarami ang kain sa susunod na kainan. Ang pagliban sa pagkain ay maaari ring magdulot ng kakulangan sa sustansya ng ating katawan. Isa pa, sayang din ang pagkakataong ma-enjoy ang meal kasama ng mga kapamilya o mga kaibigan.

Eat to live and don't live to eat. This cliché tells so much about our responsibility to achieve a good health. On certain occasions, we tend to forget that we eat in order to satisfy our needs and not our wants. Sometimes, we become impulsive that we forget to keep an eye on what we are introducing to our body.


It seems like we indulge instead of eating and we do not recognize that some types of food that we ingest can affect our health badly. Maybe we do not notice it now, but at the latter part, chronic illness such as cardiovascular disease is the price that we have to pay. So before it's too late, why don't we start choosing our plate. In other words, choose what we eat. To begin with, here are some basic yet very useful tips to guide you:

1. Eat more fruits and vegetables. Half of your plate should be fruits and vegetables especially dark-green, red and orange vegetables plus beans and peas. If possible, consume more fresh veggies and if canned, always choose the low-sodium.

2. Make 100% whole-grain breads, cereals, crackers, pasta and brown rice occupy one-fourth of your plate while the remaining part of your plate should contain varied protein choices such as seafood, nuts and beans, as well as lean meat, poultry and eggs.

3. Know your fats. Not all fats are bad for your health. Some are even beneficial that it can raise your good cholesterol levels. These fats are called monounsaturated fats (from canola, olive and peanut oils, and avocados) and polyunsaturated fats (from safflower, sesame, sunflower seeds, and many other nuts and seeds).

4. Know the proper serving size. A serving of meat (boneless, cooked weight) is two to three ounces, or roughly the size of the palm of your hand, a deck of cards, or an audiocassette size. A serving of chopped vegetables or fruit is 1/2 cup, or approximately half a baseball or a rounded handful. A serving of fresh fruit is one medium piece, or the size of a baseball.

5. Practice a clean living. This means that you have to omit both processed and fast food, refined grains and sugars and foods with high levels of bad fats. Replace these with local, fresh, organic fruit and vegetables, free-range and grass-fed meat and dairy, and nutrient-rich whole grains. Go natural!


Maraming mga nauusong fad diets na nakakatuksong sundin. Para hindi mabiktima ng mga ito, tandaan ang mga prinsipyong nabanggit. Maaari itong sumahin sa tatlong salita: BALANCE, VARIETY at MODERATION (o portion control).


Huwag maging padalos-dalos sa iyong pagdedesisyon. Pag-aralang mabuti ang mga balakin para hindi mapunta lamang sa wala ang mga pinagsikapan. "Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan" (Proverbs 21:5).

1 person likes this

About the author

Abigail Rose Labaddan-Princesa

Graduate of BS Community Nutrition at UP-Diliman in 2004 Registered Nutritionist-Dietitian since 2005 Dietetic Resident at UP-PGH in 2007 Nutritionist-Dietitian at the Nestle Wellness Center in 2007 Nutritionist-Dietitian at DOH Center for Health Development Region IV-B in 2010-1012 Volunteer with Agape Rural (Health) Program since 2005
Profession: Registered Nutritionist-Dietitian
Agape Rural (Health) Program
Office Address: Enero 21 Street Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan
Philippines , Palawan , Busuanga

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.