Hyperacidity o Sinisikmura, o sobra pagdighay: Ano Pinakamabisang Gamot? Lunas, sanhi, symptoms, treatment

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang hyperacidity o acid dyspepsia ay napaka-karaniwang dietary disorder na umaapekto sa humigit -kumulang 25% na tao sa Amerika kada taon. Ang hyperacidity ay mailalarawang disorder sa mga lungsod o bayan (tulad ng Metro Manila), kung saan ang eating habits ng mga tao ay irregular, o hindi kumakain sa tamang oras.


Ano ba ang hyperacidity?

Ang hyperacidity ay sanhi ng pagdami ng acid sa tiyan. Ang tiyan ay naglalabas ng hydrochloric acid na kailangan sa digestion (pantunaw) ng pagkain. Kapag ang tiyan ay naglalaman ng sobra-sobrang dami ng hydrochloric acid, tinatawag itong hyperacidity. Kung minsan, ang hyperacidity ay napagkakamalan lamang na simpleng sakit ng tiyan. Hindi ito karaniwang natutukoy sa mga bata ngunit ang maasim na pagdighay at aftertaste matapos kumain ng pagkain ay characteristic ng hyperacidity. Read more: Ano ang kabag?

Ano ang Sanhi o dahilan ng Hyperacidity?
Ang mga nangungunang medical factors (kadalahinan) ng hyperacidity ay ang sumusunod. Isa na ang stomach ulcers. Sumunod naman ang acid reflux disease kung saan ang hydrochloric acid sa tiyan ay bumabalik sa lalamunan. Dahil dito, tumataas ang level ng acidity ng tiyan. Kadalasang sanhi ng hyperacidity ang pagkain sa hindi tamang oras, nagpapalipas ng gutom at ang dehydration (kulang sa iniinom na tubig). Pwede ring ang sanhi ng sakit ay ang stomach cancers.Ang hyperacidity kung minsan ay dala ng stomach cancer, bagamat bihira. Kung ang hyperacidity mo ay tumagal ng higit sa dalawang linggo, mangyaring magpakonsulta kaagad sa doktor.
The factors causing hyperacidity range from lifestyle, eating habits, various underlying diseases, and administration of certain medications. These include regular consumption of foods that are spicy and high in fats, irregular eating habits, excessive fasting and starving, alcoholism and smoking, stress and related disorders, peptic ulcers, gastroesophageal reflux disease (GERD) and stomach cancer.

Ano ang nakakalubha sa hyperacidity?
Ang nagpapa-grabe sa hyperacidity ay ang sobrang pagkain ng matataba, maaanghang at maaalat. Iwasan rin ang sobrang pagkain ng maasim na pagkain na maaaring mataas ang acid content. Ang sumunod na trigger ay ang hindi sapat na exercise, pagtulog kaagad matapos kumain ng heavy meal, stress, sobrang pag-inom ng alcohol, paninigarilyo at drug addiction, sobrang intake ng kape at aspirin.

Ano Senyales o Sintomas ng sinisikmura?
Ang sintomas ng hyperacidity ay ino-obserbahan ng ilang oras matapos kumain, kung saan ang pagkain ay natunaw na (digest) ngunit marami pa rin ang acid na nasa tiyan. Narito ang mga sintomas:
-Karaniwang hindi mapakali,
- Pakiramdam na gusto mong masuka at pagsusuka
- Maasim na lasa tuwing didighay,
- Paninigas ng tiyan, abdominal distention o bloating,
- Walang ganang kumain,
- Indigestion at
- Constipation.

Hyperacidity, also known as acid dyspepsia, is a common problem that can predispose a person to a more serious health problem including chronic indigestion and gastric ulcer. As the term implies, hyperacidity is characterized as an excessive secretion of gastric acid. Hence, the patient may experience sudden stomach pain, vomiting, loss of appetite, flatulence and heartburn. Aside from these, the patient may also show respiratory problems, coughing, chest pain, flatulence, bloating, pain in ears, gastroesophageal reflux and pain in muscular contraction. Lastly, inadequate weight and turning down of food are the symptoms of acidity among infants.

Komplikasyon
Ang ilang komplikasyon ng hyperacidity ay chronic gastritis, gastric ulcers at heartburn. Ang hyperacidity ay karaniwang madaling naaagapan. Ngunit kapag ang pasyente ay may anorexia (hindi kumakain, pagkawala ng gana kumain, nagdiyeta o nagpapayat), kailangan kumonsulta sa doctor, dahil nakakapaglala ito ng hyperacidity. Kung ang hyperacidity ay tumagal ng mahigit 2 weeks, ay dapat huwag mag-atubiling kumonsalta sa doktor.

Ano mabisang Gamot o Lunas sa Sinisikmura?
Ang hyperacidity ay natutukoy sa pamamagitan ng mga sintomas. Para sa karagdagan pang pagsusuri kung ano ang sanhi ng hyperacidity ay pwedeng magsagawa ang doktor ng endoscopy (may pinapasok ang doctor na tubo oendoscope mula sa bunganga pababa ng lalamunan papunta sa tiyan para makita sa monitor ang esophagus (lalamunan) at tiyan. Ang mga medikasyon tulad ng antacids (pang-neutralise ng acid sa tiyan) ay nagbibigay ng panandaliang lunas. Pwede ring gumamit ng H2-receptor blockers, at proton pump inhibitor para makontrol ang hyperacidity. Kung peptic ulcer ang dahilan, maaaring mag-advise ang doktor ng operasyon. Subalit ang pinakamabisang pang-kontrol at lunas sa hyperacidity ay ang lifestyle changes, o pagkain sa tamang oras at pagkain ng masusustanya.

To address and prevent the aggravation of the symptoms associated with hyperacidity, the patient should begin by changing his lifestyle. If the acidity is mild and occasional, you may need to avoid heavy meals (especially before sleeping), caffeine and fizzy drinks to help prevent hyperacidity. Foods such as peppermint, tomatoes, citrus fruit, chocolate and oily foods that irritate the esophagus and weaken the stomach sphincter should also be avoided. On the other hand, you may also use some home remedies which act as natural antacids. These include basil leaves, cinnamon, buttermilk and ginger.

To use basil leaves as a remedy to treat hyperacidity, simply eat some basil leaves thoroughly at the first sign of acid upset. You can also boil three to five basil leaves in a cup of water for 15 minutes and sweeten the basil tea with honey. Sip it frequently. On the other hand, if you prefer to use cinnamon, add half a teaspoon of cinnamon powder in a cup of water and boil it for a few minutes. For best results, drink this cinnamon tea two to three times a day.

Gamot na nakikita sa loob ng bahay, Home Remedies at Pangontra, Prevention o paano maiwasan?
Ang taong may hyperacidity ay kailangang tuluyan nang umiwas sa pagkain ng heavy food kung tawagin. Importante ring magsagawa ng magaan na ehersisyo matapos kumain upang maburn ang ilang calories. Pwede ring mag-brisk-walking. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay dapat na ring iwasan. Kung kumakain, wala dapat ibang iniisip tulad ng masasamang alalala, dahil maaaring makasama rin ito at maging sanhi ng hyperacidity. Iniiwasan ng mga may hyperacidity ang mga maaalat, matatataba, maaasim o maaanghang na pagkain. Ang mga pagkain ay dapat lutuing mabuti ngunit hindi dapat overcooked upang madaling matunaw ng tiyan.

References:
National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2014, November). Diagnosis of GER and GERD. Retrieved from: https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/acid-reflux-ger-gerd-adults/diagnosis
U.S. Food and Drug Administration. (2018, March 5). Over the counter heartburn treatment. Retrieved from: https://www.fda.gov/drugs/resourcesforyou/consumers/ucm511944.htm


Read more: Ano mabisang gamot sa kabag?

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Liezel Fernandez
is in the Philippines
dok palagi po ako nalilipasan ng gutom. sumakit yung tyan ko na parang nangangasim at sinuka ko lahat ng kinain ko. Nung pumunta ako sa dr. ang diagnosed sakin acid peptic disease? ano po ba yun, ulcer na o hyperacidity? pinainom nya ko ng proton pump inhibitors for 2 weeks. after ko kumain 2 to 3 hrs. sasakit na nmn sikmura ko.
May Gablinez
is in United States
I'm not a doctor. bawal ka kumain ng spicy food tsaka oily food. try drinking buko juice, 1/2 - 1 glass before meal para buffer sa stomach linings mo. You vitamin C should not be acidic
Liezel Fernandez
is in the Philippines
Hi po Ms. May, pero may ulcer po ba yun? thankyou po. Godbless.
May Gablinez
is in United States
peptic disease is an ulcer sa lining ng stomach mo
Liezel Fernandez
is in the Philippines
Thankyou po sa pag sagot. Malala po ba ung ganun? gaano ba usually katagal yung gamutan ng may ulcer Ms. May? Panghabang buhay napo ba yung ganun? Godbless po.
ako halos 5months ng ganito laging dumidighay paminsan minsan nasusuka ako at masim ang labas nito nag pa kunsulta ako nun sa doktor binigyan ako ng gamot nag pa ultra sound ako ngunit wala rin. wala po ako idea kundi gawin ngayon ang mga tamang pag kain.
Jane Lee
is in the Philippines
Tanong ko lang po, epekto po ba ng acid sa katawan yung parang ang bigat at ang tigas ng tiyan ko? Yung kahit uminom lang ako ng tubig parang busog na busog na ako. Pakisagot po, thanks.
Jovie Torres
is a Customer Service Representative in the Philippines
Magandang umaga po. Itanong ko lang sana po,nakakaramdam po kasi ako ng parang ang bagal ng panunaw ko tapos mabigat pakiramdam ng tyan ko, tapos sa gabi po kapag nakahiga ako kumikirot pero hindi naman sobrang makirot po, tapos lilipat lipat yung kirot na yun. For more than 2weeks ko na pong nararamdaman yun. Sana po mabigyan nyo ako ng kasagutan, maraming salamat po. Godbless!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi po. 16yrs old lang po ako at medyo madalas akong kumain ng wala sa oras at minsan po eh inaabutan ako ng sobrang gutom.
Ngayon po eh laging matigas ang tiyan ko. Sa umaga po maliit pa ang tiyan kk at hindi matigas. Pero after kong uminom ng tubig or kumain eh bigla nalang itong tumitigas at hanggang pagtulog ko matigas na po tiyan ko.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi po Doc.Im 3 months pregnant now.Nagkaron ako ng hyperacidity ngaun kasi sa first month ko suka lang ako ng suka kaya sbi ng OB ko nagasgasan daw bituka ko.Niresetahan nya ako Ranitidine for 2 weeks.Pero may time po humahapdi pa din sikmura ko.Tapos sobra sobra sa pagdighay.Salamat na lang at may natutunan ako sayo
na kung ano ang bawal at home
remedies.Matanong ko lang po kung related po sa hyperacidity ang paglalaway.Maya't maya ko kasi nararamdaman na gusto kong dumura.If hindi po related ano po kayang dahilan at pwedeng gawin para mawala?Maraming Salamat po at Godbless!
Yvette Javier
is in Japan
Hello po! Ask ko lng po kasi po ako ang nrramdamanko pag ktapos ko kumain pra po di bumababa ang knain ko pra ho nkabara lng s dibdib ko, kaya ho ang gnagawa ko lagi ako dumidighay khit hindi ako nppadighay pra makaginhawa po ako,pero mya lng ganun n nman sya kya ho naari lng ayaw ko ng kmain kasi ho oras na kumain ako ganun lagi narramdaman ko, Nagtry n din ho ako ng gamot sa heartburn yung pump inhibitor, makkaginhawa ho ako pero sandali lng, bumabalik din ho, ano ho kaya ang pde kng gawin o inumin pra ho mawala n eto 3 weeks ko n ho eto nrramdaman.
Lily June Garcia
is a Registered Nurse in United Arab Emirates
Hi Miss Yvette, nurse po ako, possible po siguro na yung kinakain niyo po ay madalas "gas-forming". Subukan niyo pong iwasan yung mga pagkain tulad ng: cabbage, potato, kamote, beans, softdrinks. Subukan mo rin na tumayo pagkatapos mong kumain para matulungan ng gravity na maibaba yung food mo sa tiyan, iwasan ang paghiga after meal. Tapos mag exercise ka kahit mga 10-15 minutes per day kasi nakakatulong ito sa digestion mo. Kung hindi parin marelieve sa mga nasuggest ko, magpakunsulta kana sa gastroenterologist o specialista sa tiyan para sa prompt na lunas. Good day.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Dok help nmn po, pag umaga po kasi or pagkagising palagi po para akong nasusuka mnsan nmn po nasusuka n tlga ko pakiramdam ko po na parang maasim sikmura q, kapag sinisikmura naman po ay tumatagal ng isang linggo n wala ako gana kumain, 21 napo ako, bata palang po ay pinapainum po ako ng nanay ko ng pinakuluan na dahon ng bayabas, para bumuti ang lagay ng sikmura parang epektibo naman po, ok lang po ba un hndi po ksi ako nakakapagkonsulta sa doktor e, anno pong masasabi nyo?
Lily June Garcia
is a Registered Nurse in United Arab Emirates
Hello po anonymous 3, may mga studies naman po sa pag gamit ng bayabas na useful sa pagtreat at pagpapaginhawa ng ulcer sa tiyan kasi may component yung bayabas na effective sa wound healing. Pero mas mainam parin na mkapagpakunsulta ka sa espesyalista para mtreat yung ulcer mo. Pwede mong e try na kumain ng crackers ng mas madalas para hindi mawalan ng laman yung tiyan mo. pwede ka rin kumain ng small frequent meals for the same purpose. iwasan mo yung mga spicy food kasi nakakairita ito ng lining ng tiyan mo. Iwasan rin ang pag inom ng alak, kape at iba pang acidic na mga inumin tulad ng juice, wag ka ring manigarilyo dahil nkapagdaragdag ng acidity sa tiyan mo ang mga ito.
Gladies Atienza
is a Supervisor in Qatar
Hinge lang po ako ng advice. Almost 2 months ko na po nararanasan ang pagsakit ng sikmura ko tuwing madaling araw (1am till 4am) kasabay nya sakit ng likod at nde mawawala ang sakit hanggat nde ako sumusuka. May nag suggest sa akin mabisa ang Maalox 20mg. Nag take ako pero still same pa din. Iniwasan ko na din mga bawal na pagkain. Kalimitan lang tlga late ako mag dinner kasi 8pm ang out from work. By 9pm na ako nakakapag dinner. Then wait ng 2 to 3 hrs bago matulog. Kaya by 1am nagigising na ako dahil nasakit na sya. Nagpa check up na din ako last month and Doctor's advice to take Lansoprazole 30mg for 1 month and the pain will subside. Any advice or effective medications or suggestions guys? Thanks a lot.
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Ms. Gladies! Ang naprescribe pong gamot sa inyo ay Lansoprazole na ginagamit sa paggamot sa mga ulcers, gastroesophageal reflux disease at ZE disease. Ito po ay isang proton pump inhibitor na nagbloblock po sa pagproduce ng acid sa stomach at kapag napigilan po ito ay mas madali n para sa stomach at esophagus na gumaling. Maaring side effects sa paginom nito ang pagtatae, naduduwal o nagsusuka, constipation, rash at pananakit ng ulo. Maaari rin ang pagkahilo, nerbyos, irregular heartbeat, muscle pain, panghihina, leg cramps at water retention. Subukan mong kumain ng mga pagkaing rich in flavonoids gaya ng legumes, soybeans, broccoli, apples at green tea dahil ang flavonoids ay pumoprotekta sa lining ng stomach para magheal ang mga ulcer. Magtake ka rin ng rich in probiotics na pagkain gaya ng yoghurt. Kung wala kang diabetes ay mainam rin ang honey dahil ito ay may antibacterial effect na pinipigilan ang pagdami ng H. pylori, ang bacteria na nagiging sanhi ng ulcers. Subukan mo rin ang mga whole grain foods at polyphenol rich foods na nakakatulong rin sa pagpigil at paggaling ng ulcers gaya ng dark chocolate, blueberries at black olives. Kung patuloy pa rin ang pananakit ng iyong sikmura sa kabila ng iniinom mong gamot ay makabubuti siguro na mag follow-up check-up ka sa iyong doctor.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.