Liver Cirrhosis, sirosis, sakit sa atay: Sanhi, sintomas, gamot, lunas, symptoms

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ano ang liver cirrhosis o siroris?


Ang liver cirrhosis ay komplikasyon sa atay na linalarawan ng pagkawala ng liver cells at hindi na maaagapan pang pagkasugat o pag-scarring ng atay. Kabilang na ang alcohol, ang iba pang sakit na dahilan ng liver cirrhosis ay nag-iinjure at pumapatay sa liver cells, matapos ang kaganapang ito, ang liver ay hinihilom ang kanyang mga sugat at ang resulta ay scar tissue formation. Ang liver cells na hindi naman namatay ay pinupunan ang nawalang mga cells sa pamamagitan ng pagpapadami pa nila sa kanilang mga sarili. At ito ay nagreresulta ng newly-formed liver cells “regenerative nodules” kung tawagin na nasa loob ng scar tissue.



Ano sanhi, dahilan o causes?


Marami ang sanhi ng liver cirrhosis. Kabilang dito ang chemicals tulad ng alcohol, taba, at ilang medikasyon, viruses, nakalalasong chemicals tulad ng iron at copper na nag-aaccumulate sa atay dahil sa resulta ng ilang genetic diseases, at autoimmune liver diseases na kung saan ay ang cells mismo ng katawan ang sumisira ng kanyang atay.

The causes attributed to the development of liver cirrhosis vary widely from poor lifestyle to specific types of infection. Some of the known causes of liver cirrhosis are chronic alcoholism, viral infections caused by chronic viral hepatitis (types B, C and D), metabolic diseases such as alpha-1-antitrypsin deficiency, galactosemia and glycogen storage disorders, inherited diseases such as Wilson disease and hemochromatosis, biliary cirrhosis resulting from diseases such as primary biliary cirrhosis (PBC) and primary sclerosing cholangitis (PSC), toxic hepatitis caused by severe reactions to prescribed drugs or prolonged exposure to environmental toxins and repeated bouts of heart failure with liver congestion.

However, even babies can have liver cirrhosis due to a congenital anomaly called biliary atresia which is described as a condition caused by absent or injured bile ducts. These babies are jaundiced after their first month of life due to a build-up of bile in the liver.


Bakit nagdadala ng Problema ang Liver Cirrhosis?


Ang atay ay napaka-importanteng organ sa ating katawan. Ito ay gumagawa ng mga kritikal na trabaho, dalawa na dito ang pag-produce ng substances na kailangan ng katawan, halimbawa ay paggawa ng clotting proteins na importante para ang dugo ay mag-clot, at ang isa pa ay ang pag-remove nito ng toxic substances na maaaring makasama sa katawan, halimbawa na dito ang bawal na gamot. Ang atay rin ang responsible sa pag-regulate ng supply ng glucose o sugar, lipids o taba, na ginagamit ng katawan para gumana ito. Upang magampanan ang mga responsibilidad na ito, kailangang mag-funtion ang liver cells nang normal. Ngunit sa cirrhosis, dahil mayroong pagkasira ng liver cells, hindi nagagampanan ng atay ang kanyang mga gawain nang mabuti. Ilan sa resulta nito ay ang hindi paglabas ng mabuti ng mga toxic substances sa katawan, ang hindi wastong pagka-gamit o produce ng taba.


Ano mga Sintomas (Symptoms) ng sirosis o sakit sa atay? Signs, symptoms


Karaniwan sa mga may live cirrhosis ay may kaunti o kung minsan ay walang sintomas na nararamdaman. Ngunit ang mga common sa sintomas ay ang pagkukulay yellow ng balat dahil sa accumulation ng bilirubin sa dugo, panghihina, madaling pagkapuyat, walang ganang kumain, pangangati, madaling pagkasugat at pagdurugo dahil sa kaunti na lamang na nagagawang clotting factors sa dugo, accumulation ng tubig sa tiyan, pakiramdam na nasusuka, pagkawala ng timbang.

Liver cirrhosis is a complication of several liver diseases that leads to an abnormal structure and function. Some of the symptoms may be non-specific which means that the manifestations may not pertain to a liver disease. These include yellowing of the skin (jaundice) due to the accumulation of bilirubin in the blood, fatigue, weakness, loss of appetite, itching and easy bruising from decreased production of blood clotting factors by the diseased liver.


Komplikasyon


Kapag hindi naagapan nang maaga ang liver cirrhosis, maaari itong magdala ng komplikasyon tulad ng edema at acites – ang pagkakaroon ng tubig saw ala sanang mga tubig na parte ng katawan tulad ng tiyan at mga paa. Ang Spontaneous bacterial peritonitis ay isa ring komplikasyon kung saan nagkakaroon ng infection ang tiyan. Meron ring high blood pressure sa atay dahil hindi na maganda ang blood flow dito. Madaling nagkakasugat ang pasyente, may malnutrisyon, hepatic encephalopathy na kung saan napakaraming toxins sa dugo na nagdudulot ng pagkalimot sa sarili at nahihirapang magconcentrate. Isa pa sa komplikasyon ay ang mataas na posibilidad na magkaroon ng liver cancer.


Lunas, gamot o cures


Ang paglunas sa cirrhosis ay nagdedepende sa sanhi at extent ng liver damage. Ang mga layunin ng gamutan ay ang pagpapabagal sa pag-progress ng scar tissue at i-prevent o lunasan ang mga komplikasyon. Narito ang ilan sa mga hakbang upang malunasan ang sanhi ng liver cirrhosis. Lunasan ang alcohol dependency. Marami ang nahihirapan sa pagtigil sa pag-inom ng alchol kung kaya naman mayroong mga rehabilitation programs upang matugunan ito. Para sa liver cirrhosis na ang dahilan ay hepatitis, may mga gamot para sa viruses na kailangang inumin. Para sa mga may ascites at edema, kailangan ng mga gamot para sa mabawasan ang tubig sa katawan. Para sa mayroong mataas na blood pressure, kailangan ng gamot para sa BP, antibiotics naman para sa infection at mga gamot para hindi na mag-build-up ang toxins sa katawan. Maaari ring magpa-liver transplant ngunit may kamahalan.

Treatment goals for liver cirrhosis are focused on treating the underlying cause and possible complications. The first step in managing liver cirrhosis is to eliminate whatever causes the disease. Patients with liver cirrhosis should be advised to stop drinking and if in severe cases that the patient is diagnosed with alcohol dependency and addiction, specific treatment program should be implemented. On the other hand, if fatty liver is the root cause, weight management should be one of the primary goals. Lastly, medications and procedures to eliminate underlying cause and manage complications (e.g. ascites, edema, portal hypertension) should be administered strictly and done as prescribed.


Home Remedies at Prevention o paano maiwasan


Kung mayroon ka ng liver cirrhosis, dapat hindi na dagdagan pa ang damage sa atay sa pamamagitan ng paghinto sa pag-inom ng alcohol, pagkain ng mga pagkain na mababa sa asin, kumain ng masusustansyang pagkain, protektahan ang katawan laban sa sakit upang hindi magka-infection, at huwag basta-bastang uminom ng gamot na hindi bigay ng doktor. Ang malusog na pamumuhay pa rin ang mabisang panlaban sa liver cirrhosis.



About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po ibig sabihin ng binge drinking?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang paginom ng sobra o ng walong shots sa mga kalalakihan at anim na shots sa mga kababaihan ay masasabing binge drinking. Ang binge drinking ay ang paginom ng sobra sa isang session o isang gabi lamang. Ang paginom ng sobra sa isang gabi ay mabilis na nakakapagtaas ng alcohol level sa iyong dugo. Maaaring magdulot ito ng pagkalasing at pagiging pabaya sa mga ugali o kilos. Bihirang mangyari na mawalan ng hininga o huminto ang pagtibok ng iyong puso dahil sa paginom ng sobra. Ang paginom ng walong shots ng mga kalalakihan at anim na shots ng mga kababaihan sa isang araw ay masasabing binge drinking. Ito ay doble sa rekomendasyon na maaaring inumin sa isang araw na tatlo hanggang apat na shots lamang sa kalalakihan at dalawa hanggang tatlong shots sa isang araw sa mga kababaihan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kapag po ba meron akong liver cirrhosis at patuloy pa rin ang aking paginom ng alak, maaari po ba akong magkaroon ng liver transplant?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kadalasan hindi ipinapayo na magkaroon ng liver transplant kung patuloy pa rin ang iyong paginom ng alak. Ang liver transplant ay isang major operation upang alisin ang sirang atay at upang mapalitan ito ng malusog na atay na manggagaling sa isang donor. Maaaring magkaroon ng liver transplant pagkalipas ng panahon ng abstinence o hindi paginom na kadalasan sa loob ng anim na buwan. Kung ipagpapatulog moa ng iyong paginom ng alak, hindi posibleng magkaroon ng liver transplant. Kung magkakaroon ka ng liver transplant, ikaw ay inaaasahan tumigil sa paginom sa habambuhay. Ang paginom ng alak ay maaaring makasira din sa abago mong atay. Kadalasan may ipinapapirma na kasulatan o agreement na hindi ka na iinom ng alak pagkatapos ng iyong liver transplant at magkakaroon ka ng kooperasyon sa iyong follow-up check-up. Kasama rito ang pagkakaroon ng blood tests na ginagamit sa pagchecheck kung hindi ka uminom ng alak.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
,.,. doc , ask ko lang po,. nakakhawa po ba ang cirrhosis? at sa panong paraan po?., thanks po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron daw po akong alcohol-induced cirrhosis at nahihirapan akong tumigil sa paginom ng alak, paano ko po ba matutulungan sarili ko?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
May mga professional at mga support groups na maaaring makapagbigay ng tulong na iyong kailangan. Kung mayroon kang alcohol-induced cirrhosis, mahalagang tigilan na ang paginom ng alak upang mabawasan ang lalo pang pagkasira ng iyong atay. Kung nahihirapan kang itigil ang paginom, mas maiging kausapin mo ang iyong doktor. Sa pamamagitan nang pakikipagusap sa iyong doktor, maaaring mabigyan pansin ang iba pang mga problema na iyong pinagdadaanan tulad ng pagaalala o anxiety at depression. Maaaring magbigay ng mga rekomendasyon ang iyong doktor tungkol sa mga support groups gaya ng Alcoholics Anonymous. Kung nawawalan ka ng pagasa, ang mga grupong ito ay maaaring makatulong sa iyo. Nagbibigay sila ng tulong upang maiwasan ang iyong pagkalulong sa alak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang personal na karanasan at payo kasama ang iba nalulong din sa paginom. Maaari ding makatulong ang pakikipagusap sa iyong pamilya at mga kaibigan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Anong mangyayari kung mayroon po akong cirrhosis dahil sa paginum ng alak, at patuloy parin ako sa paginom?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung may alcohol-induced cirrhosis (cirrhosis dahil sa paginom ng alak) ka na at patuloy pa rin ang iyong paginom ng alak, ang iyong kundisyon ay magpapatuloy din sa paglala at ito ay nakamamatay. Kung nadiagnose ka ng alcohol-induced cirrhosis, ang ibig sabihin nito ay ang iyong liver o atay ay maaaring nasira ng lubha. Ang iyong atay ay hindi na maibabalik sa dating normal na kundisyon kung ito ay naapektuhan ng lubos, pero maaaring kang makatulong sa pagiwas ng paglala ng sira kung hindi ka na iinom ng alak. Kung mayroon kang cirrhosis at tumigil ka sa paginom ng alak, maaaring dumoble ang tyansa na ikaw ay mabubuhay. Pero kung patuloy pa ang iyong paginom ng alak, magiging dahilan ito nang patulot na pagkasira ng iyong atay at mababawasan ang tyansa mong mabuhay.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sir ako po nakakaramdam ng pananakit ng sikmura pang 3days na po ito'.. puro dighay lang lumalabas ng bunganga ko pero naman ako mautot.. medjo masakit un kaliwang taas ng tiyan ko pag sinusundot ko ng daliri ko un tiyan ko pataas sa loob ng ribs ko dighay ako ng dighay'.. anu po ba mapapayo nyo sa nararamdaman ko sir? Please advise.

Thanks.
Jonalyn Dimaculangan
is in the Philippines
Ano pong klaseng doktor and pwedeng lapitan pra mgpcheck up kung my hepa b??reply po asap..thanks
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Hi Jonalyn,

Ang mga Doctor na nagspecialize sa paggamot ng hepatitis B ay ang mga sumusunod:

-Doctors who treat digestive diseases (gastroenterologists)
-Doctors who treat liver diseases (hepatologists)
-Doctors who treat infectious diseases.
Kaithe Wenceslao
is in the Philippines
May tito po akong may sakit sa atay. May bukol po ang kanyang atay 12 by something po hindi kopo alam ang exact na laki. Doc, ito po yung mga symptoms ng sakit niya, pamamaga ng binti, malnutrisyon na dati ay mataba siya. May parang namumuong dugo sa kanyang mga paa at panay sakit ng kanyang lowe back at hilab ng tiyan. Nakakatatlong doctor na po siya ni isa sa kanila hindi alam ang sakit ng ito ko. Nagresearch lang po ako kasi gusto kong matulungan ang aking tito. At ilan sa mga symptoms ng cirrhosis at meron siya, hindi ko po kiniclaim na yun nga pero sana po matulungan niyo ako. Naniniwala po akong mapapagaling niyo siya at ni God. Thanks and Godbless po. Hope for your response. ASAP!
Kaithe Wenceslao
is in the Philippines
Good day po, i dont know po kung ganito talaga yung sakit ng tito ko kasi 3 doctor na po yung napuntahan niya at hindi alam ang sakit at the same time ayaw din po siyang iconfine. Kaya po nagresearch po ako kung ano yung sakit ng tito ko. Ilan po sa mga symptoms ng sakit niya eh pamamaga ng binti, malnutrisyon na dati sobrang payat. May parang namumuong dugo sa paa niya. Panay kirot nung lower back niya at yung paghilab ng tiyan niya im not sure kung yung atay yung nasakit. Almost 12 by something na po yung bukol ng atay niya. Naniniwala po ako kay God at sa tulong niyo na magagamot niyo ang tito ko. Thanks po and Godbless. Hope for your response. ASAP!
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.