Medisinang Herbal na Aprobado ng Department of Health: Erbal gamot, medicine traditional approved

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang tradisyonal at alternatibong medisina / Ang tradisyonal ug alternatibo nga tambal

Ang tradisyonal na medisina ay ginagamit mula pa noong unang mga panahon sa bawat kultura sa buong mundo at parte na ng bawat pag-unlad ng tao sa kanyang pamumuhay.

Ang kapanganakan ng tradisyonal na medisina sa Pilipinas ay nakakamanghang pag-aralan na naiimpluwensyahan ng relihiyon, mahika, pamahiin, at marami pang iba.

Herbal medicines are found to be effective in managing various medical conditions. Its efficacy has been proven by several clinical trials and research studies. Some patients prefer to go the natural way instead of taking commercially prepared medicines because of less side-effects associated with it. Aside from this, some of these herbal remedies are readily available at home or if not, it can be bought in the market at a very affordable price. Moreover, some of the herbs that are known to have medicinal properties can be grown at home, which are thought to have the best quality and potency.

Mayroong naunang mga tradisyonal na medisina o gayuma na ginagamit ng mga hilot, albularyo, mediko at faith healers. Dahil sa malalim na pinagmulan ng tradisyonal na medisina ay tinagurian ng nakalipas na Department of Health Secretary ang Traditional Medicine Program. Buhat dito ay nabuo ang 10 mga medisinal na mga halaman (erbal) na aprubado ng DOH: Sila ang mga sumusunod:


1. Akapulko (Cassia alata) – tinatawag ring “bayabas-bayabasan” ay isang medisinal na halaman na gumagamot sa impeksyon mula sa “tinea”, mga kagat ng insekto, ringworms, scabies at pangangati at mga impeksyon mula sa fungi.


2. Ampalaya (Momordica charantia) – sa Ingles ay “bitter gourd o bitter melon” ay tinaguriang nakakagamot sa diabetes mellitus, para sa mga pasyenteng hindi umaasa sa insulin.


3. Bawang (Allium sativum) – ay pangunahing nagbabawas sa kolesterol na nasa dugo at kaya naman nakakatulong ito sa pagkontrol ng blood pressure.


4. Bayabas (Psidium guajava) – ay ginagamit bilang panlinis sa sugat, para rin ito sa pamamaga, anti-allergy, anti-ubo. Maaari rin itong gamitin bilang panlinis sa bunganga upang malunasan ang pagkasira ng impeksyon at impeksyon sa gilagid.


5. Lagundi (Vitex negundo) – ay ginagamit para lunasan ang ubo, sipon at lagnat pati na rin ang hika.


6. Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.) – ay isang gumagapang na halaman na ginagamit upang mapalabas sa katawan ang mga infestasyon ng parasitiko sa tiyan.


7. Sambong (Blumea balsamafera) – ay isang pampaihi na tumutulong sa pagpapalabas ng bato sa kidney. Maaari rin itong gamitin kapag may “edema” ang parte ng katawan o iyong nagkakaroon ng tubig ang isang parte ng katawan partikular na ang mga paa.


8. Tsaang-gubat (Ehretia microphylla Lam.) – ay iniinom na parang tsaa at ginagamit upang gamutin ang mga sakit sa balat tulad ng eczema, scabies, at pangangati ng sugat matapos manganak. Maigi rin ito sa magandang paggalaw ng tiyan at ginagamit rin na panglinis sa bunganga dahil ang dahon nito ay may mataas na antas ng fluoride.


9. Ulasimang bato/Pansit-pansitan (Peperomia pellucida) – Ito ay epektibo sa paglaban sa arthritis at gout. Ang mga dahon ay maaaring kaining hilaw (mga kasing-dami ng isang tasa) at gawing salad o tsaa. Para sa isang preparasyon, maglaga ng isang tasa ng hiniwa-hiwang mga dahon at pakuluan sa dalawang tasa ng tubig. Pakuluan ng 15 hanggang 20 minuto. Salain, palamigin at inumin matapos kumain (tatlong beses sa isang araw).


10. Yerba Buena (Clinopodium douglasi) – kilala sa tawag na “peppermint”, ay gumagapang na halaman na ginagamit na lunas para sa mga kirot upang malunasan ang pananakit ng katawan. Ito ay maaaring inumin bilang “decoction” o pinakuluan kasama ang tubig o kaya’y pwedeng ipahid ang dinurog na dahon at ilapat sa mga apektadong parte ng katawan.


Mga payo sa paggamit ng mga herbal na medisina / Mga tambag kung unsaon paggamit ang mga herbal nga tanom

Kung posible, bumili ng mga halamang herbal na pinalaking walang pesticides. Ang mga medisinal na parte ng mga halaman ay pinakamaiging anihin sa mga umagang maaaraw. Iwasang kumuha ng mga dahon o prutas matapos ang mabigat na ulan. Ang mga dahon, prutas o bulaklak ay dapat wastong gulang na bago anihin. Ang mga batang parte kasi ay mas kaunti ang nilalamang medisinal na mga bagay. Matapos anihin, kung kinakailangang patuyuin, pinapayuhan ka na patuyuin ang parte ng halaman sa oven o ipatuyo sa pamamagitan lamang ng hangin sa mga screens. Imbakin ang mga parte ng halaman sa nakaselyong plastic na lalagyan o maiitim na mga botelya at ilagay sa malamig at tuyong lugar na walang sinag ng araw at kung maaari ay may bagay na nakakasipsip ng halumigmig tulad ng uling. Ang mga dahon at iba pang parte ng halaman ay tumatagal ng anim na buwan ang buhay kapag wasto ang pagkakahanda, maiging napatuyo at naimbak.


One of the most common homegrown herbal remedies is Coriandrum sativum or cilantro, which is known to have a powerful digestive aid and cleansing agent capable of removing heavy metals and other toxic agents from the body, as noted in Phytotherapy Research. Aside from this, Lavandula or lavender is not only famous for its sweet perfume, but also with its medical benefits as a nervine and a mild antidepressant. University of Maryland Medical Center suggests adding it to your bath to alleviate stress, tension, and insomnia. It's also used in creams to treat sunburns and acne.

Aside from the herbs mentioned above, there are also other fruits and vegetables known to bring desirable results to patients with chronic illnesses. One of these is bitter melon or bitter gourd. This herbal medicine has been found to be effective in the treatment of diabetes (diabetes mellitus), hemorrhoids, coughs, burns and scalds, and being studied for anti-cancer properties. On the other hand, garlic is beneficial in treating infection with its antibacterial, anti-inflammatory, anti-cancer and anti-hypertensive properties. It is also known to reduce cholesterol level in blood.


Lastly, as how the cliché 'prevention is better than cure' goes on, going natural and taking a considerable amount of various herbs, can help reduce the risk of developing certain illnesses. In fact, in a research review published in the American Journal of Clinical Nutrition, high consumption of garlic lowered rates of ovarian, colorectal, and other cancers. Moreover, according to a small clinical trial conducted by the Johns Hopkins University School of Medicine, curcumin found in turmeric can help shrink precancerous lesions known as colon polyps, when taken with a small amount of quercetin, a powerful antioxidant found in onions, apples, and cabbage.


About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)