maraming maraming salamat po Sir, ito po ay nagsimula isang taon na po ang nakakalipas mula ng tumigil ako manigarilyo. yung mga sinasabi ko po ay yung pagmumumog ng tubig na may asin, paglalagay ng asin direkta sa singaw , sinubukan ko rin po yung paglalagay ng tawas direkta sa singaw, pagkain ng yogurt. wala namang epekto.. nagmumumog po ako ng ORAHEX mouth wash ngayon.. ibat iba nga po ang klase ng toothpaste na nagagamit ko arawaraw. sa bahay colgate na di mabula, tapos after lunch naman sa office yung medyo maanghang na mabula naman. Tinatanggap ko na lang talaga sa sarili ko na kakambal ko na itong mga singaw ko.. kaso ang laking epekto talaga sa araw araw na pamumuhay ko .. pagkain, pakikipaglaro sa mga anak, sa opisina at pagiging masaya.. kakapabunot ko lang po nung monday (march 27) sa totoo lang may mga singaw na rin ako nun .. mabuti nga at hindi sumakit yung bunot sakin.hindi nakisabay..