Are you? Moody Ka Ba? Narito ang Ilang Professional Nutrition Tips for moody people

Abigail Rose Labaddan-Princesa
is a Medical expert in the Philippines

Buhay OFW na ang makaranas na madaling ma-stress at maging moody. Dala na rin marahil ng abala sa trabaho at lungkot na malayo sa mga minamahal. Have you had any other symptoms or is this the only one? Perhaps there is an underlying trauma from your past? Is it something that just occurred a few years ago or have you been like this all your life? There are so many questions that need to be asked. When we are anxious or in pain we can be extremely short and angry. There are many different reasons to why you are the way you are - you just need to get to the bottom of it - resolve that and then you can work on your attitude and relationships with others.




Kaya para sa iyo ang listahan na ito ng “mood lifters” ayon sa nutrition experts:


1. Ugaliing kumain nang regular at sa katamtamang dami.


Ang pagkain nang regular ay nakatutulong upang maiwasan ang biglaang pagbaba o pagtaas ng blood sugar na maaaring maging dahilan ng mood swings. Magandang planuhin ang kain. Kumain nang tatlo hanggang anim na beses sa isang araw na may kasamang mga miryenda sa pagitan sa bawat araw. Mainam na kumain nang madalas upang maiwasan ang pagkagutom na nagdudulot ng pagbagsak ng blood sugar. Gayon man, kumain lamang ng sapat sa bawat kain. Isipin mo na lang na may mamaya pa.


2. Limitahan ang simple sugars.


Kabilang sa mga simple sugars ang softdrinks, candy, cookies at iba pang pagkaing siksik sa asukal. Ang mga ito ay maaaring magbigay sa iyo ng agarang bulusok ng lakas, subalit biglang bagsak naman at fatigue ang pakiramdam pagkatapos.


3. Huwag kaligtaang kumain ng pagkaing mayaman sa protina.


Magandang kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina kagaya ng karne, isda, itlog, gatas, mani at beans upang matulungan kang maging alerto at produktibo sa mahaba-habang oras. Gayon man, piliin ang mga pagkaing di gaanong matataba.


4. Kumain ng pagkaing mayaman sa omega-3.


Ang mga pagkaing ito ay nakagaganda ng mood at posible pang makapawi ng depression. Mayaman sa omega-3 ang oily fish kagaya ng salmon, mackerel, tuna at sardinas. Mayroon din nito ang canola at olive oil, flax seeds, walnut at wheat germ.


5. Hanapin ang B12 and folate (folic acid).


Ayon sa mga scientist, ang mga bitaminang ito ay tumutulong sa ating katawang mag-produce ng neurotransmitter na serotonin—isang kilalang mood stabilizer. Mayaman nito ang shellfish, fortified cereal, oatmeal, wheat germ, atay, karne ng baka, itlog, gatas at madahong gulay.


6. Bawal ang kape.


Ang kape ay mayaman sa caffeine. Ang caffeine ay nakaka-adik. Ibig-sabihin, pataas nang pataas ang kinakailangan mong dami nito upang makuha mo yung pakiramdam na kailangan mo. Kung baga, hindi ka na makuntento sa dating isang tasa lang sa umaga. Maaaring gising at alerto ka nga sa maikling sandali ngunit bagsak din ang pakiramdam mo pagkatapos. Mahirap matanggal ang pagka-adik sa kape. Mahihirapan ka sa mga unang linggo. Dahil ito sa tinatawag na “withdrawal syndrome”. Konting tiyaga lang at malalampasan mo rin ito. Humanap ng ibang pampagising kagaya ng apple at saging. Pwede ka ring mag-decaf na lang.


7. Gumalaw-galaw.


Ito man ay formal session sa gym o simpleng paglalakad sa mall, pakikipaglaro sa mga bata, ang paggalaw ng ating katawan ay nakaka-boost ng mood at energy level.


8. Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.


Ang karaniwang adult ay nangangailangan ng 7-9 hours na tulog. Maaaring mas kaunti o mas mahaba rito ang kakailanganin mo. Basta ang mahalaga ay nakuha mo ang sapat na tulog at gawin itong consistent. Maaari ka ring mag “power naps” sa pagitan ng mga gawain mo sa maghapon.


9. Lumabas at lumanghap ng sariwang hangin.


Paminsan-minsan ay lumabas ka rin ng opisina, ospital, bahay o pabrikang pinagtatrabahuhan. Maganda ang sariwang hangin at sapat na sikat ng araw para sa ating isip at katawan.


10. Ngumiti.


Ayon sa mga research, ang simpleng pagngiti ay nag-a-activate ng “happiness centers” sa ating utak. Kaya kahit hindi mo feel, subukan mong ngumiti at matapos ang sapat na panahon, ngingiti na rin pati ang iyong kalooban at maeengganyo mo pa pati ang iba na ngumiti na rin.


The uniqueness of each individual's thought process, behavior and temperament is akin to the snowflake analogy. We just don't see duplication of the mind, even with identical twins.


Natural lang sa ating mga tao na makaranas ng pagka-moody paminsan-minsan. Maaari mong subukan ang mga nutrition tips na ito at iba pang mga gawaing nakapagpapasaya sa iyo. Gayon pa man, kung ikaw ay moody, magagalitin, palaging pagod at malungkutin sa mahaba-habang panahon, magandang kausapin mo ang iyong doctor. Maaaring may ibang medical condition na dapat i-consider.


A moody person may be going through a difficult stage in their lives; they may be exhausted, ill, chronically worried, or lacking what they need in terms of love, sleep, challenge, or security. Such people need to be listened to, supported, and cared for; and certainly clinical depression and other 'mood disorders' will entail mood extremes and fluctuations.


Mahalaga sa ating kalusugan ang magandang disposisyon sa buhay. Sabi nga, “Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti’y unit-unting namamatay” (Kawikaan 17:22).

1 person likes this

About the author

Abigail Rose Labaddan-Princesa

Graduate of BS Community Nutrition at UP-Diliman in 2004 Registered Nutritionist-Dietitian since 2005 Dietetic Resident at UP-PGH in 2007 Nutritionist-Dietitian at the Nestle Wellness Center in 2007 Nutritionist-Dietitian at DOH Center for Health Development Region IV-B in 2010-1012 Volunteer with Agape Rural (Health) Program since 2005
Profession: Registered Nutritionist-Dietitian
Agape Rural (Health) Program
Office Address: Enero 21 Street Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan
Philippines , Palawan , Busuanga

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.