Nabasa sa pahayagan pagkakaroon ng heart attack ang calcium supplements-Increased risk of heart disease

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nabasa ko po sa newspaper na nakakadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng heart attack ang calcium supplements. Dapat ba akong tumigil sa pag-inom nito?



Topic: Do calcium supplements increase risk of heart attack?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Mayroong ilang ebidensiya na ang calcium supplements ay nakakadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng heart attack sa mga babaeng nagmemenopause. Pero, dahil sa hindi pareho ang resulta ng ibang mga pag-aaral, kailangan pa ng karagdagang pagsasaliksik bago ito mapatunayan. Kapag pinayuhan ka ng doktor na uminom ng calcium supplements dahil mataas ang tsansa na meron kang osteoporosis, kausapin mo muna siya bago mo itigil ang pag-inom. Ang calcium supplements ay kadalasang iminumungkahi sa mga babaeng nagmemenopause para panatilihing matibay ng kanilang buto. Subalit, nakita sa isang panibagong pag-aaral na ang heart attack ay mas karaniwang nangyayari sa mga babeng umiinom ng calcium supplements kaysa sa mga babaeng uminom ng "placebo" na pills. Sa ngayon, hindi pa alam ng mga sayantipiko kung bakit ganito ang epekto ng calcium supplements, pero ang mataas na antas ng calcium ay pwedeng maipon sa mga blood vessels. Kaya lang, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral para maintindihan ang ugnayan ng calcium supplements at heart attack. Kapag iminungkahi sa iyo ng doktor na uminom ng calcium supplements, baka ito ay dahil sa iniisip niyang matas ang tsansa mong magka-osteoporosis. Sa ibang bansa, ang rekomendadong dami ng calcium sa katawan ay 700mg kada araw para sa mga matatanda at hanggang 1200mg kapag nalamang meron kang osteoporosis at umiinom ng nirisetang gamot. Kapag meron kang sapat na calcium galing sa iyong pagkain, maaaring hindi mo na kailanganin ang calcium supplements. Ang calcium na nakukuha mo sa iyong pagkain ay hindi lumilitaw na nagdudulot ng panganib ng heart attack. Palaging kausapin ang iyong doktor bago tumigil sa pag-inom ng kahit anong gamot o supplement na inirekomenda o niriseta para sayo. Importanteng tandaan na kahit anong panganib na konektado sa pag-inom ng calcium supplements ay dapat timbangin laban sa panganib ng osteoporosis at pagkabali ng mga buto kapag hindi ka uminom.
May Gablinez
is in United States
Check mo yung source ng food supplements mo baka di talaga calcium. baka extenders na nakakasama pala sa yo or allergic ka. Kailangan trusted yung compnay na pingabilhan mo

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.