Osteoporosis o marupok na buto: Sanhi, sintomas, lunas, gamot, symptoms, treatment

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang osteoporosis ay kondisyon ng mapurok na buto na mataas ang posibilidad na magka-fracture. Ang osteoporosis ay nagpapahina sa buto at nagiging mas madali itong ma-break. Ang bone mass o bone density ay bumababa pagkatapos ng edad na 35 na taon at ang bone loss ay mas bumibilis kapag nagmenopause na ang kababaihan. Ang mga key risk factors para sa osteoporosis ay genetics, kawalan ng ehersisyo, kakulangan ng calcium at vitamin D, pagkakaroon ng fracture, paninigarilyo, sobrang paginom ng alcohol, history ng rheumatoid arthritis, family history ng osteoporosis. Ang mga pasyenteng may osteoporosis ay karaniwang walang sintomas hanggang sa mangyaring magkaroon sila ng bone fracture.


Ano ba ang osteoporosis?

Ang osteoporosis ay nagsasanhi sa mga buto na maging mahina at mapurok – napakapurok na ang simpleng pagkahulog, o maliit na stress tulad ng pagyuko o ang pag-ubo ay nakakadulot ng fracture. Ang osteoporosis-related fractures ay karaniwang nagaganap sa bewang, kamay o spine. Ang buto ay isang living tissue na parating na-aabsorb at napapaliltan. Ang osteoporosis ay nagaganap kapag ang pagbuo ng bagong buto ay hindi nakakasabay sa pag-remove ng matandang mga buto. Ang osteoporosis ay umaapekta sa mga kababaihan at kalalakihan ng lahat ng lahi. Subalit ang puti at Asian na kababaihan – lalo na iyong dumaan na sa menopause – ay napakataas ang tsansang mag-menopause.


Sanhi

Ang buto ay nasa state ng constant renewal – isang bagong buto ang nabubuo at ang matandang buto ay pinapalitan. Kapag ikaw ay bata pa, ang katawan ay mas mabilis gumawa ng bagong buto kaysa mag-break ng matandang buto at ang bone mass ay tumataas. Marami sa mga tao ay nag-pepeak ang bone mass sa kanilang early 20s. Habang tumatanda ang tao, ang bone mass ay mass nawawala kaysa sa paggawa nito. Ang tsansa ng isang taong magka-osteoporosis au nagdedepende sa bone mass na iyong nakamit sa iyong kabataan. Ang mas mataas na bone mass, mas marami ang iyong bone mass na naka-bangko at mas maliit ang iyong tsansang magdevelop ng osteoporosis habang ikaw ay tumatanda.

The likelihood of developing osteoporosis depends partly on how much bone mass you have attained in your youth. This means that the more bone you have "in the bank" and the less likely you are to develop osteoporosis as you age. Moreover, certain risk factors can increase the chance for a person to develop osteoporosis. Some of these are gender, age, race, family history and body frame.


In connection to this, women are much more likely to develop osteoporosis than are men and the older you get, the greater your risk of osteoporosis. Moreover, you're at greatest risk of osteoporosis if you're white or of Asian descent and having a parent or sibling with osteoporosis puts you at greater risk, especially if your mother or father experienced a hip fracture. Lastly, men and women who have small body frames tend to have a higher risk because they may have less bone mass to draw from as they age.



Sintomas

Ang osteoporosis ay maaaring nandiyan ngunit hindi nagpapakita ng sintomas hanggang sa puntong magkaroon na ng bone fracture. Maaari ring magpakita ang sintomas kapag ang buto ay nanghina na nang mabuti dahil sa osteoporosis. Ang mga sintomas nito ay masakit na likuran na sanhi ng fractured o collapsed na vertebra, pagliit ng height paglipas ng mga taon, nakayukong postura, madaling pagkakaroon ng bone fracture. Kapag ikaw ay may early menopause, uminom ng corticosteroids ng maraming buwan, o may family history ng hip fractures, marapat na mapakonsulta na sa doktor.

As a person ages, he or she becomes prone to certain chronic and degenerative illnesses such osteoporosis which affects the bones. It means that you have bones that are thin and brittle with lots of holes inside them like a sponge. This makes them easy to break. Symptoms do not typically appear in the early stages of the disease but as it progresses, the patient may experience the manifestations of weakened bones. These include back pain. loss of height and stooped posture, a curved upper back (dowager's hump) and broken bones (fractures) that might occur with a minor injury, especially in the hip, spine and wrist. Moreover, compression fractures in the spine may also cause severe back pain. However, sometimes these fractures cause only minor symptoms or no symptoms at all.


Ano ang Lunas?

Para sa maraming kababaihan at kalalakihan, ang pinaka-karaniwang gamot para sa osteoporosis ay ang biphosphonates. Halimbawa nito ay ang Alendronate (Fosamax, Bonosto), Risedronate (Actonel, Altevia), Ibandronate (Boniva), Zoledonic acid (Reclast, Zometa). Mayroon itong side effects tulad ng pakiramdam ng pagsuka, pananakit ng tiyan, hirap sa paglunok. Mayroon itong injectable at oral na klase depende sa prescribed ng doktor para sa iyo. Mayroon ring hormone therapy na pwedeng gamitin ng mga kababaihan kapag sila ay nagmenopause na. Ito ay ang hormone na estrogen. Ito ay ginagamit upang mapanatili ang bone density. Subalit ang estrogen therapy ay maaaring mag-increase sa tsansa ng kababaihan na magka-blood clots, endometrial cancer, breast cancer at heart disease. Ang Raloxifene (Evista) ay ginagaya ang beneficial na epekto ng estrogen na walang dalang risks tulad ng sa estrogen hormone therapy. Hot flashes at increased na tsansa ng blood clots lamang ang side effects nito.


Treatment for osteoporosis typically includes education on diet/nutrition, activity and exercise and medications. The goal of osteoporosis treatment is to prevent fractures by administering medications to slow or stop bone resorption and to increase bone formation. Moreover, the patient should also be informed about the importance of proper and adequate calcium and vitamin D treatment. Lastly, the patient should also be advised to exercise daily to help maintain bone density and reduce the risk of falls.

Home Remedies at Prevention o paano maiwasan

Ang mga suhestiyon na ito ay maaaring makababa ng tsansang magdevelop ng osteoporosis tulad ng pagtigil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagtataas sa tsansa ng bone loss dahil marahil ay nagpapababa ito sa level ng estrogen sa katawan ng kababaihan at nagpapababa rin ito sa absorption ng calcium. Dapat ring uminom lamang ng sapat na alcohol. Ang pag-ubos ng alcohol nang sobra-sobra ay nagpapababa sa bone formation at nare-reduce rin sa pag-absorb ng calcium. At iwasan rin ang pagkahulog sa pamamagitan ng pagsusuot ng low-heeled shoes at non-slip soles. I-check ang bahay para sa mga electrical cords, rugs, at madudulas na surfaces. Panatiliing maliwanag ang bahay.Lahat ng mga ito ay dapat obserbahan upang makaiwas sa pagkahulog.



About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nabasa ko sa pahayagan na nakakadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng heart attack ang calcium supplements. Dapat po ba akong tumigil sa pag-inom nito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Mayroong ilang ebidensiya na ang calcium supplements ay nakakadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng heart attack sa mga babaeng nagmemenopause. Pero, dahil sa hindi pareho ang resulta ng ibang mga pag-aaral, kailangan pa ng karagdagang pagsasaliksik bago ito mapatunayan. Kapag pinayuhan ka ng doktor na uminom ng calcium supplements dahil mataas ang tsansa na meron kang osteoporosis, kausapin mo muna siya bago mo itigil ang pag-inom. Ang calcium supplements ay kadalasang iminumungkahi sa mga babaeng nagmemenopause para panatilihing matibay ng kanilang buto. Subalit, nakita sa isang panibagong pag-aaral na ang heart attack ay mas karaniwang nangyayari sa mga babeng umiinom ng calcium supplements kaysa sa mga babaeng uminom ng "placebo" na pills. Sa ngayon, hindi pa alam ng mga sayantipiko kung bakit ganito ang epekto ng calcium supplements, pero ang mataas na antas ng calcium ay pwedeng maipon sa mga blood vessels. Kaya lang, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral para maintindihan ang ugnayan ng calcium supplements at heart attack. Kapag iminungkahi sa iyo ng doktor na uminom ng calcium supplements, baka ito ay dahil sa iniisip niyang matas ang tsansa mong magka-osteoporosis. Sa ibang bansa, ang rekomendadong dami ng calcium sa katawan ay 700mg kada araw para sa mga matatanda at hanggang 1200mg kapag nalamang meron kang osteoporosis at umiinom ng nirisetang gamot. Kapag meron kang sapat na calcium galing sa iyong pagkain, maaaring hindi mo na kailanganin ang calcium supplements. Ang calcium na nakukuha mo sa iyong pagkain ay hindi lumilitaw na nagdudulot ng panganib ng heart attack. Palaging kausapin ang iyong doktor bago tumigil sa pag-inom ng kahit anong gamot o supplement na inirekomenda o niriseta para sayo. Importanteng tandaan na kahit anong panganib na konektado sa pag-inom ng calcium supplements ay dapat timbangin laban sa panganib ng osteoporosis at pagkabali ng mga buto kapag hindi ka uminom.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Bakit po hindi mabuting source ng calcium ang spinach?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kahit na mataas ang taglay na calcium ng spinach kompara sa ibang mga pagkain, ang calcium nito ay nakapaloob sa isang bagay na tinatawag na “oxalate”, kaya hindi ito naaabsorb ng katawan. Kaya kahit na mabuting source ng ibang bitamina at mineral ang spinach, hindi ito magandang source ng calcium. Ang taglay na calcium ng spinach ay mas mataas kompara sa ibang mga pagkain. Halimbawa, ang 100 g ng nilagang spinach ay nagtataglay ng 160 mg na calcium habang 75 mg lamang sa nilagang spring greens ng parehong timbang. Subalit, hindi tinuturing ang spinach bilang magandang source ng calcium dahil nakapaloob ang calcium nito sa bagay na tinatawag na “oxalate”, na pumipigil sa katawan para iabsorb ang calcium. Kung sinusubukan mong dagdagan ang dami ng calcium sa iyong diet, mayroon pang ibang mga pagkain na mataas ang taglay na calcium, tulad ng:
• Gatas at dairy products
• Isdang nakalata gaya ng sardinas
• Fortified breakfast cereal
• Soya beans na produkto gaya ng tofu
• Ibang berde at madahon na gulay
• Dried fruit
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano ko magagawan ng paraan ang pananakit mula sa nabaling buto sa aking likod dulot ng osteoporosis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga paraan upang mabawasan ang sakit dulot ng “osteoporotic fractures”. Importanteng malaman ang lahat ng pagpipilian hanggang sa mahanap mo yung makakatulong sayo. Halos kalahati ng lahat ng babae na merong osteoporosis ay mababalian ng buto. Mababalian din ng buto ang mga lalake dahil sa osteoporosis, pero halos anim na beses itong mas mangyayari kapag ikaw ay babae. Ang pinakakaraniwang bali dulot ng osteoporosis ay tinatawag na “osteoporotic vertebral compression fracture”. Nangyayari ito kapag ang pressure sa nanghinang mga buto sa gulugod (vertebrae) ay nagdudulot ng litak at pagkabali.
Pwede kang makaramdam o hindi ng agarang pananakit kapag nagkaroon ng bali. Pero, kapag nakaramdam ka ng sakit, maaaring maging napakasakit nito. Maaari ka ring makaramdam ng chronic pain kahit naghilom na ang iyong buto. Ang ibig sabihin ng chronic ay mananatili ito ng matagal na panahon, at minsan habangbuhay. Ang term na chronic ay tumutukoy sa tagal ng panahon na magkakaroon ka nito at hindi kung gaano ito kalala. Ang patuloy na pagdanas ng sakit matapos magkaroon ng bali ay maaaring makaapekto sa kalidad ng pamumuhay. Marahil ay magmumungkahi ang iyong doktor na subukan ang alinman sa over-the-counter o "stronger" prescription painkillers. Maari ka ring payuhang magpahinga. Subalit, kapag hindi nakatulong ang mga ito para mabawasan ang sakit, mayroon pang ilang bagay na dapat mabatid. Ilan sa mga ito ay nakalista sa ibaba.
• May ibang mga gamot tulad ng calcitonin na maaring makatulong kontrolin ang sakit.
• Maaari mo ring matuklasan na ang physiotherapy, hydrotherapy (pag-eehersisyo sa tubig), acupuncture, o paggamit ng TENS (transcutaneous electrical nerve simulation) machine ay nakakatulong mabawasan ang sakit.
Mahalagang bagay na tinutulungan ka ng iyong doktor sa paghahanap ng paraan na gagana sayo. Maaari ring kailanganin na ikonsulta ka sa isang specialist pain clinic.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sinabihan po ako ng doktor na kumain ng low-fat diet. Paano ako makakakuha ng sapat na calcium para mapigilan ang osteoporosis kung kailangan kong limitahan ang keso at gatas?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Pinakamainam ang pagkain ng ilang dairy foods araw-araw dahil mabuti itong "source" ng calcium. Maraming ang mga "low-fat dairy products" at kadalasang nagtataglay ng mas maraming calcium kompara sa mga "full-fat versions".
Pwede mong subukang lumipat sa lower fat na pagkain o bawasan ang paggamit ng high-fat foods tulad ng hard cheese. Subukang lumipat galing sa:
• whole milk patungong semi-skimmed o skimmed milk
• Cheddar o Edam cheese patungong cottage cheese
• cream patungong yoghurt o low-fat creme fraiche
• Butter patungong low-fat spread
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gaano kadaming calcium ang kailangan ko para makatulong pigilan ang osteoporosis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ito ay depende sa iyong edad, at kung babae ka, kapag nagmemenopause ka na. Kung ikaw ay isang babae na hindi pa nagmemenopause, subukan ang 700mg kada araw. Ito ang rekomendadong dami ng calcium kada araw sa matatanda ayon sa Department of Health ng isang kilalang bansa. Kung kakain ka ng masustansiya at balanseng diet, makukuha mo ang 700 mg na calcium galing lamang sa iyong pagkain. Kapag nahirapan ka dito, baka kailanganin mong uminom ng calcium supplement. Kapag naabot mo naman ang menopause, gawing 1000 mg kada araw ang calcium sa iyong pagkain. Ang mataas na bilang na ito ay akma din sa mga mayroong osteoporosis. Kung meron kang osteoporosis, maaari kang bigyan ng calcium supplement at gamot sa osteoporosis. Para bigyan ka ng ilang ideya kung paano makakakuha ng sapat na calcium sa iyong pagkain, narito ang bilang sa mga pangkaraniwang pagkain.
• Ang 200ml ng semi-skimmed milk ay may 240mg na calcium
• Ang 100g ng fruit yoghurt ay may 122 mg na calcium
• Ang 100g na cheddar cheese ay may 739 mg na calcium
• Ang apat na slice ng white bread ay may 175mg na calcium
• Ang apat na slice ng wholemeal bread ay may 105 mg na calcium
• Ang 100 g na nasa latang sardinas (in oil) ay may 105mg na calcium
• Ang 100g na nasa latang salmon ay may 500mg na calcium
• Ang 100g na baked beans ay may 53mg na calcium
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sa tingin ko po, may tsansa akong magka-osteoporosis. Kailangan ko bang magpa-bone density scan?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kausapin ang iyong doktor ukol sa pinakamainam gawin. Maraming mga tao ang hindi alam na meron silang osteoporosis hanggang sa magkaroon sila ng bali sa buto – kadalasan sa balakang, “wrist” o gulugod. Pero, posibleng malaman kung meron kang osteoporosis bago ka pa magkaroon ng bali gamit ang dual X-ray absorptiometry (DXA) scanning. Ito ang pinakakaraniwang paraan para matukoy ang osteoporosis. May kamahalan at limitado ang test na ito. Kadalasan, pinapayo lang ito sa mga taong mataas ang tsansa ng osteoporosis. Pwede kang magpa-DXA scan sa isang pribadong klinika o ospital. Kung nag-aalala ka na meron kang osteoporosis, kausapin ang iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi ako pwedeng kumain ng dairy foods kaya paano ko po masisigurong makakakuha ako ng sapat na calcium para mapigilan ang osteoporosis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maraming mga "non-dairy foods" ang nagtataglay ng calcium kaya makakakuha ka pa rin ng sapat na calcium. Kahit na hindi ka umiinom ng gatas o kumakain ng dairy foods, may iba pang pagpipilian. Mabuting "source" ng calcium ang mga oily na isda tulad ng nasa latang sardinas at "pilchard", soya beans at tofu, tinapay, ilang berdeng gulay gaya ng "broccoli" at "watercress", "dried fruits" (lalo na ang "figs"), "nuts at seeds" (lalo na ang almonds at sesame seeds). Kung gagamit ka ng soya, bigas o oat milk, piliin yung may dagdag na calcium. Kung nag-aalala ka na hindi ka nakakakuha ng sapat na calcium sa iyong diet, kausapin ang iyong doktor o dietician.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.