Paano tumangkad mabilisan? Agad agarang paglaki humaba

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang iyong taas ay naitatakda ng iyong lahi at kapaligiran. Bagama’t mayroong ilang mga bagay na hindi mo makokontrol pagdating sa iyong taas, mayroon pa ring ilang bagay na maaari mong gawin bago pa man umabot ito sa puntong hindi na mababago. Bago pa dumating sa puntong iyon, maaari mong gawin ang mga sumusunod na pamamaraan at ehersisyo upang maabot ang iyong buong potensyal.

1. Unawain mo na ang kalakhan ng iyong taas ay itatakda ng lahi ng iyong pamilya. Ang taas ay isang namamanang katangian, ibig sabihin ito ay naaapektuhan ng iba’t ibang genes. Ang pagkakaroon ng dalawang magulang na mababa ay hindi nangangahulugang magiging mababa ka rin, gayundin ang pagkakaroon ng dalawang matangkad na magulang ay hindi nangangahulugang ikaw ay magiging malahigante sa taas. Gayunpaman, kapag ang karamihan sa mga tao sa parehong bahagi ng iyong pamilya ay mabababa, malaki ang posibilidad na maging mababa ka rin. Huwag kang mawalan ng pag-asa sa ganitong kalagayan. Hindi mo pa rin maipipirmi kung gaano ka kataas hanggang sa marating mo ang edad na dalawampu.


Kalkulahin mo ang iyong inaasam na taas. Gamit ang pulgada o sentimetro, maaari mong hulaan ang iyong magiging taas batay sa taas ng iyong mga magulang.

Ipagsama ang taas ng iyong ina at ama (sa pulgada o sentimetro).

Magdagdag ng 5 pulgada (13 sentimetro) kung ikaw ay lalaki; magbawas ng 5 pulgada (13 sentimetro) kung ikaw ay babae.

Hatiin sa 2.

Ang sagot, dagdagan o bawasan pa ng 4 pulgada (10 sentimetro), ang iyong posibleng maging taas. Hindi ito absolutong kalkulasyon, ngunit malamang na malapit sa iyong magiging aktwal na taas.


2. Iwasan ang mga bagay na nakakapigil sa pagtaas. Maraming bagay na maaari mong gawin upang madagdagan ang iyong taas, at maaari mo ring siguraduhin na hindi ito napipigilan ng mga impluwensya sa kapaligiran. Ang droga at alkohol ay kinikilalang dahilan ng pagkapandak kapag ang mga ito ay ginamit o ininom habang bata pa, at ang malnutrisyon ay makakapigil sa pag-abot ng iyong buong potensyal sa pagtangkad.

Napipigilan nga ba ng caffeine ang pagtangkad? Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, hindi napipigilan ng caffeine ang pagtangkad. Gayunman, napipigilan nito ang pagtulog nang mahimbing at regular. Ang mga bata, nagbibinata, at nagdadalaga ay nangangailangan ng 9 ½ oras ng tulog, at maaari itong mapigilan ng caffeine.

Napipigilan nga ba ng pagsisigarilyo ang iyong pagtangkad? Ang mga epekto ng paninigarilyo at second-hand na usok sa body mass index (BMI) ay wala pang katibayan. Ayon sa Internet Health Resource ng Columbia University, iminumungkahi ng mga umiiral na pananaliksik na ang mga batang naninigarilyo o nakakalanghap ng second-hand na usok ay mas mababa kaysa sa mga hindi naninigarilyo o mga anak ng hindi naninigarilyo.


Napipigilan nga ba ng steroids ang iyong pagtangkad? Oo naman. Ang mga anabolic na steroids ay pumipigil sa paglaki ng mga buto sa mga bata at teenager, kasabay ng mababang bilang ng sperm, pagliit ng sukat ng suso, pagtaas ng presyon ng dugo, at nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng atake sa puso. Ang mga bata at kabataang may hika at gumagamit ng mga inhaler na mayroong kaunting budesonide, isang klase ng steroids, ay karaniwang mas mababa nang kalahating pulgada sa mga hindi ginagamot ng steroids.

3. Matulog nang sapat. Ayon sa pananaliksik, ang mga lumalaking kabataan ay nangangailangan ng 8.5 hanggang 11 oras ng tulog gabi-gabi. Ito ay dahil lumalaki ang iyong katawan at tumutubo ang iyong mga tissue habang ikaw ay nagpapahinga. Gawing kalmado ang kapaligiran tuwing matutulog, at sikaping alisin ang anumang ingay at di-kinakailangang liwanag. Kapag nahihirapang makatulog, subukang maligo sa maligamgam na tubig o uminom ng mainit na chamomile tea bago matulog.

Ang human growth hormone (HGH) ay natural na nililikha ng ating mga katawan, laluna sa oras ng malalim o slow wave na tulog. Ang pagkakaroon ng maayos at mahimbing na tulog ay humihimok sa paglikha ng HGH, na ginagawa sa pituitary gland.

Bilang isang hormone, ang HGH ay minsan itinuturok sa ugat sa presensya ng lisensyadong doktor. Ang mga HGH cream, powder, pills o mga injection na hindi nireseta ng doktor ay delikado at maaaring magkaroon ng seryosong side-effects. Kausapin ang iyong doktor bago ka gumamit ng anumang HGH na gamot.


4. Kumain nang sapat. Ang pagtitiyak na nakukuha mo ang lahat ng kinakailangang bitamina at mineral ay makakatulong sa iyo para maabot ang iyong pinakapotensyal na taas. Uminom ng suplemento para sa iyong edad kasabay ng pagkain ng almusal, at subukang idagdag ang mga sumusunod sa iyong diyeta:

Siguraduhing marami kang nakukuhang carbohydrates at calories dahil iyon ang nagbibigay ng enerhiya sa katawan para lumaki.

Siguraduhing marami kang nakukuhang calcium (matatagpuan sa mga produktong magatas at mga luntiang gulay). Ang calcium ay nakatutulong sa paglaki at paghaba ng buto, at nakatutulong sa pagpigil ng osteoporosis.

Ang pag-inom ng 500 mg ng niacin ay natuklasang higit lang na nagpapataas ng antas ng hormone sa paglaki kapag ininom ito nang walang laman ang tiyan.

Siguraduhing marami kang nakukuhang sapat na vitamin D (na maaaring matamo sa pamamagitan ng pagkain ng isda, alfalfa, mga kabute, o pagbibilad sa araw nang sapat na oras). Ang Vitamin D ay tumutulong sa paglaki ng buto at kalamnan sa mga bata, at ang kakulangan nito ay napatunayang nakapipigil sa paglaki at nagiging sanhi ng pagbigat ng timbang sa mga dalagita. Kung ayaw mong kumain ng isda, isaalang-alang ang pagkain ng suplementong langis ng pinurong isda (ang pagpupuro ay nag-aalis ng merkuryo).

Siguraduhing marami kang nakukuhang protina (mula sa karne, itlog, tofu o mabubutong gulay). Ang mga protina ay nagbibigay ng mahalagang pangangailangan ng iyong katawan upang lumaki. Kahit isa man lang (dapat ay dalawa) sa pagkain mo sa isang araw ay dapat na may kasamang protinang mataas ang kalidad.

Siguraduhing marami kang nakukuhang zinc (talaba, tsokolate, mani, itlog, gisantes, asparagus, at mga suplemento). Ang kakulangan sa zinc ay magdudulot ng pagpigil sa paglai ng mga bata. Ang pinakamainam na paraan upang matiyak na nakukuha mo ang pang-araw araw na pangangailangan ng iyong katawan ay sa pamamagitan ng pag-inom ng bitamina o suplemento na may zinc.

Kumain sa tamang oras. Kinakailangang kumain ka ng 3 beses sa isang araw, na may meryenda sa pagitan ng almusal at tanghalian, at tanghalian at hapunan. Subukang gawin ang mga ito sa parehong oras bawat araw.


1. Panatalihing malakas ang iyong immune system. Ang ilang mga karamdaman sa pagkabata ay makapipigil sa iyong paglaki. Karamihan sa mga ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng palagiang pagpapabakuna na karaniwang ibinibigay sa mga sanggol, ngunit mainam na manatili sa ligtas na paraan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming Vitamin C ( matatagpuan sa mga prutas na sitrus tulad ng dalandan, ubas at limon) at mahabang pahinga kapag nararamdaman mong masama ang iyong pakiramdam.

Panatilihing malakas ang iyong immune system sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansya at sariwang pagkain. Sikaping iwasan ang mga naprosesong pagkain, mga pagkaing walang calories o masyadong matataba, at mga pagkaing hydrogenated tulad ng mantikilya o mantika ng pagkain.

Kumain ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain. Ang pagkain ng acai berry o salmon sa bawat pagkain, hindi man mapanganib, ay hindi nakakayang panatilihing malakas ang iyong immune system.

Kumain ng iba’t ibang uri ng prutas, maraming gulay, mga butil, mapuprotinang pagkain tulad ng gatas, keso, isda at mani, at ibang pagkaing mayaman sa mga antioxidant at omega-3 fatty acid para sa mas malusog na immune system.

2. Mag-ehersisyo. Yun nga lang, kapag ang iyong growth plates ay nagsara na dahil sa iyong edad, ang pag-eehersisyo ay hindi na makakaapekto sa iyong paglaki. Subalit kung mas hilig mo ang paglalangoy, pagbibisekleta, pagtakbo, o yoga, kumpara sa ibang isports, at hindi ka huminto sa paglaki, ang pag-eehersisyo kasabay ng wastong diyeta at sapat na tulog ay makatutulong sa iyo upang lumaki.

Ang pag-uunat ay may ilang mga kapakinabanganang dulot. Napakaraming mga ehersisyong “pampatangkad” na makikita sa Internet, na kung saan ay nagsasabing makatutulong sa iyo upang ikaw ay tumangkad. Tulad ng nabanggit sa itaas, matapos magsara ang iyong growth plates, hindi ka na tatangkad. Gayunpaman, walang siyentipikong ebidensya na magsasabing maaari kang tumangkad sa pamamagitan ng pag-uunat. Ang pag-uunat ay makatutulong na maging maayos ang iyong tindig, na makakadagdag pansin kung gaano ka katangkad — o makababawas ng atensyon kung gaaano ka kababa — ngunit hindi ito makapagdadagdag ng tangkad o laki sa iyong pangangatawan.


3. Sikaping maging maayos ang tindig. Ang pag-iikot ng iyong mga balikat o ang pagyuko ay sadyang makakaapekto sa kurbada ng iyong gulugod (at hindi sa wastong paraan). Panatilihing nakaliyad ang dibdib, nakatingala ang baba, at nakaayon ang iyong balakang sa iyong mga paa. Lumakad nang tuwid sa halip na nakayuko, at sikaping umupo ng tuwid kapag nakaupo. Kahit hindi ka man talagang tumatangkad, ang maayos na tindig ay makatutulong upang magmukha kang matangkad.


4. Magkaroon ng tiwla sa sarili. Ang pagiging matangkad ay maaaring maganda, subalit hindi ito makapagpupuno sa pangkalahatang kakulangan ng tiwala sa sarili. Makihalubilo sa mga samahan, magpakatotoo ka kapag nasa eskwela, at tiyaking ang mga pipiliin mong hobby ay iyong alam mo at ikaw ay bihasa. Ang lahat ng ito ay magpapalakas ng iyong pakiramdam, at ang isang positibong pakiramdam ay sapat na upang punan ang iyong kakulangan sa tangkad.


5. Sumangguni sa propesyunal sa medikal. Kung ikaw ay mula sa pamilyang matatangkad at hindi ka lumalaki sa panahon ng iyong mid-teen, o kapag ang iyong taas ay hindi gaanong nagbago mula sa umpisa ng iyong pagdadalaga/pagbibinata hanggang sapitin mo ito, mas makabubuting sumangguni ka sa doktor. Ang mga kalagayan na maaaring makapigil sa iyong paglaki (tulad ng kakulangan ng hormone sa paglaki o mga sakit na autoimmune) ay bihira lamang, subalit umiiral ang mga ito. Kung ikaw ay kumakain ng diyetang pampalusog at nakakapagpahinga nang maayos ngunit hindi ka pa rin lumalaki, panahon na upang kumonsulta ka sa doktor.


Isaalang-alang ang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay pandak. Bagama’t may iba’t ibang kalagayan sa pagkabata (tulad ng rickets) na nagiging sanhi ng pagkapandak sa pagtanda, dapat ka pa ring sumangguni sa doktor hinggil sa bagay na ito. Maaaring may mga pamamaraan upang tiyaking ang iyong mga buto at organo ay malulusog kahit na ang mga ito ay hindi umabot sa dapat nitong laki o haba.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.