Gamot at Lunas sa Almuranas o Almuranas: Home remedies sa Tumutubo sa pwet, Pampagaling, Cure

Medical Team
is a Medical expert in United States

Sikaping huwag umupo nang ilang oras nang tuloy-tuloy. Kung hindi maiiwasan, tiyaking mayroong mga patlang sa pagitan. Tumayo at maglakad-lakad kada isang oras sa loob ng di-bababa sa limang minuto. Magiging mas komportable ang pag-upo at mababawasan ang pananakit at presyur sa almuranas kapag gumamit ng malambot na kutson.

Magpasok ng petroleum jelly sa loob ng puwit upang mabawasan ang sakit tuwing dudumi.

Dampian ng witch hazel, isang anti-inflammatory agent na nakakapawi ng pananakit at pamamaga, ang mga almuranas. O di kaya, gumamit ng mga ointment at cream laban sa almuranas.

Iwasan ang tuksong kamutin ang almuranas, dahil palalalain lamang nito ang mga bagay-bagay. Mas lalong maiirita ang mga ugat na namamaga; masisira ang balat sa paligid nito; at titindi mismo ang pangangati. Sa halip, maglagay ng over-the-counter na 1% hydrocortisone cream upang mawala ang pangangati ng balat (hindi sa loob ng puwit, kundi sa labas lamang, ilalagay ang cream) at isang bag ng yelo o malamig na tubig. Maaari ding makabawas sa pangangati ang mga over-the-counter hemorrhoidal cream.

Kung kailangan mo ng pampawi ng sakit, subukan ang Tylenol. Iwasan ang ibuprofen at aspirin na nagtataguyod ng pagdurugo. Maligo nang regular upang mapanatiling malinis ang puwitan, ngunit tiyaking maging maingat. Ang sobrang pagkayod, laluna gamit ang sabon, ay makakapagpalala ng iritasyon at sakit.

Huwag pilitin dumumi. Umupo sa inidoro nang limang minuto, at kapag hindi pa ring nangyayari, subukan na lamang muli sa susunod. Kapag nagpupunas, maging maingat. Kung nakakairita ang toilet paper, subukang basain muna ito nang bahagya, o gumamit ng bulak o baby wipes na walang alkohol. Maaaring mas gustuhin mong hugasan muna ang iyong sarili bago punasan ang puwit upang matuyo.

Kapag gumagawa ng anumang bagay na nangangailangan ng lakas, siguraduhing huminga nang pantay. Karaniwan na ang pagpigil ng hininga kapag naglalabas ng lakas, at ito ay nakakadagdag sa sakit at pagdudugo ng almuranas.

Ano gamot at lunas sa Almuranas?

Paano ko maiiwasan ang Almuranas?

Ano sintomas at sanhi ng Almuranas o Almoranas?

Rubber band ligation, Sclerotherapy, coagulation: Hemorrhoids Almuranas treatments

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Denise K Hee
is a Medical expert in Ireland
There is already a reply about good toilet habits and preventing constipation. This is the best remedy for hemorrhoids. My only additional tip is to try a sitz bath. This is basically a large basin with warm water and dissolved table salt. Sit in the basin for about 20 minutes 3 times per day. This exposes the hemorrhoid to the salt which shrinks it and prevents it from getting infected as well.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.