Kadalasan, ang gas sa ating katawan ay lumalabas sa ating pwet (utot) o sa ating bibig (dighay). Kapag hindi nakalabas ang gas sa ating katawan, nakakaramdam tayo ng hindi maganda at pakiramdam ay sobrang busog (bloated). Maaaring maiwasan ang ganitong sintomas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay at hindi magandang nakasanayan. Sa iyong paglunok, may hangin na pumupunta sa iyong tiyan. Dumidighay ang mga tao kapag nagkaroon ng sobrang hangin sa tiyan. Ang pagkain at paginon ng mabilis, pagnguya ng bubble gum, at ang paninigarilyo ay nakakadami ng hangin sa tiyan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, maaaring nakakalunok ka din ng hangin ng hindi mo napapansin. Dahil dito, nararapat lang na itigil ang paninigarilyo, umiwas sa stress at ugaliing kumain ant uminom ng dahan dahan upang maiwasan ang pagka–bloated. Napro-produce din ang gas kapag ang pagkain sa ating katawan ay nag-digest o tinutunaw ang pagkain. Ang gas na ito ay lumalabas sa ating katawan sa pamamagitan ng utot. Ang pagbawas sa paginom ng softdrinks ay makatutulong din dahil ang softdrinks at nagdudulot din ng pagdami ng gas sa ating tiyan. May mga pagkain din na nakakadami ng gas sa katawan gaya ng beans at cabbage. Kapag na-didigest ang mga ito sa iyong large intestine, nagbubuo ng gas ang mga ito. Kapag may lactose intolerance ang isang tao, ang iyong tiyan at small intestine ay hindi nakakapag – digest ng isang klase ng sugar na tinatawag na lactose. Kadalasan makikita ito sa gatas ng baka at kambing. Dahil dito, ang lactose ay pumupunta sa large intestine upang madigest at magfoform ito ng gas. May mga lab tests upang malaman kung ikaw ay may lactose intolerance. Magpatingin sa iyong doctor. Maaaring ipabawas ng doctor ang paginom ng gatas kung napatunayan na mayroon ka ng lactose intolerance. Kung hindi nabawasan ang iyong sintomas at lumala pa ang mga ito kahit na nagkaroon ng mga pagbabago sa iyong kinakain, mas makabubuting kumonsulta sa doctor.