Ano po ang mabisang gamot para sa uti? antibiotics, amoxicillin, over the counter drugs

Mitch Chua
is a sales in the Philippines

Ano po ang mabisang gamot para sa uti? salamat


Topic: What is an effective treatment or drug against urinary tract infection or U.T.I.?




 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Antibiotics ang kadalasang gamot para sa Urinary Tract Infection. Ito ang klase ng gamot na pumapatay sa bacteria na nagdudulot ng impeksiyon. Ang mga antibiotic na kadalasang nirereseta ay amoxicillin, ciprofloxacin, sulfamethoxazole-trimethoprim at iba pa. Pero mahalagang magpatingin muna sa doctor bago uminom ng antibiotic para mabigyan ng tamang klase ng antibiotic, tamang lakas o dose ng gamot at maturuan ng tamang pag-inom para maging epektibo ang gamot sa pag-alis ng impeksiyon. Binibigay din ang pain reliever para sa mga taong nakakaramdam ng pananakit dulot ng impeksiyon.
Makakatulong naman sa pag-ginhawa ng pakiramdam habang umiinom ng gamot para sa impeksiyon:
• Ang pag-inom ng maraming tubig ay tumutulong mag-dilute ng ihi at maglabas ng mga bacteria.
• Iwasan ang pag-inom ng kape, softdrinks, alak dahil nagdudulot ang mga ito ng iritasyon sa bladder at pinapalala ang sintomas ng impeksiyon.
• Makakatulong ang paggamit ng heating pad sa pagbawas ng masamang pakiramdam sa abdomen
• Baking soda - Para maiwasan ang progreso ng impeksiyon, subukang magdagdag ng isang kutsaritang baking soda sa isang basong tubig upang makatulong sa pagtanggal ng impeksiyon. Binabawasan ng baking soda ang acidity ng ihi, na nagpapabilis sa iyong paggaling.
• Vitamin C - May mga doktor na nagrereseta ng 5000mg Vitamin C kada araw o higit pa, para sa mga nakakaranas ng paulit-ulit na impeksiyon sa urinary tract. Tumutulong ang Vitamin C na patibayin ang bladder sa pamamagitan ng pag acidify ng ihi, para hindi makapasok at sumakop ang masasamang mikrobyo.
• Pineapple - Bromelain ay isang enzyme mula sa piña. Ang pagkain ng piña ay maaaring makatulong na labanan ang impeksiyon.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.