Pananakit lalamunan, saan magpatingin, trigger ubo

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kasi masakit ang lalamunan ko for almost 2 months na. Siya din ang nagti-trigger ng ubo ko, hindi na ako nawawalan ng ubo. Kahit anong gamot na ang nainom ko kahit herbal medicine. Nag pacheck up nadin ako sa iba't ibang doctor like cardiologist, pero di padin nawawala ang pananakit ng lalamunan ko. Ano po kaya ito? Sang doctor ba ako dapat magpatingin? Sana matulungan nyo po ako. Salamat po.


Translation: My throat hurts. I have sore throat for almost 2 months now. This is also causing me to have coughs. I keep on coughing, no matter what medicine I take including herbal medicine. I've went to see different doctors including cardiologists, but my sore throat persists and has not healed. What could this be? What type of doctor should I see?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
May Gablinez
is in United States
ENT ka dapat nag pa-check up. Cardiologists are for the heart. I think kulang ka lang sa vitamins kaya di enough yung resistance mo against disease
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thanks for the advice. sana mawala na tong nararamdaman ko.
Dr. Randolf  Gucyam
is a Medical expert in Singapore
Hello,

Kumusta ka na? Masakit pa ba ang iyong lalamunan? Sa bilang nga 0-10, paano mo susukatin ang sakit? (0=walang sakit,10=sobrang sakit)? Ikaw ba ay isang smoker o di kaya ay heavy alcohol drinker? Ang mga tanong na ito ay karaniwang tinatanong ng duktor sa sinumang may nararamdamang sakit at sa iyong kaso ay sakit sa lalamunan. Kapag matagal na ang iyong nararamdaman, hindi ito magandang senyales. Ang isang ENT o otarhinolaryngologist ay makakatulong sa iyo para masuri ang iyong lalamunan. Sa pagkakataong ito, ayaw ko munang magsabi ng direktang diagnosis pero mas mainam na ipakita mo yan sa iyong ENT. Siya ang magsasagawa ng ibat-ibang test para malaman ang iyong karamdaman at ang kaukulang gamutan dito. Mas maagap, mas makakabuti sa iyo. Balitaan mo ako.

/doc rands
Joven Nicerio
is a n/a in the Philippines
Hi Doc. Rands,

Actually yung sakit ng lalamunan ko ay mejo may katagalan na, kung susumahin ko po ito lampas na ng 5 months. kung ire-rate ko naman po yung sakit nasa 7 po, kasi minsan kahit laway or tubig ang dumaan sa lalamunan ko ay sobrang sakit nito. minsan sa sobrang sakit pati tenga ko ay apektado, pati pag kain ko apektado din. para bang may hiwa ang lalamunan ko at sugat na di gumagaling. kahit mapagaling ko ang ubo ko after a weeks babalik kasi sa sakit ng lalamunan ko.
Dr. Randolf  Gucyam
is a Medical expert in Singapore
Hi Joven,

Hindi magandang senyales ang hirap sa paglunok kahit sa mga likidong inumin na gaya ng tubig lamang. Baka may constriction ang iyong lalamunan na sanhi ng sakit at hirap ng paglunok. Nakikita ko ang Barret's esophagus sa iyong kaso. At mapapapatunayan ito kung ikaw ay isang alcohol drinker. Kung hindi ka umiinom ng hard na alak, maraming test ang gagawin ng iyong ENT para malaman kung ano ang sanhi ng iyong dysphagia at odynophagia (hirap at sakit sa paglunok). Binabalaan kita na ang Barret's Esophagus ay possibleng maging dahilan ng mas malalang karamdaman gaya ng kanser sa lalamunan. Subalit ang maagap na pagpapatingin sa ENT ang isa sa mga pinakamainan na unang hakbang para malunasan ang iyong karamdaman. Balitaan mo lang ako.

/doc rands
Joven Nicerio
is a n/a in the Philippines
Hi Doc Rands,

di naman po ako alcoholic, di nga po ako nag iinom, di din po ako naninigarilyo. mas mainam pa nga po siguro na maipatingin ko na ito para malaman ko na ang sanhi ng pananakit ng lalamunan ko.

Salamat Doc Rands.
Joven Nicerio
is a n/a in the Philippines
Hi Doc. Rands,

nakapag pacheck-up na po ako sa EENT, simpleng pamamaga lang ng lalamunan, so binigyan nya ako ng mga antibiotics at gargle, pero ang bumagabag sakin ay yung result ng x-ray na i-sinugets nya sakin. He advices me to do X-ray at eto po ang result; IMPRESION: *Consider PTB of undetermined activity left upper lung, *Consider Pneumonia left upper lobe and lingular area.
yan po ang result sakin, kaso di pa ako pumupunta sa doctor o kahit saang specialista.
Dr. Randolf  Gucyam
is a Medical expert in Singapore
Hello Joven,

Ang simpleng pamamaga ng lalamunan ay may karampatang dahilan. Ano ang sinabi ng iyong duktor ukol dito? Ano ang dahilan ng pamamaga ng iyong lalamunan? Ang pagsasagawa ng CXR sa iyo ay maaring makasasagot jan. Ngayon at nakitaan ka ng PTB o pulmonary Tuberculosis impressions, madami tayong pwedeng isipin jan. Ang aking babanggitin ay ayon lamang sa impormasyong aking nakalap batay sa iyong salaysay.

1) Maaring ikaw ay may Tuberculosis na sanhi ng pamamaga ng iyong lalamunan. Ang sputum test ay dapat na isagawa sa iyo. Importante ito para malaman kung ikaw ay positibo nga sa TB.
2) Nakitaan ka rin ng Pneumonia impressions. Ibig sabihin ay may iniindang impeksyon ang iyong respiratory tract. Ang baga at lalamunan ay parte ng ating respiratory system. Ibig sabihin, ang iniinda ng isa ay pwedeng makaapekto sa isa.

Sang-ayon akong ipagpatuloy mo ang binigay na gamot sa iyo (gargle) ngunit wag muna sa antibiotic. Mainam na ipatingin mo muna sa kanya ang CXR result mo bago ka uminom ng sapat at wastong antibiotic. Balitaan mo ako.

/docrands
Joven Nicerio
is a n/a in the Philippines
Hi Doc. Rands,

Good Day! Doc. nawala na po yung sakit ng lalamunan ko, siguro kung meron pa man ay nakakain ako ng matitigas na bagay at sumasagi sa lalamunan ko, pero kaya naman po.. bale bumalik na po ako dun sa doctor na pinuntahan ko at ipinakita ko na sakanya yung result ng X-Ray, binigyan nya ako ng gamot na cefuroxime axetil para daw sa pneumonia and yung para naman po dun sa PTB eh, inadvice nya ako na magpunta na lang sa mga public center kasi meron daw po dun na mga gamot na libre, ipakita lang daw ang result ng X-Ray.

Maraming salamat po Doc Rands sa mga advice nyo.

Best regards!
Ray Bams
is in the Philippines
Hi po Doc Rands..., and Sir Joven

Ganto din po nararandaman ko..May pa po nagstart..pero di nmn po msakit lalamunan ko pag kumakain ako..matagal n din po since last ako uminom ng alak..di po ako naninigarilyo..rate ko po sa 1-10...nsa 5 po..nagpacheck up n po ako sa center d2 saamin..at sinabi nung doctor eh namamaga lang po ako lalamunan ko..then niresetahan po nea ako gamit..una po 7 days ko po ininom
2times a day...650mg po un..and ngaun po 3days n po cmula nung naubos ung gamot..bale po nagheherbal po muna ako..dahon ng bayabas..pinapakuluan ko po..kc sabi po nakakagling daw po lalamunan iyon..2times a day po din pag inom ko nun..balak ko po muna iobserve bago ko po svhn ulit kay mama ko..sana po matulungan po nyo ako..maraming salamat po.
Joven Nicerio
is a n/a in the Philippines
Hello Ray,

Yung sakin eh gumaling na, or mas maganda kong sabihin na nakita ko na or nakita na namin kung san o ano ang pinagmulan ng pananakit ng lalamunan ko, kaya bumabalikbalik ang sakit ng lalamunan ko eh dahil sa may sakit ako sa baga, kahit anong gawin kong pag gamot sa lalamunan ko ay wala padin, dahil mas malaki pala ang pinag mumulan ng sakit nito. nalaman namin ito ng maka-ilang ulit na akong balik sa EENT doctor, then He prefer na magpa-xray na ako, dun lang o tsaka lang namin nalaman na may tama pala ang baga ko, sa ngayon naggagamot ako ng sa baga ko, pero yung sa lalamunan, after 3 days lan ng pag inom ng gamot sa baga eh nawala din yung pananakit ng lalamunan ko, mas madali o mas maganda sana kung mas maaga palang nalaman na namin ang pinagmulan. sana gumaling kana, dahil alam ko ang hirap pag masakit ang lalamunan.
Ray Bams
is in the Philippines
ganun po sir Joven..sa ngaun po nainom po ako ng pinakuluang dahon ng bayabas..3days n po ito..iobserve ko po ng 1week..pero parang wala din po nangyayari..bli pag di p po ako umokey sa monday po bblik ako ng center para patingin ulit po sa doctor..sana po gumaling n po ako..kc po nxtmonth punta n ako manila maghahanp po ng work..fresh grad lng po kc..at kea po di p po ako nakakapagwork iniicp ko po kc klgyn ko baka po maslumala..kea po gusto ko po muna gumaling bago po magwork..para po mkatulong s mga mgulang ko...btw..tnx s time at comment sir Joven..
Dr. Randolf  Gucyam
is a Medical expert in Singapore
Hi Rey,
Nabasa ko nga ang iyong problema. At malaking posibilidad na may kinalaman ang pananakit ng lalamunan mo sa problema ng ibang parte ng katawan gaya ng baga. Ikay ba ay umiinom ng alak at madalas na manigarilyo?May allergy ka ba sa kung anong bagay at ano ito? Ang dahon ng bayabas ay makakatulong sa iyong lalamunan ngunit hindi nito kayang magamot kung ang dahilan ay galing sa ibang bahagi ng katawan. Gaya ni Joven, CXR o chest xray ang naging daan upang matukoy na siya ay may PTB. Pinapayuhan kita na habang maaga pa ay magpa CXR ka at ipabasa mo narin. Balik ka sakin pagkatapos ng CXR. Balitaan mo ako. Gusto kong makahanap ka rin ng trabaho para makatulong ka sa iyong mga magulang.

/doc rands
Ray Bams
is in the Philippines
Doc Rands,,
Tnx po sa comment nyo,,bale po may allergy po ako sa kamay pero matagal na po iyon mga high school pa po ako..pabalik balik,,bale may pinapahid po ako gamot sa kamay ko nawawala po allergy..pero pag tumagal n po at ubos n ung pinapahid ko bumabalik po ulit..Last na inom ko po ng alak is noong May pa po..bale dalwang beer lang po un.di po ako naninigarilyo..Cge po Doc bukas po kung sasamahan ako ng mama ko papa CXR po ako..wala po kc sya ngaun..sana nga po makahanap na po ako ng trabaho..ito lang po kc inaalala ko baka po mas lumala pa po kung magtratrabaho na ako bago magpacheck up.

Maraming salamat po Doc Rands
Ray Bams
is in the Philippines
Doc Rands,
Kakagaling ko lang po sa doctor ngaun..di pa po ako nagpaxray..pero ang sinabi sakin na sakit ko is Pharyngitis daw po...niresetahan na po ako ng gamot..1 pang morning at 1 din po pang gabi..1week po un..balik nalng daw po ako pag naubos ko n po at wala p pong pagbabago dun daw po gagawan ng ibang test..tnx po Doc Rands..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po doc mgttnong lng dn po sna aq..bkt po s twing kkain aq my naiiwN pgkain s lalamunan ko..lalo n po s gabi ke konti o marmi ang nkkain ko..ngwwory at nag iicp aq kpg nrrmdman ko po kya mdlas dpo aq mktulog agd..pkiramdm ko gsto q pu xa idghay pro dq mkgwa..naiirita po kc aq kpg nrrmdamn ko ung n stuck n pgkain s lalamunan q..kpg konte lng knain q mdli po aq gutumin gsto ko po kmain ng heavy meals kso kpg kmain nmn aq ng mrmi prng d bmbba ung ibng pagkain s tyan q..sna po mtulungan nio po aq tru advice..
Dr. Randolf  Gucyam
is a Medical expert in Singapore
Hello Chy,

Pwedeng bumili ka ng gamot sa botika? Esomeprazole 40 mg once a day before or after breakfast. Blitaan mo ako after 5 days kung meron pa rin.

/doc jie
Harvi Pameron
is a non-Filipino member from United States
Hi doc, may nararamdamn din po ako sa lalamunan ko pero di nman po sya masakit, parang may nakabara lng sa lalamunan ko. I dont feel pain or discomfort nman pag kumakain or umiinom ako. Its been half a year na din po to na pabalik-balik. Last week lumalala sya due to stress from school na halos di na kami matulog, nagkalagnat ako ng isang gabi lng nman and hanggang ngayon andito pa din yung feeling sa lalamunan ko. Ano po kaya to doc? Sana matulungan mo din po ako.

About the author

Dr. Randolf Gucyam

Call me a medical doctor, an anthropologist, a writer, a video gamer. I say, you can call me anything as much as anyone can call himself a rock star. Currently struggling with my MA degree in Public Health while risking to pursue other things I love doing which I usually get doomed for. Writing in the top list but video gaming duels a good fight for first place. I love my music fast and loud.I work hard except when working out. My day job is big in the fat factor like an hour sleep after straight duties and rock and roll. I smile like there is no tomorrow. Don't get me wrong, I just get wrong impressions most of the time but I don't care. Atleast I smiled. =))
Profession: Family and Community Medicine
World Health Organization
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Singapore , Upper Kent Road , Singapore