BULUTONG TUBIG: Mga Dapat malaman pag may bulutong anak mo o baby sanggol

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga importanteng impormasyon, dapat malaman at payo kapag mayroong bulutong ang iyong anak
Karaniwan ang bulutong o chickenpox sa mga bata na edad 5 hanggang 11. Eto yung maliliit na pantal na sobrang makakati at namumula kasabay ng mataas na lagnat. Mabilis na kumakalat yan lalo na kapag inuubo o sinisipon ang pasyente at nalanghap ito ng ibang tao.

O kaya naman, yung aksidente mong nahawakan yung mga gamit ng may bulutong. Kaya di na nakakapagtaka kung mas madalas magkaroon niyan ang mga batang nasa eskwelahan. Buti nalang at naiiwasan na yan dahil sa naimbentong bakuna kontra bulutong. Pero paano mo ba malalaman kung may bulutong ang anak mo?

1. Makakati at mapupulang pantal. Nagsisimula yan sa mukha at saka kakalat sa ibang parte ng katawan. Kasama din sa sintomas yung lagnat, pananakit ng ulo at katawan. Nagtatagal ang lagnat ng 5 hanggang 10 araw. Kung mapapabayaan yan, pwedeng mauwi yan sa pagkatuyo ng tubig sa katawan o dehydration, pneumonia at iba pa.

2. Nakakahawa ang bulutong. Kapag nahawakan ng ibang tao ang mga nagtutubig na pantal, mas malaki ang tsansang mahawa siya o maipasa pa nga ito sa iba. Kapag nagsimulang kumalat ang pantal at kapag pagaling na ito, mas malakas ang virus kaya iwasang paglaruin siya kasama ng ibang bata o papasukin sa loob ng bahay. Wag munang papasukin sa loob ng 5 o 7 araw pagkagaling. Pero mas naipapasa ito sa pamamagitan ng hangin, sipon, o pagubo sa harap ng ibang tao.

Naipapasa ang sakit na yan sa pamamagitan ng hangin at pwedeng ang dahilan din eh yung panahon. Kung mahina din ang resistensya o madumi ang paligid, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng bulutong. Kaya dapat siguraduhin na mapabakunahan siya habang sanggol pa. Pero kapag nagkaroon na siya ng bulutong, 90% na hindi na siya magkaroon ulit pero pwede padin siyang magkaroon ng ibang kagayang sakit tulad ng tigdas. Ano naman ang pwede mong gawin kapag nagka bulutong ang anak mo?

- Gamutin agad ng paracetamol ang lagnat. Palagi siyang painumin ng tubig para hindi matuyuan. Kapag maliligo, lagyan ng baking soda ang tubig para mabawasan ang pangangati. Wag siyang pakainin ng maalat na pagkain. Kapag nangati ang bibig niya, malamang na magkaroon din ito ng sugat kaya magingat sa mga pinapakain. Ang pinakamahirap na kailangan mong gawin eh yung pigilan siya na kamutin ang pantal. Bukod kasi sa magsusugat yon at magiiwan ng peklat, kakalat lalo ang mikrobyo sa ibang parte ng katawan niya dahil maiiwan sa kamay ang mikrobyo. Kaya laging paghugasin siya ng kamay. Pwede mo pa ngang pagsuotin siya ng gwantes sa gabi.

- Sa panahon ng lagnat, wag na wag mo siyang pagsuotin ng masikip na damit.

- Kapag may hika o eczema ang bata, baka kailangan niya ng gamot na may acyclovir. Siguradong yan ang ibibigay sayo ng doktor. Kapag nag pus o nana ang mga pantal, baka mas matinding impeksyon na ito. Malamang na kapag nangyari yan, kasabay din ang mataas na lagnat kaya dalhin na siya agad sa doktor. Sinasabi na mas makabubuti ang pahinga kesa dalhin sa doktor ang pasyente dahil gagaling din naman ito ng kusa pero depende pa din yan sa sitwasyon. Kailangang uminom ng antiviral na mga gamot ang may bulutong.

Ang tanging paraan lang naman para maiwasan ng anak mo ang bulutong? Magpabakuna at palaging tiyaking malinis ang kamay niya. Hindi lang bulutong ang maiiwasan niya.

References:
American Academy of Dermatology (n.d.). How to care for children with chicken pox. Retrieved from https://www.aad.org/public/diseases/contagious-skin-diseases/chickenpox

NHS Website. (2017, May 26). Chicken pox. Retrieved from https://www.nhs.uk/conditions/chickenpox/

Kids Health. (2019, January). Chicken pox. Retrieved from https://kidshealth.org/en/parents/chicken-pox.html

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.