Gamot sa Sipon o Ubo ng Sanggol, Baby at Bata, lunas

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng mga sanggol at bata ay isa sa mga layunin ng magulang sa pagtataguyod ng isang matatag at masayang pamilya lalo pa't sinasabi ng mga eksperto na ang mababang resistensya o immune system ng mga bata ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit madali silang kapitan ng sakit gaya na lamang ng sipon at ubo.

Hindi lingid sa ating kaalaman na nagiging pabago-bago na ang panahon. Minsan ay uulan at minsan naman ay matindi ang sikat ng araw. Bukod dito, hindi sa lahat ng oras ay mababantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang maprotektahan sila sa mga bagay na maaaring magdulot ng sakit. Halimbawa, kapag naglalaro ang kanilang mga anak, hindi palaging makokontrol ng mga magulang kung sino ang makakahalubilo nito. Maaaring ang mga kalaro nito ay may dalang mikrobyo na posibleng magdala ng sakit.


Hindi sapat na alam ng mga magulang ang gamot na maaari nilang ibigay sa kanilang anak sapagkat ang ilan sa mga ito ay posibleng magdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan. Sa katunayan, ayon sa American Academy of Pediatrics, ang pagpapainom ng mga gamot para sa ubo o sipon na mabibili sa botika ay maaaring maging mapanganib sa mga batang edad dalawang taon pababa o hindi maging mabisa para sa mga batang edad anim pababa. Dahil dito, makatutulong din kung magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga magulang tungkol sa kung paaano maiiwasan ng kanilang mga anak ang pagkakaroon ng sipon at ubo gayundin ang ilan sa mga mabisa at ligtas na paraan kung paano ito gagamutin.


Una, dapat malaman ng mga magulang na ang sapat na tulog ay makatutulong upang maging matibay ang resistensya ng kanilang anak. Ang mga baby o sanggol ay nangangailangan ng 18 oras na tulog, 12 hanggang 14 na oras para sa mga batang edad 1 hanggang 5 taon, at 10 hanggang 11 oras para sa mga batang edad 6 hanggang 11 taon. Pangalawa, dapat din nilang turuan ang kanilang mga anak ng tamang paraan ng paghuhugas ng mga kamay sapagkat 80% ng mga nakakahawang sakit ay naipapasa sa pamamagitan ng ating kamay.


Kapag naman nagkaroon ng ubo o sipon ang isang bata, makatutulong ang pagpapasingaw o ang paggamit ng humidifier upang maging maluwag ang kanyang paghinga at mapanatiling mamasa-masa ang hanging pumapasok sa kanyang baga. Bukod dito, ayon sa isang pananaliksik, makatutulong din ang pagbibigay ng isang kutsarang honey bago matulog upang maiwasan ang pag-ubo sa gabi (bawal sa mga sanggol na wala pang isang taon). Panghuli, ang pagbibigay ng tubig at iba pang inumin gaya ng katas ng prutas (juice) ay maaari ring makatulong sa pagpapalabnaw ng kanyang sipon at plema upang madali itong mailabas. Hindi rin dapat ipagbawal ang pag-inom ng gatas sapagkat ang taglay nitong bitamina at mineral ay makatutulong din sa pagpapanumbalik ng lakas ng isang batang may sakit.

Sunod: Ano pinakamabisang gamot sa baradong ilong, sipon at uhog ng bata?



Topic: Cough, colds, flu, babies, children

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)