Paano po maprotektahan ang pamilya ko laban sa tigdas? Prevention tips

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

How can I protect my family from getting measles?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hindi madaling gamutin ang tigdas at kadalasang kailangang magpunta sa ospital para agapan ang komplikasyong dulot nito. Mas mabuti nang umiwas sa sakit na ito, at protektahan ang sarili sa pamamagitan ng bakuna laban sa tigdas. Ang bakuna ay tinatawag na MMR vaccine (measles, mumps and rubella). Libreng nagbabakuna ng MMR sa mga health center ng mga barangay.
Makakaiwas din sa tigdas kapag pinananatiling malinis ang katawan sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
• Ugaliing maghugas ng kamay
• Kung walang tubig at sabon, linisin ang kamay gamit ang hand sanitizer
• Huwag hawakan ang ilong mata at bibig. Kung kailangan hawakan, siguraduhing malinis ang mga kamay
• Takpan ang bibig at ilong gamit ang panyo o tissue, huwag ang mga kamay, kapag babahing
• Iwasang lumapit sa mga taong may sakit


Ano ang kailangan kong gawin kapag nagkaroon ng kontak sa taong may measles?
Kapag ikaw o ang iyong anak ay hindi nabakunahan, inirerekomenda na umiwas muna sa mga pampublikong lugar kagaya ng paaralan, ospital, opisina, ng labing apat na araw para makasigurong hindi kayo nahawahan o para hindi makahawa ng ibang tao.
Tawagan ang iyong doktor para humingi ng payo sa ganitong sitwasyon.
Kapag ikaw ay nabakunahan, hindi mo na kailangan pang umiwas sa mga pampublikong lugar at pwede mong ipagpatuloy ang pang araw-araw na gawain. Ganoon din para sa batang nakakuha ng kumpletong bakuna laban sa tigdas.

Kung hindi ka naman sigurado na nabakunahan ka o ang iyong anak, tignan mo ang kanyang health record book at ang iyong record o kaya itanong sa inyong doktor. Kapag hindi nabakunahan ang iyong anak ng kahit ni isang dose ng MMR vaccine, pabakunahan kaagad ang bata. Kung nabakunahan naman ng isang dose, tanungin ang kanyang doktor kung kailan mabibigyan ang bata ng pangalawang dose, para magkaroon siya ng kumpletong proteksiyon laban sa tigdas.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.