Alipunga o athlete’s foot: Sanhi, lunas, gamot, paano maiwasan, sintomas

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ano ang Alipunga?

Ang alipunga o athlete’s foot sa ingles ay isang pangkaraniwang karamdaman sa balat na naaapektuhan ang ilalim ng paa at balat sa pagitan ng mga daliri nito. Sa katunayan, isa itong uri ng nakakahawang fungal infection na maaaring kumalat mula sa mga kontaminadong sahig, twalya at mga damit. Naaapektuhan ng impeksiyong ito hindi lamang ang mga athletes kundi pati na rin ang mga pangkaraniwang tao. Kadalasang nagkakaroon ng alipunga kapag pinapawisan ang paa nang nakakulob sa sapatos. Kadalasang sintomas nito ang pagkakaroon ng pagbabalat, pamumula at pangangati ng balat sa paa. Nagagamot naman ito ng mga antifungal na gamot ngunit maaaring magpabalik-balik.


Mga Sintomas ng Alipunga

May mga taong hindi nakakaranas ng mga sinyales at sintomas ng alipunga kung kayat hindi nila alam na may fungal infection na pala sila. Mayroon din naman nag-aakala na nanunuyo lamang ang kanilang mga paa. Kadalasang nagdudulot ang alipunga ng scaly at mapulang rash na nagsisimula sa pagitan ng mga daliri ng paa. Pangangati at paghapdi ng balat sa paa ang kadalasang sintomas ng impeksiyong ito. Mararanasan ang madalas na pagbabalat ng paa at para sa mga mas malalang kaso ng alipunga, mararanasan ang pag-crack, pananakit, at pagdurugo sa paa. May ibang klase ng alipunga na maaari din magdulot ng blisters at ulcers sa paa. Dahil dulot ito ng fungus, pwede itong kumalat sa kamay lalo na kapag kinamot ang apektadong paa at kakalat din sa iba pang bahagi ng katawan.


Sanhi ng Alipunga

Maraming klase ng fungus na nagdudulot ng alipunga. Maaaring magdulot ng alipunga ang fungus na nagdudulot din ng buni at hadhad. Ang namamasang medyas at sapatos, at ang mainit at humid na panahon ay naaayon na kondisyon para sa fungus. Pwedeng makuha ang fungus na nagdudulot ng alipunga mula sa kontaminadong lugar kagaya ng gym, locker room, swimming pool, nail salon at mula sa kontaminadong kagamitan kagaya ng medyas, twalya at damit. Pwede din itong direktang kumalat mula sa apektadong tao. Kadalasang nakakakuha ng alipunga kapag ang isang tao ay naglakad ng nakapaa lamang sa lugar na nilakaran din ng apektadong tao.



Paano maiwasan, natural cures at gamot sa Alipunga

Ang unang hakbang sa paggamot ng alipunga ay ang pananatiling malinis at tuyo ng mga paa. Ito ay paraan para mapigilan ang pagdami ng fungus sa paa. Maiging gumamit na lamang ng sandals para mahanginan ang paa kesa mga sapatos na kumukulob dito. Makakatulong din ang paggamit ng cotton na medyas na pwedeng sumipsip sa pawis ng paa.


Ang susunod naman na hakbang ay ang paggamit ng antifungal na gamot kagaya miconazole, terbinafine, clotrimazole bilang mga cream, ointment, lotion, spray at iba pa. Kailangan magtuloy-tuloy ang paggamit ng antifungal na gamot hanggang apat na linggo o kahit isang linggo lamang basta’t tuluyang nawala na ang mga sinyales at sintomas ng alipunga.


Para sa mga malalalang kaso ng alipunga na resistant ang fungus sa pinapahid na antifungal, kakailanganin ang pag-inom ng antifungal na tableta. Naglalaman din ang mga ito ng terbinafine, fluconazole o kaya itraconazole. Kapag kumalat ang fungal infection sa kuko ng paa, kailangan din magamot ito para maiwasan ang pagbalik ng alipunga.



Home Remedies

Maraming mga mabisang home remedy na tumutulong sa paggamot ng alipunga kagaya ng vinegar soaks at Clorox/Zonrox bleach soaks.


· Vinegar soak. Kailangan i-dilute ang putting suka sa tubig. Magagawa ito sa pamamagitan ng paghalo ng 1 part ng puting suka sa 4 parts na tubig. Halimbawa nito, ihalo ang isang tasa ng putting suka sa tatlong tasa ng tubig. Ibabad ang paa dito ng sampung minuto, isa o dalawang beses kada araw.


· Clorox bleach soak. Maaari din gamitin ang na-dilute na Clorox. Ihalo ang ¼ tasa ng Clorox bleach sa isang balde ng tubig.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nakakahawa po ba ang alipunga?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, isa itong fungal infection at maaaring kumalat at mahawaan, lalo na ang taong madaling kapitan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nakakalat po ba ang alipunga sa ibang parte ng katawan? Makatakud ba ang athlete’s foot sa ubang parte sa lawas?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, kapag hindi mo ginamot ang alipunga, ang fungus na nagsasanhi nito ay maaaring kumalat at makahawa sa ibang parte ng katawan. Ang impeksyon ay maaari ring kumalat sa ibang mga tao.
Ang hindi nagamot na athlete’s foot ay nagdudulot ng impeksyon sa iyong mga kuko sa paa at kung minsan sa iyong kuko sa kamay. Ang iyong kuko ay maaaring maging makapal at nagiging puti o dilaw ang kulay. Maaari siang matigas sa pakiramdam at mahirap putulin. Kapag hindi masyadong malubha, ang impeksyon ay nalulunasan sa pamamagitan ng mga “antifungal nail paints” o pintura pamatay sa fungus. Kapag ang impeksyon ay malubha na, maaaring kailanganin mong uminom ng antifungal na tabletas.
Ang ibang parte ng katawan ay maaari ring magka-impeksyon sa parehong fungus na nagsasanhi ng alipunga. Ang mga lugar kung saan ang iyong balat ay natitiklop tulad ng iyong mga singit ay pinaka-karaniwang naaapektuhan. Ang iba pang lugar na pwedeng magka-impeksyon ay ang iyong kamay, mukha, pati ang ulo ay pwedeng maapektuhan. Importanteng maiwasan ang impeksyon sa pagkalat sa ibang parte ng katawan sa pamamagitan ng paglunas sa alipunga kaagad at sa paghugas sa iyong kamay matapos mong hawakan ang iyong mga paa. Huwag kamutin ang balat na may impeksyon dahil ito ay sanhi na nakakalat ang impeksyon.
Kung sa tingin mo ay merong impeksyon na fungal sa ibang parte ng iyong katawan, makipag-usap sa iyong doktor o pharmacist.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Makakatulong ba sa pagpapawala ng alipunga ang pagpapalit ng sapatos? Makatabang ba sa pagpawala sa “athlete’s foot” ang pag-ilis ug sapatos?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang pagpapalit ng sapatos ay hindi nakakatulong sa pagpapa-alis ng alipunga. Subalit ang pagaalaga sa sapatos at ang pagpapalit-palit ng sapatos sa kada susunod na araw (alternate) ay maaaring magpaliit ng tsansa na magka-impeksyon.
Hindi pa natutukoy ng mga doktor kung ang pagpapalit ba ng sapatos o ang mas pagpapa-igi sa paglilinis ng paa ay nakakatulong upang mawala ang alipunga. Subalit may mga bagay na pwede mong gawin sa iyong sapatos upang mas lumiit ang tsansa na manirahan ang fungus sa loob. Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga ito.
• Magsuot ng ibang sapatos kada araw. Mga isa hanggang dalawang araw bago matuyo ang iyong sapatos matapos mo silang suotin. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng iyong sapatos kada araw, nasisigurado mong hindi mo naisusuot ang iyong paa sa lugar na mamasa-masa at may impeksyon na sapatos.
• Kapag pinapatuyo ang iyong sapatos, kalagan ang mga liston o straps upang makapasok ang hangin nang mabuti.
• Kapag kailangan mong magsuot ng parehong sapatos araw-araw, patuyuin sila sa pamamagitan ng hairdryer sa “cold” na setting lamang. Mapapatuyo nito ang sapatos nang hindi masyadong umiinit.
• Kapag ikaw ay bumibili ng bagong sapatos, piliin iyong maluwag-luwag sa mga daliri ng paa upang maka-circulate ng mabuti ang hangin sa loob. Sa mga masikip na sapatos, ang iyong daliri sa paa ay masyadong natutulak sa isa’t-isa at nagdudulot ito ng mainit at mamasa-masang lugar na gustung-gustong tirhan ng fungus.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi po naman ako naglalaro ng kahit anong laro o sports. Ibig po ba sabihin makakaiwas ako makakakuha ng alipunga? Dili man kayo ko gadula, mas nigamay ba ang akong tsansa nga makakuha ug “athlete’s foot”?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang alipunga ay nakakaapekto sa kahit sinong tao, naglalaro man siya ng sports o hindi. Datapuwat ang alipunga ay pangkaraniwan sa mga naglalaro, madali rin itong nakukuha sa mga pampublikong lugar tulad ng paliguan, saunas, swimming pools at mga kwarto kung saan pwedeng magpalit ng damit.
Ang alipunga “Athlete’s foot” ay nakuha ang kanyang pangalan dahil karaniwang ang apektado nito ay ang mga naglalaro ng sports. Ang fungus na nagdudulot ng alipunga ay tumutubo sa mga maiinit, at mamasa-masang mga lugar tulad ng lugar kung saan ang mga athlete ay nagbibihis. Tumutubo rin ito sa mga paliguan, palikuran, mga kwarto na pwedeng bihisan at sa mga swimming pools.
Subalit, kahit sinuman ay maaaring magka-impeksyon kapag sila ay naglalakad ng naka-paa sa mga publikong lugar. Kung sinuman na may alipunga ang naglalakad-lakad na naka-paa, ang maliliit na parang kaliskis sa balat ng paa ay maaaring maikalat kapag nahulog sila sa sahig. Sinuman na naglalakad-lakad sa parehong sahig ay maaaring makakuha ng impeksyon. Maaari ka ring magka-impeksyon kapag nakigamit ka ng tuwalya ng iba o kapag ginamit mo ang kanilang sapatos o medyas.
Maaari kang maka-iwas sa impeksyon sa pamamagitan ng pagsusuot ng tsinelas o pagsusuot ng sapatos sa mga lugar na pagbibihisan at mga publikong paliguan. Parating gumamit ng sarili mong tuwalya at huwag makisuot ng sapatos o medyas ng iba.
JOrdan CAbasag
is in the Philippines
Nd aq sure sa name ng infection ko doc. Mkati ngbbalat ung sa mga pagitan ng daliri ko s paa at sa itaas nito. Pg knakamot q mdli xng nssugat at ngddugo. npnsin ko p sa pagitan ng hinlalaki ko at hintuturo sa paa eh maputi n mbasa basa din prng kung unang tingin eh me aphids sa gitna. Alipunga rin ba ito?
Ask ko lang po ano pp ibig sbhn kapag me bukol sa loob ng bibig?
Ano po ibig sbhn kapag me bukol sa loob ng bibig?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Lumala po kase yung alipunga ko, nagnanana na po kasi po oxide lang nilalagay ko eh makati pa din kaya minsan di maiwasan makamot at mabalatan. Ngayon po lumala na, namamaga na paa ko at nagnanana yung sugat sa pagitan ng daliri ng paa ko. Ano po bang effective na gamot?