Allergic Rhinitis o Pangangati ng ilong, tulo ng sipon: paggamot, lunas, Symptoms, Signs

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang allergic rhinitis ay grupo ng mga sintomas na umaapekta sa ilong. Ang mga sintomas na ito ay nangyayari kapag nakalanghap ka ng bagay kung saan ikaw ay allergic tulad ng alikabok, balahibo ng hayop, o pollen mula sa mga bulaklak ng punung-kahoy. Ang mga sintomas ay maaari ring magsimula kapag nakakain ng pagkain kung saan ikaw ay allergic. Ang allergic rhinitis na particular na nakukuha mula sa paglanghap ng pollen ay tinatawag ring “seasonal allergy”. Mayroon ring tinatawag na year-round o nangyayari sa buong taon dahil sa pag-iba-iba ng klima.



Sanhi o dahilan, causes


Ang “allergen” ay isang bagay na nag-titrigger ng allergy. Kapag ang tao ay nakakalanghap ng “allergen” tulad ng “pollen”, alikabok, o balahibo ng hayop, ang katawan ay nagpapalabas ng mga kemikals na nakapagdudulot ng sintomas ng allergy. Kung partikular na tatalakayin natin ang allergic rhinitis na dahil sa mga kahoy, ang nagdadala ng allergy ay ang mga damo at bulaklak ng mga namumulaklak na kahoy. Ang mga pollen nila ay dinadala ng hangin o mga insekto. Ang dami ng pollen sa hangin ay naaapektuhan naman kung gaano kainit ang hangin. Kapag mainit at malakas ang hangin, siguradong maraming pollen sa hangin. Kapag naman malamig ang panahon, ang mga pollen ay maaaring nangahulog sa lupa. Ang tsansang magka-allergic rhinitis ay mas mataas kapag ang iyong pamilya ay mayroon nito.




Sintomas o senyales, signs


Ang mga sintomas kahit sandaling panahon pa lamang na nalanghap ang allergen ay pangangati ng ilong, bibig, mata, lalamunan, balat o kahit anong parte ng katawan, nagkakaproblema rin ang iyong pang-amoy, tumutulo ang malabnaw na sipon, palaging humahatsing, at mangiyak-ngiyak ang mga mata. Ang mga sintomas naman na nangyayari makalipas ang ilang oras na nalanghap ang allergen ay baradong ilong, ubo, baradong tenga at kabawasan sa pang-amoy, masakit na lalamunan, pangingitim sa palibot ng mga mata at namamagang mga mata, madaling panghihina at madaling pagkagalit, at masakit ang ulo.




Lunas, Medicine at cure


Ang pinakamaiging paraan upang maiwasan ang allergic rhinitis ay iwasan ang mga bagay na nakakasanhi ng paglabas ng sintomas. Maaaring imposibleng maiwasan ang lahat ng pollen ngunit may magagawa upang mabawasan ang tsansang malanghap ito. May mga gamot rin na maaaring ibigay upang malunasan ang allergic rhinitis at ito ay depende sa iyong sintomas at kung gaano kagrabe ito. Para sa mga hindi masyadong seryoso na allergic rhinitis, ang “nasal wash” kung tawagin ay maaaring makatulong sa paglabas ng mga sipon sa iyong ilong. Maaaring makabili ng “saline solution” sa mga drug stores. Ang mga gamot para sa allergic rhinitis ay “antihistamines”, “corticosteroids”, “decongestants” at marami pang iba. Ang antihistamine ay linulunasan ang mga sintomas ng allergy ngunit matapos uminom nito ay maaari kang makaramdam ng antok kaya iwasan munang mag-drive kapag nakainom nito. Ang mga “corticosteroids” naman ay ang mga pinaka-epektibong gamot sa paglunas ng allergic rhinitis. Mas mabilis rin ang epekto nito kapag hindi tinigilan ang paggamit. Ito rin sa kabuuan ay ligtas gamitin ng mga bata at matatanda. Para sa mga “decongestants”, sila ay nakakatulong sa pagbawas sa sintomas ng baradong ilong. Ngunit tandaan na huwag gumamit ng nasal spray decongestants ng hihigit sa tatlong araw.



Home Remedies at Prevention


Kung kailangan ng “saline solution” ay maaaring gumawa ng sarili nating gamot na ito kahit nasa bahay lang sa pamamagitan ng paghahalo ng isang tasa ng maligamgam na tubig sa kalahating kutsarita ng asin at maliit na “pinch” ng baking soda. Ito ay nagsisilbing “home-made” nasal wash. Ang maiging prevention sa allergic rhinitis ay ang pag-iwas sa mga allergens na nakakasanhi nito. Kaya naman kung ang panahon ay parang may dalang maraming pollen tulad ng napakainit at napakahangin na panahon ay mangyaring mamalagi lang muna sa bahay. O kapag naman hindi talaga maiiwasang maka-come in contact sa pollen, ay maaaring magpabakuna ng “allergy shots” kung tawagin upang maka-adjust ang katawan sa sanhi ng allergy.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
April Lopez
is a None in the Philippines
Good day po. Sana matulungan nyo ko. Matagal na yung sipon ko. Cguro 1 week na din mahigit. Hindi nawawala unless iinom ako ng neozep. Naiirita ako kasi naluluha mata at bahing akong bahing. Pati ulo ko minsan masakit. May baby pa naman ako na 6 months old. Buti nga di sya nahahawa saken. Napansin ko din simula nung uminom ako ng pills madalas na kong sinisipon. Ano po bang dapat kong gawin?
Jenelyn Cabasal
is in the Philippines
Good day po. My anak po akong 10yrs.old lalake, lagi po syang my sipon at makati ang mga mata at ilong, lagi po syang bahing ng bahing halos araw araw po syang my sipon, na obserbahan ko po to simula p po nun maliit sya, marami n dn po akong nasubukang gamot, nadala ko n din po sya s mga EENT Doctors, pinibigyan po sya ng mga nasal spray pero po parang hnd nmn po nawawala ang sipon nya, s huling pagpapatingin po nmen sabi ng doctor ay kailangan po syang mg undergo s allergy shot, tanong ko lng po kung sakali po bng gawin nmen to ay mawawala n po anh paghihirap nya, naawa n din po kc ko s anak ko halos araw araw ganon sya naapektuhan n po ung mga gawain nya s araw araw pto ang pagaaral nya, ako din po ay magaitong sakit pati ang tatay ko kaya possible po n nkuha nya un ganong sakit ako po ay natotolerate ko p po ang hirap kc nanay n ko pero sya po ay nakakaawa n. Maari nio po b kong masagot s katanungan ko?
May Gablinez
is in United States
Hu Jenelyn, kumusta na anak mo? Imipek ba yung nasal shots? Kung hindi baka kulang lang talaga ng nutrition yung anak mo. try mo painumin ng vitamins
Lyca Sonimac
is in the Philippines
2 years na akong may sipon , pero di naman madalas , tuwing umaga pagsising ko maysipon na ulit ako, tapos mawawala ito pag nainitan na ako , pero pag tangahali na ako nagising nagiging synuz na , nahalos masira ang isang araw ko dahil sa mayat mayang pagsinga at sakit ng ulo, ano po kayang pwedeng gamot para dito , at paano ito gamit . salamat
Irdan Ray  Bodiongan
is in the Philippines
good day po. Nababahing, sinisipon at tumutulo luha ko kapag malamig ang panahon o di kaya pag nagka contact ako sa dust at tuwing pagkatapos ko maligo at malamig ang tubig. Allergic rhintis din ba ito ?
Manuel Paragoya
is in Saudi Arabia
hi po.2 years na po aq ditu sa saudi nong augost.2016 umpisa ng taglamig don din nag umpisa ang sipon q panay aq bahing ng bahing pagkagising q sa umaga un sinisipon na aq at bahing ng bahing..nong dec.nagbakasyon aq sa pinas nawala sya peru nong bumalik na aq nong peb.sa erpolano un na umpisa na nmn un sipon til now..may araw talaga na sumpungin aq d aq makapagtrabhu dahil panay bahing at malabnaw ang sipon tas makati ang mata.tapos lalagnatin aq..nakapagchek up na rin aq binigyan aq ng gamot d parin nawala..tama ba tong advic sa iba na magpakulo aq ng lemon tapos hahaloan ko ng honey..ginagawa ko na yan mag isang buwan na po..anu po dapat kung gawin at anung mga pagkakain dapat kung iwasan..salamat po
Fhely Radomes
is in the Philippines
snaa po ay matulungan nyo ako sa problema ko sa anak ko.sobra po kasi sya kung bumahing...
kapag po bumabahing sya 4-5times na sunod-sunod at may interval na 3-4 seconds...
walang oras kung sya ay bumahing..kahit sa gabi kapag natutulog 2-3times sya bumabahing magdamag..at paggising bumabahing agad sya...hanggang sa maghapon.
ang napansin ko pa po sa kanya hindi sya nawawalang ng sipon..pero kapag pinasinga ko naman sya wala naman po sya nasisinga na sipon...
sana po ay matulungan nyo ako..salamat po