ANO ANG AMENORRHEA: Bakit hindi ako dinadatnan? Bakit di ako nagkakaregla o mens? Mintis ng menstruation

Medical Team
is a Medical expert in United States

Depinisyon o ano ang Amenorrhea? Unsa ang amenorrhea
Ang “amenorrhea” ay ang pagkawala ng regla – isa o marami pang nagmintis na regla. Ang mga kababaihang nagmintis ng hindi sa bababa sa 3 regla na sunud-sunod ay mayroong “amenorrhea”, pati na rin ang mga babaeng hindi pa nagbu-buwanang-daloy sa edad na 15 taon. Ang pinaka-karaniwang dahilan ng amenorrhea ay ang pagbubuntis. Kabilang sa ilang sanhi ng amenorrhea ang problema sa organ ng pakikipagtalik o kaya’y ng mga “glands” na tumutulong magkontrol sa mga antas ng “hormones” sa katawan. Dalawang klase ang amenorrhea. Tinatawag na “primary” ang amenorrhea kapag ang pagre-regla ay hindi pa nagsisimula sa edad na 16. “Secondary” naman ang tawag dito kapag ang regla ay nasimula na subalit ngayo’y tumigil ng tatlong buwan matapos ng regular na regla at anim na buwan sa mga kababaihang may kasaysayan ng iregular na pagdurugo.


Sanhi / Hinungdan / Causes
Ang normal na ikot ng “menstrual cycle” ay nangyayari dahil sa nag-iiba-ibang antas ng “hormones” na ginagawa at pinalalabas ng obaryo. Ang obaryo naman ay rumeresponde sa hudyat ng “pituitary gland” na makikita sa ilalim ng utak, at siyang nagko-kontrol ng hormones mula sa hypothalamus. Ang mga kondisyon na nakaka-apekta sa anumang parte ng sikolong ito ay nagdudulot ng amenorrhea. Subalit, ang karaniwang sanhi ng amenorrhea na kung minsan ay hindi napapansin ng ibang mga tao ay ang hindi pa nadidiskobreng pagbubuntis. Sa ibat’-ibang panahon ng iyong buhay, ikaw ay maaaring makaranas ng natural na amenorrhea. Ito ay buhat ng pagbubuntis, pag-papasuso at menopause. Ang isa pang dahilan ay ang kontraseptibo. Ang ilang mga kababaihan na umiinom ng kontraseptibo kung minsan ay hindi rineregla. Kahit pa tumigil na sa paggamit ng kontraseptibo, kung minsan ay natatagalan pa bago bumalik ang natural na regla ng babae. Mayroon ring mga gamot na nakakasanhi nito. Ilan sa mga ito ay ang gamot para sa mga may problema sa pag-iisip, chemotherapy, “antidepressants”, gamot para sa mataas na blood pressure, mga gamot para sa allergy. Mayroon ring buhat ng klase ng pamumuhay tulad ng pagkakaroon ng maliit na timbang, sobra-sobrang ehersisyo, at stress. Pwede ring dahil ito sa hindi balanse na hormones sa katawan tulad ng sa “Polycystic ovary syndrome (PCOS), problema sa thyroid, tumor sa “pituitary”, “premature menopause”.

Sintomas / Simtomas / Symptoms
Ang pinakasintomas ng amenorrhea ay ang hindi pagkakaroon ng buwanang-daloy. Depende sa dahilan ng amenorrhea, maaari mong maranaasan ang ibang mga sintomas na ito: parang gatas na lumalabas sa suso, pagkalagas ng buhok, sakit ng ulo, pagbabago sa abilidad na makakita, sobra-sobrang buhok sa mukha, masakit na bahagi ng puson at tigyawat. Kailangan mong makipag-kita sa iyong doktor kung nagmintis ka ng tatlong sunud-sunod na regla at kung hindi ka pa nagbu-buwanang-daloy na 15 taong gulang ka na o higit pa.

Lunas / Tambal/ Treatments/ Cures
Ang paglunas sa amenorrhea ay nakasalalay sa kung ano ang sanhi nito. Sa ibang mga kaso, ang kontraseptibong gamot o “hormone therapies” ay maaaring pasimulan ulit ang iyong regla. Ang amenorrhea na dala ng problema sa “thyroid o pituitary” ay maaaring malunasan ng gamot. Kapag isang tumor ang problema, maaaring kailanganin ang operasyon.

Pagbabago sa pamumuhay at mga gamot sa bahay / Mga kabag-uhan sa panginabuhi ug mga tambal sa balay
Ang mga karaniwang gawain tulad ng sobrang ehersisyo o napakaliit na pagkain – ay maaaring makasanhi ng amenorrhea, kaya sibukan na balansehin ang trabaho, pagliliwaliw at pahinga. Tingnan ang mga problema sa iyong buhay. Kapag hindi mo kayang bawasan ang iyong stress, humanap ng tulong mula sa kapamlya, kaibigan o iyong doktor. Maging mapag-matiyag sa mga pagbabago sa iyong regla at isangguni sa iyong doktor ang mga katanungan. Palaging ilista ang panahon kung kailan ka nagre-regla at subukang ilista ang pagsisimula nito at kung anu-ano ang mga hindi mo gustong sintomas na naramdaman.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
posible po bang may ganyan ako? tatlong buwan na po kasi akong di dinadatnan pero madaming beses na akong nag PT Pero negative naman lahat po kaso ng sintomas dyan nararamdaman ko .. pls help me naman po dok
Rosalie Tupaz
is in the Philippines
nagpa implannon po ako 3yrs po habang naka implannon wala po ako buwanang daloy.ngayon po dahil natakot ako ipinatanggal ko na before expiration date niya.pero 2 wks after removal wala parin po ako period.ano po gagawin ko
Gen Arnaiz
is a technician in the Philippines
yung pinsan ko po ay 18 yrs old ay irregular po yung mens nya at mga 9 months nasiyang di dinadatnan
may sakit po ba sya pag ganun
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Normal poh b sa isang babae Ang ndi pagreregla pasimulat sapol 33 n poh best frnd q ndi p poh xa nireregla marami n poh xa nararamdaman sa katawan nia....sana poh may makasagot sa tanong koh....thank you poh and godbless
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.