Anemia, lack red blood cells, kulang sa dugo: Sanhi, sintomas, lunas, gamot, treatment, symptoms, anemya

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang anemia ay isang kalagayan kung saan ang red blood cell o hemoglobin ay mas mababa kaysa sa normal. Dahil dito, walang sapat na red blood cell upang magdala ng sapat na oxygen sa ibat-ibang parte ng katawan. Kapag meron kang anemia, madali kang napapagod. The normal level of hemoglobin is generally different in males and females. Mayroong ibat-ibang klase ng anemia at ang bawat isa ay may kani-kaniyang mga sanhi. Ang pinaka-karaniwang dahilan ng anemia ay ang pagkawalan ng dugo. Ang anemia ay maaaring panandalian o pangmatagalan at sakop nito mula sa hindi seryoso hanggang sa napakaseryosong mga kaso.

Causes, Sanhi

Ang anemia ay nangyayari kapag ang dugo ay walang sapat na red blood cells. Ito ay nangyayari kapag ang katawan ay hindi gumagawa ng sapat na red blood cells, may pagdurugo kaya nawawalan ng red blood cells ang katawan, at ang katawan ay sinisira ang kanyang red blood cells.



Importance of red blood cells / Ano ba ang importansya ng red blood cells?

Ang katawan ay gumagawa ng tatlong klase ng blood cells – white blood cells upang lumaban sa infection, platelets na tumutulong sa dugo para mag-clot, at red blood cells na nagdadala ng oxygen sa lahat ng parte ng katawan. Ang red blood cells ay nagdadala ng hemoglobin – isang iron-rich protein na nagbibigay sa dugo ng pula nitong kulay. Ang hemoglobin na ito ang gumagawang possible na makapagdala ang red blood cells ng oxygen sa buong katawan at magdala ng carbon dioxide sa baga upang ito ay mailabas sa katawan. Upang makagawa ng red blood cells at hemoglobin, ang katawan ay nangangailangan ng iron, vitamin B-12, folate at iba pang sustansya mula sa pagkain na ating kinakain.


Type of Anemia / Ang mga karaniwang klase ng anemia

Ang mga karaniwang klase ng anemia ay iron deficiency anemia na ang dahilan ay kakulangan ng iron sa katawan. Dahil sa kakulangan, ang bone marrow ay hindi makagawa ng hemoglobin dahil kulang ang iron. Mayroon ring anemia na tinatawag na vitamin deficiency anemia. Ito ay dahilan naman ng kakulangan ng folate at vitamin B-12. Mayroon ring anemia mula sa mga lumulubhang sakit tulad ng cancer, AIDS at marami pang iba. May tinatawag ding aplastic anemia na nangyayari dahil ang bone marrow ay may kakulangan sa paggawa ng red blood cells. Meron ring hemolytic anemias, sickle cell anemia at marami pang iba.


Symptoms/ Sintomas

May mga pasyenteng may anemia na walang sintomas. Ang iba naman ay nararamdaman ang madaling pagkapagod at pagkahilo, mababang blood pressure, mabilis na tibok ng puso, pagkukulay dilaw ang mata, pagiging maputla, madaling gpagkaginaw, hirap sa paghinga, panghihina. May iba na nawawalan ng buhok, lumalaki ang “spleen” na parte ng katawan, kung minsan may mapapansing pag-iba ng kulay ng dumi. Para sa mga guma-grabeng klase, mayroong sumasakit ang puso at nagkaka-heart attack.


Treatment, Remedy, Cure, Medication, Lunas

Ang anemia ay nalulunasan sa pamamagitan ng paglunas sa sanhi nito. Para sa iron-deficiency anemia, kailangan ng karagdagang iron mula sa iron supplements at pagkain na mataas sa iron. Kung mayroong vitamin deficiency anemia, kailangan rin ng dietary supplements. Para sa aplastic anemia, kailangan ng abuno na dugo. Pwede rin ang bone marrow transplant. Sa hemolytic anemia, kailangang iwasan ang mga gamot na maaaring dahilan, kailangan ring lunasan ang infection. Sa sickle cell anemia, kalingan ng oxygen, dextrose at gamot para sada la nitong sakit.


Home Remedies and Prevention

Maraming klase ng anemia ang maaaring mahirap maiwasan. Subalit, maaari kang makaiwas sa anemia sa pamamagitan ng tamang pagkain. Marapat kumain ng pagkaing mataas sa iron. Ang mga makukunan ng iron ay ang mga karne, beans, kulay berdeng dahon na mga gulay. Para naman sa makukunan ng folate, kumain ng citrus at fruit juices, saging, madadahon na gulay, pasta. Para naman sa vitamin B-12, kumain ng karne, gatas at soya o soy milk. Magdagdag rin ng vitamin C sa diet. Kumain ng citrus fruits, melon at mga berries upang madaling ma-absorb ng katawan ang iron.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Meron ba pagkain na bawal kainin o hindi pwede kainin kapag may anemia? Namumutla po kasi ako
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung ikaw ay may anemia, wala namang partikular na mga pagkain na dapat mong iwasan sa kabuuan. Subalit, subukang limitahan lamang ang pagkain o pag-inom ng tsaa, kape at alak, kung maaari.
Ang pangunahing mga “nutrients” na iyong kailangan upang makagawa ng malusog na red blood cells at “hemoglobin” na siyang nagdadala ng oxygen sa dugo, ay mula sa iron, vitamin B12 at folate. Ang malusog at balanseng diet ay nagbibigay ng sapat na “essential nutrients”. Subalit, mayroong mga partikular na bagay sa ibang mga pagkain na pumipigil sa absorpsyon ng iron. Halimbawa nito ay ang “phenols” na makukuha sa tsaa at kape na pumipigil sa iyo sa pag-absorb ng iron. Kaya naman, kung posible ay kaunti lamang dapat ang pag-inom ng mga ito.
Ang vitamin C sa kabilang banda, ay tumutulong sa absorpsyon ng mas maraming iron. Kaya naman kumain ng pagkain na maraming vitamin C upang makakuha ng mas maraming iron mula sa iyong kinakain. Halimbawa, uminom ng preskong orange juice kasabay ng iyong pagkain o kumain ng “fruit dessert”.
Kung ikaw ay may namanang kondisyon na tinatawag na “G6PD deficiency” at kumakain ka ng “fava beans”, maaari itong magdulot ng biglaan at malubhang anemia. Ang “Fave beans” ay nagdudulot ng pagsira ng iyong red blood cells nang mas mabilis, na nagreresulta sa malubhang anemia at paninilaw ng puti ng mga mata o “jaundice”. Kaya naman kung mayroon kang kondisyon na ito, i-check muna ang mga sangkap ng iyong kinakain upang masiguradong hindi
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Vegetarian po ako. Meron ba akong magagawa upang maiwasan kong makakuha ng anemia?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Mababawasan ang iyong tsansang magkaroon ng anemia sa pamamagitan ng pagkain ng masusutansya at balanseng diet na mayroong iron, folic acid at vitamin B12.
Kung ikaw ay “vegetarian o vegan”, maaari mong makaliktaan ang ibang mga “nutrients” sa pagkain. Kabilang dito ay ang iron at vitamin B12 na makukuha sa karne, isda, manok at mga produkto mula sa gatas. Kung hindi ka nakakakuha nang sapat sa mga “nutrients” na ito, mas mataas ang tsansang ikaw ay magkakaroon ng anemia.
Ang maiging mapagkukunan ng iron na hindi mula sa karne ay ang:
• Beans
• Pinatuyong prutas at mani
• “brown rice” at “wholegrain” na tinapay
• “breakfast cereals” na may karagdagang mga nutrients
• Kulay berde at madadahong gulay
Ang mga maiging mapagkukunan ng vitamin B12 na hindi galing sa karne ay ang:
• Itlog, gatas at keso
• “yeast extract”
• “breakfast cereals” na dinagdagan ng nutrients, soya na gatas, “yoghurts” at mga panghimagas
Kung susundin mo ang “vegan” na diet, maaaring kailanganin mong uminom ng vitamin B12 supplements. Importante rin na magkaroon ng sapat na “folate” sa diet, na makukuha mo mula sa berde at madadahong gulay tulad ng broccoli, “Brussels sprouts”, asparagus at peas. Ang “chichkpeas at brown rice” ay magaganda ring mapagkukunan ng “folate”.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain ng masustansya, makipag-usap sa iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May anemia po ako at kailangan ko ng abuno ng dugo o pagsasalin ng dugo/blood transfusion. Ano po ba ang nangyayari kapag inaabunuhan ng dugo at ano ang mga dala nitong peligro?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang pag-abuno ng dugo (pagsalin ng dugo o blood transfusion) ay nangyayari kapag ang dugo o ang ilan sa mga parte o komposisyon nito ay inaabuno direkta sa ating mga ugat o “bloodstream”. Nagagawa ito sa pamamagitan ng maliit na tubo (cannula), kung saan nilalagay ito sa ugat, karaniwan sa iyong mga kamay o mga braso.
Ang iyong doktor ay karaniwang nagrerekomenda na ikaw ay magkakaroon lamang ng pagsasalin sa dugo (blood transfusion) kapag ikaw ay kulang sa dugo o kaya’y kulang ka sa mga parte nito. Ang pinaka-karaniwang rason ng pagkakaroon ng “blood transfusion ay upang mapalitan ang dugong nawala sa panahon ng malalaking operasyon o mula sa malaking pinsala sa katawan. Minsan, ikaw ay aabunuhan ng dugo upang malunasan ang malubhang anemia.
Ang dugo ay binibigay sa iyo gamit ang manipis na plastic na tubo na tinatawa na “cannula”. Ito ay tinutusok sa isang ugat sa iyong braso at kinokonekta ito sa isang “drip” kung tawagin na siyang nagko-kontrol sa patak ng dugo patungo sa katawan. Tumatagal ng hanggang apat na oras upang ang isang bag ng dugo ay ma-transfuse. Subalit, pwede mo itong ibigay sa mas kaunting oras kung kinakailangan. Habang nagbo-“blood transfusion”, ikaw ay maaaring magkaroon ng kaunting lagnat, panginginig o kaya’y mga pantal. Kung ito ay mangyari, ang nars ay maaari kang bigyan ng paracetamol at “antihistamine”. Subalit, ang iyo ring nars ay maaaring hinaan ang daloy ng dugo o kaya naman ay ititigil muna ang pag-aabuno.
Ang pinakamalaking panganib habang nag-aabuno ng dugo ay ang tsansa na maibigay ang hindi wastong klase ng dugo ngunit hindi ito malimit mangyari. Bago ka sasailalim sa “blood transfusion”, ikaw ay magkakaroon muna ng “blood tests” upang matukoy ang iyong “blood type”. Ito rin ay sasailalim sa “cross-matching” o paraan ng pagkuha ng sample ng dugo ng pasyente at ite-“test” ito kasama ng angkop na “donated blood”. At agad-agad, bago magsimula ang “blood transfusion”, ang iyong doktor o nars ay iche-check muna ang mga detalye tungkol sa iyo at sisiguraduhing makukuha mo ang wastong dugo na angkop para sa iyo.
Ang panganib na makakuha naman ng nakakahawang sakit mula sa “blood transfusion” ay maliit lamang. Lahat ng mga “blood donors” o siyang nagbibigay ng dugo ay maingat na pinipili upang masiguradong ang dugong kanilang ibibigay ay ligtas sa anumang karamdaman. Lahat ng donasyon na dugo ay isinasailalim sa test mula sa nakakahawang mga sakit tulad ng hepatitis B, hepatitis C at HIV bago ito pwede nang magamit.
Mayroon pang ibang mga panganib na maaaring dala ang “blood transfusion”, na nagde-depende sa iyong personal na kalusugan. Tanungin ang iyong doktor ukol sa mga impormasyon dito at hilingin na ipaliwanag ang mga ito sa iyo.
Kenny Navarro
is a FREELANCER in the Philippines
hi doc si kenny po to ako nmn po kase tingin nyo po ba kulng ako sa dugo kase mabilis ako mapagod at ung palad ko pag minsan tinitignan ko parang dots dots na parang kulng sa dugo at nahihilo at last month ago halos dumumi ako ng mas kasamang dugo halos 2 weeks din po un tapos nag pa check ako sabe almuranas daw po at un neresetahan ako ng gamut sa almuranas para tumigil ang pag durugo at un salamt nmn po nwala sha pero un po nararamdaman ko nahihilo mabilis mapagod pero ok na po wla na pong blood ang dumi ko umiinum din po nako ng po ferous sulfate sa tingin nyo po anu magnda gawin ko salmat po
Pia  Bautista
is in the Philippines
Gud pm po, Doc pati po b ung pag inom ng slimming tea nkka pag ba2c ng dugo? Araw2x po kc ako umiinom ng slimming tea hindi po kc ako mkadumi pag hindi ako mkainom ng tea,kc po anemic po ako lagi po aki nhihilo ung piriod k nagloloko kung mag karuon man ako sbrang hilo ang dnadanas k after 1wik meron nko pro patak lang at 1day lang po xa, ngaun lagi po ako nhihilo as in hilo po tlaga n prang lumilindol buong paligid k.Doc Nu po mbisang gamot s mbilis n pag gana ng metabolizim k pra hindi nki uminom ng slimming tea at mabisang gamot din po s anemia? Plssss...po Doc.
Erm Rivers
is in the Philippines
Hello po. Na miscarried po ako noong Nov. 3 and on that day, I felt all symptoms of anemia. Para akong na stroke. From that day on, I felt the symptoms consistently na until I was admitted to a public hospital and had my blood tested (CBC) on Nov. 8. My hemoglobin is 10, hematocrit is 0.30, and RBC count is 3.39. These are not in the normal range. Tama po ba? Sabi ng doctor na walang paki sa symptoms ko na ok lang ako. Di na daw e admit kasi it can be treated with iron supplements. Should I be transfused with blood? Kasi I felt all symptoms for two weeks, now it's almost 4 weeks na, but I still feel tired and easily get cold. Pero yung feeling na parang na stroke ka, eh wala na. When will I completely recover? I've been taking iron supplements and eating iron-rich foods naman. :( Pls help.
May Gablinez
is in United States
Hi Erm, I'm not a doctor. Don't focus sa iron lang. dapat complete nutrients kasi the other parts of the body needs supplements din. enough nga yung iron mo yet di na man nag-fa-function ng tama yung ibang part ng katawan mo, meron pa rin problema.
Jjay Duque
is in Macau
nagmamaintenance po ang girlfriend ko sa sakit niang anemia natural lng po ba ung pagsakit ng mga joints nia at ung timeframe ng pagsakit ng joints?twice po sa isang araw ..sa madaling araw at pagkagat po ng dilim..
May Gablinez
is in United States
i'm not a doctor. Aside sa gamot, dapat na ka supplement din yung gf mo. yung gamot, sa specific ailment lang but then it affects the entire body when taken. if kulang sa nutrients yung katawan ng tao and may side effect pala yung gamot, the body has no enough energy or capability to resist the effect.
Jemelyn Rosas
is in Asia/Pacific Region
buntis po ako sobra akong nahihilo minsan parang bibigay na katawan ko pangatlo na po etong pagbubuntis ko pero ngayon lang po ako nag kakaganito.minsan ayuko na kumilos kasi buong araw masama pakiramdam ko.ano po ba problema ko.
May Gablinez
is in United States
contact your OB girl. mas alam niya yung i-re-recommend base on your history.
Sheryl Doy
is a non-Filipino member from the Philippines
ano dapt kung gawin pra maiwasan na mataas ang blood sugar ko.
Sheryl Doy
is a non-Filipino member from the Philippines
ng consult ako sa doc. kse po kqging malamig yung paa ko at laging basa yung kamay ko po. minsan maskit ang ulo ko at nasa shoulder ko po. kagi kong naramdaman yu. pero mataas den yung suagr ko. doc ano kya dapt kong gwin.
May Gablinez
is in United States
baka mahilig ka sa matamis kaya mataas ang blood sugar mo. tapos mahilig ka rin sa pancit, rice, tinapay at iba pang may carbohydrates. Excess carbohydrates converts into sugar and sugar converts to fats. I'm not a doctor by the way.
Joahna  Pasmbaa
is a non-Filipino member from the Philippines
7 months pregnant po ako at sobrang baba po ng red blood cells ko. Niresetahan po ako ng ob ko ng 2 iron tablet at need po ulit itest blood ko after a month para malaman kung may improvement kasi kung hindi po daw tataas red blood counts ko masasalinan daw po ako dugo bago manganak. CS po ako. Any idea po na pwede ko inumin para mas mabilis madagdagan red blood ko?sa ngayon po everyday po ako umiinom ng nilagang sabaw ng talbos ng kamote without any added sugar or anything. Kumakain din po ako ng inihaw na atay ng baboy. Ayaw ko po masalinan ng dugo. Pwede po ba na habang umiinom ako ng sabaw ng talbos ng kamote eh iinom pa din ako ng juice like beet root juice? please help po.thanks
Jerick Redota
is in the Philippines
Doc magnadang araw po.. ako po si jeck mababa po ang hemoglobin ko mag isang taon n po.. nag pcheck n ako pero bnigay lang sakin is mag ferous.. ano po bang kailngan kong gawin?? 124 po ang hemoglobin ko ngaun kakapaCBC ko plang ngaun
Jerick Redota
is in the Philippines
2 week n din po ako kumakain ng beet root, molases. at 2 months n po akong nagtatake ng sangonbion 2x a day at methil b12 at ascorbic 2x a day din po ano po bang kailngan ko pang gawin para tumaas hemoglobin ko para hindi n ako mahilo at mamutla??
Jocelyn Dolueras
is in the Philippines
isang buwan napong mhigit sumasakit ang kaliwang ulo ko,at nahihilo po ako lagi,nagsusuka,and bp ko po is 90/60 nakailang pregnancy test na po ako negative po''',dati po akong anemic,may posibilidad po bang bumalik ang sakit kung anemic?,dati po ferro sulfate ibinigay ng doktor sakin para inumin, pwede ko parin po bang inumin iyun?ano po kaya ang dapat kung gawin?' sana po matulungan nyo ako''
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
January 3 nung natumba aq habang nasa super market ng mag babayad nako bigla aq nahilo at bumagsak nawalan ng malay dko akalain na my anemia na pala aq na grabe na pala ang sakit q na pde kung ikamatay kapag my naramdaman na kayo ng pag kahilo at mabilis na pag tibok ng puso mas maigi ng pumunta sa doktor ngaun po nag papagaling po aq sa sakit na anemia.
Sumayyah Mancao
is in the Philippines
Hay doc good afternoon tamong ko lang po kung pwede ba yong dahon ng talbos kamote sa may anemia?