Albularyo, Hilot, Folk healers: Totoo ba gayuma? Mangagamot at faith healers, true or real?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano ang pinagmulan ng albularyo / Ang mga sinugdanan sa albularyo?


The Tagalog term 'albularyo' refers to folk healers or medicine men. Many individuals, especially the indigenous or native people and those who live in rural areas where health resources are scarce, prefer to consult an albularyo who uses folk medicine. Ang albularyo ay isang lokal na tagalunas ng sakit. Siya ay may kaalaman ukol sa aplikasyon ng herbal na medisina upang gamutin ang maraming karamdaman at ang kanilang abilidad ay pinaniniwalaang nagmumula sa espirituwal o super natural na mga puwersa. Ang albularyo ay pinaniniwalaang minana ang kanyang kakayahang manggamot mula sa pamilya ng manggagamot na kinokosiderang ang kanilang kapangyarihang manggamot ay bigay sa kanila ng mas mataas na nilalang. Sila ay karaniwang walang pormal na edukasyon, at ang kanilang kakayanan ay base at lumago lamang matapos ituro sa kanila kasama ang matagal na pag-aaral at pagiging estudyante kasama ang isang lokal na albularyo.



Isang personal na karanasan sa albularyo / Usa ka personal nga kaagi sa usa ka albularyo


Folk medicine is defined as the mixture of traditional healing practices and beliefs that involve herbal medicine, spirituality and manual therapies or exercises in order to diagnose, treat or prevent an ailment or illness. It is sometimes referred to as alternative medicine, holistic medicine and Eastern medicine. In fact, traditional medicine is considered as old as written human history because since before, even when science cannot explain the basis of this practice, ancient people have already been using herbal medicine to treat or alleviate symptoms of certain illnesses. Natural na sa isang bata na maging sakitin. At bilang isang bata na nagmula sa isang maliit na baryo at malayo sa siyudad, pangkaraniwan na na dalhin ako at ang aking mga kapatid ni nanay sa isang albularyo. Maraming albularyo ang sumisikat sa amin dahil sa ibang ring mga nanay na nagmumungkahi sa kanila. At maraming beses nga, kapag ako ay nagkakasakit ay mas nauuna pa kaming pumunta sa albularyo kaysa sa doktor. Ang albularyo na aking kilala ay nagbuhat pa sa isang munisipyo kasunod sa amin. Sumasakay pa kami ng jeep ni nanay para magtungo sa kanila. Pagdating naming sa kanyang tahanan, mapapansin mo ang nakapilang mga tao sa labas ng kanyang simpleng bahay. Noong ako ay nagpunta sa albularyo, kung tama ang aking pagkakatanda, may lagnat ako noon. Noong ako na ang nakatokang gamutin, may binulong muna siyang mga bagay na hindi ko marinig at matapos noon ay sinimulan na ni manong albularyo na hilutin ang parte ng aking katawan na siya rawng nasinat. Meron siyang parang mantika na ginagamit sa paghihilot na kung tawagin namin ay “lana”. Sa tingin ko’y gawa iyon sa mantika mula sa niyog at mga kahoy na hiniwa-hiwa at inilagay sa isang garapon. Matapos ang gamutan ay nagbibigay si nanay ng pera doon sa kanilang parang “donation box” at uuwi na kaming naghihintay hanggang mawala ang hindi ko magandang pakiramdam. At sa aking naaalaala, hindi rin naman lumulubha ang aking sakit matapos kaming magpunta sa kanya at tuluyan pang nawawala ang sakit. Sa isa pang pagkakataon, dahil nagtataka sila nanay kung bakit napakasakitin namin na mga anak niya, naisipan ni mama na patingnan ang bahay namin sa albularyo na siyang gumamot sa akin dati. Matapos namin siyang sabihan na sa tingin ni mama ay minamalas kami sa bahay na tinitirhan namin ay pumunta ang albularyo isang araw sa bahay. Pagdating niya sa bahay ay marami siyang tiningnan. Halos lahat ng sulok ay sinuri niya. Gumamit pa siya ng mabigat na metal at pinagpupukpok ang ilalim ng bahay namin. Matapos noon ay kinilabutan kami dahil parang may tumunog na kung ano mula sa ilalim ng bahay. Matapos niyang lumibot sa bahay ay nakagawa siya ng konklusyion na hindi maganda ang pagkakapwesto namin sa bahay dahil ang bahay raw namin ay base ng mga Hapon noon. At meron pang balon sa likod ng bahay namin na parte ng aming dingding. Hindi raw iyon magandang gawing parte ng bahay at dapat ay takpan namin ang balon. Matapos ang lahat ng kanyang winika, naghukay siya ng maliit na butas sa sahig namin at nilagyan niya ng mga butil ng bigas at tinakpang ulit, bumulong siya ng mga bagay na hindi madinig, at matapos noon ay sinabi niyang dapat raw kaming magkatay ng baboy. Dahil sa mga suhestiyon niyang iyon, dali-dali namang sumunod si nanay at isinagawa ang kanyang mga payo. Matapos noon, dahil na rin sa tiwala ng aking mga magulang sa kanya ay parang unti-unti nang gumaan sa pakiramdam ang bahay namin. Bagamat marami kaming karanasan sa isang albularyo, masasabi kong importante pa rin ang paniniwala higit sa lahat. Matapos ang kaganapang iyon ay hindi na kami masyadong nagpapa-albularyo, salamat na rin at wala na kaming masyadong dinaramdam sa katawan.

Using herbs or plant extract in treating certain medical conditions is not questionable at all. In fact, scientific studies and investigations have proven that the contents of the medicines we purchase from our local drug store or some of the substances that can treat our illness actually came from flowers that were once just growing in the forest as well as from the bark or leaves of the trees or small plants. However, not all of the practices of an albularyo is actually beneficial (e.g. blood of a black chicken rubbed on the affected area will cure the shingles). This means that further investigation is required to prove if it is really safe and effective.

For example, in Spanish American folk medicine, both aboriginal beliefs and Christian faith are combined. Illnesses are divided into mal natural (natural illness) and mal puesto (illness caused by brujeria, or witchcraft). The mal de ojo (evil eye) is thought to cause bad luck or illness. The effects of mal de ojo may be deflected by the use of prayer or by the use of sympathetic magic to transfer the effects to another person or thing.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)